Chapter 6

322 22 5
                                    

Chapter 6

Mikko's POV:

TAE TAE TAE TALAGAAA! Naaksidente ang magic wand ko lintek! Ang sakit kaya!

Pero nasubside yung sakit nang mapahalik ako sa chix ni Jae. Aksidente lang naman yun... Anong magagawa ko kung swak na swak pala!

"KYAAAAAAAAHH!" pagkatulak sakin ni Kazumi, sinabayan niya ng nakakatulig na tili. Hinila ko siya patayo sa mga balikat niya tas niyugyog.

"Oy manahimik ka nga? Aksidente lang naman yun eh- Kung tutuusin ako dapat ang magalit sayo dahil sinipa mo ako! Basta kalimutan na lang natin to. Di tayo close, at kunwari di tayo magkakilala okay?"

"-WAAAAAAAAH!!" kita mo to nananadya oh? Lalo pa daw sumigaw amp?!

"Pag di ka nanahimik diyan gagahasain na kita!"

Mangiyak ngiyak ang hitsura niya. Mayamaya nauwi sa paghagulgol ang paghikbi niya. "Mama uhuhuhuh- MAMAAAA AHUHUH~"

I crossed my arms. What an irritating specimen! Bakit ko nga ba kasi kinaladkad tong babaeng to dito eh?

Bumaling ako sa horizon because I got bored. Pagkatapos ng araw na ito, meron pang isang araw para magdecide. I want Chloe back; pero sa dami ng kahihiyan at kapahamakang idinulot sakin ng pakikipagdate niya kay pareng Jae, gusto kong siya ang magkusang bumalik sakin!

Para mangyari yun- kailangan ko siyang pagselosin gamit ang isang pretty chix. At sino yung tinutukoy ko?

Inilibot ko ang aking paningin hanggang sa mapatingin ako kay Kazumi. Nagsalubong ang kilay ko pagkakita ko sa swangit niyang pagmumukha. Hinawakan ko ang noo niya and pressed it hard kaya napatumba ulit ang katawan niya sa buhanginan. "Wag mo ngang hinaharangan ang view! Panget mo eh!"

Dahil hindi na obscured ang view, nakilala ko na kung sino ang mga paparating.

Kumikinang sa sikat ng araw ang mala-bronze na skintone ng magandang dalagang papalapit. Ang bawat paghakbang niya ay magaan lamang na waring lumulutang siya, at ang kanyang ankle-length na chiffon skirt ay sumasalimbuyo sa ihip ng hangin-

Napakaway ako habang nakangiti. "HI MARGE PWEDE BA KITANG MAGING GIRLFRIEND?!"

She stuck out her tongue. "WHO YOU?!"

Si Mint na kasunod lang niya, kuntodo simangot sa tinuran ko. Okay na yata sila ni Marge. Maybe.

"MARGE!" biglang napatayo si Kazumi pagkarinig sa boses ng pinsan niya. "UWI NA TAYOOOO~"

"Paano niyo nga pala nalamang nandito kami?" tanong ko kay Mint.

"Nakita ko lang yung kotse ni Cedrick sa gasoline station kanina. Since wala akong maisip na puntahan, sinundan ko na lang yung route nun hanggang sa dito nga kami napadpad. Private beach ba to? Ang ganda eh!"

"Property to na nabili ni dhie. Ililipat pa lang ito sa pangalan ko." I told him, them, as I helped myself up. Pinagpag ko na rin ang mga buha buhangin na nag accumulate sa shorts ko. Sana parang buhangin na lang din ang feelings of a ditched guy na isang pagpag lang wala na.

"Oh eh nasaan si Cedrick?" almost sabay na tanong ng dalawang bagong dating.

"Ewan ko dun. Ang sabi ko magtaxi na lang muna siya eh."

"Oh siya ihatid niyo na kami ni diyosa pauwi at mahirap nang gabihin sa daan. Ang layu layo pa man din dito!" ani Marge.

Tss... Wala pa ngang isang oras akong nandirito aalis agad! Kailangang kulitin ko si dhie na idevelop agad ang lugar na ito para next time na pupunta ako dito eh pwede akong mag overnight. Sa ngayon, retreat muna. But I shall return!

Mikko Punch!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon