Chapter 5

366 29 8
                                    

Chapter 5

Kazumi's POV:

Heee? Nandito ngayon si Mikael?!

"Dalian mo na Kazu! Mas maaga tayong makakaalis mas maganda!" tinulak tulak ako ni Marge.

Di pa nga ako tapos mag-make up eh! Parang ayoko ngang umalis kasi kahit anong gawin ko hindi ko maitatago yung pamamaga ng pisngi ko. Magsusuot na lang ako ng shades. Yung mata ko na lang ang itatago ko!

"P-Paano si Mikael? Eh di ba ang sabi mo nasa labas na sila?" pinabasa sakin ni Marge yung text ni Cedrick. Mag-aapologize daw sakin si Mikael.

"Kausapin mo lang sandali tas aalis na tayo!"

"Okay..."

Syempre pumunta muna kami sa room ni Papi. Dinukot niya ang wallet niya tas nagbilang ng paper bills. Halos hindi kami kumurap ni Marge.

"Kore." inabutan ako ni Papi ng sampung tig-ten thousand yen. Bali one hundred thousand yen yun lahat. "Ipapalit niyo na lang."

Yipee! Abot tenga ang ngiti namin ni Marge. "Thank you po Papi!"

I hugged him before we left the room. Nakasalubong namin sa corridor si mama. "-Kazu sino ba yung mga binata na nasa tapat ng gate natin? Kilala mo ba? Papapasukin ko-"

"Ahh hindi na po tita! Palabas na rin po kami eh." ani Marge.

Nagcross ng arms si mama sabay taas ng kilay. "Hmm... Don't tell me makikipagdate kayong dalawa? Marge?"

My beloved cousin pouted. "Pag boys sakin agad ang tingin tita?"

"Okay naman sila sa first impression. Maporma, de kotse, at mukhang galing sa magandang pamilya. Pero kayo ha? Mga bata pa kayo! At ikaw Kazu, kakabreak niyo pa lang ni Jae, di mo man lang ba yun iiyakan?"

Ano ba itong si mama napakaintrimitida! Hindi ko na nga naiisip si Jae, pinaalala pa!

Saka hindi na ako iiyak kay Jae ano. Marami na siyang damage na ginawa sakin. Starting today, ieenjoy ko na ang buhay single.

"BYE MA!" hehe imbes na magpaliwanag sa kanya, I kissed her in the cheek then said goodbye.

Humalik din si Marge sa pisngi ni tita. "BYE TITA!"

"HOY KAYONG DALAWA! I'M NOT THROUGH WITH WHAT I'M SAYING!" habol samin ni mama.

Naghawak kamay kami ni Marge nung pababa ng hagdan without looking behind.

Ako yung nagbukas ng gate. Tumambad sakin ang fez ni Mikael. Nakasibangot na naman siya! Bigla akong nakaramdam ng matinding takot, as in nanlambot ang mga tuhod ko at nanginginig ang katawan ko!

G-Galit ba siya sakin?! S-Susuntukin ba niya ulit ako?!

UWAAA AYOKO PO! Uhuhuh~ Maaarge tago mo ko!

Nagtago nga talaga ako sa likod ni Marge. "Oy diyosa anyare sayo?"

Hinila ni Mikael si Marge palayo sakin! Uhuhu~

"Hey let me go Mikko ano ba-?" pumalag si Marge pero natigilan siya nung makita si Mint. Koibito sila remember? [Koibito- Magjowa]

"What are you doing here Mint?!"

"-Margaux mag-usap kayo ni Mint!" talagang kinaladkad ni Mikael si Marge at sapilitang ipinasok sa loob ng itim na Chevy! Pagkasara niya sa cardoor, bumaling siya kay Mint. "Sakay na!"

Wai nandito din pala si Cedrick pero hindi man lang siya nakikialam!

Umikot si Mint then pumasok siyang ng kotseng lulan si Marge. Di katagalan ay nabuhay na ang makina nun. Me, Ced, and Mikael just watched the black Chevy sped off.

Mikko Punch!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon