... and I did.

Nakatayo ako ngayon sa harapan ng bulletin board na para sa strand namin kung nasaan ang rankings para sa unang sem.

Unang una ang pangalan ko sa listahan. Astraea Lekha Salonga. Ako lang ang walang middle initial dahil apelyido lang naman ng tatay ko ang alam ko.

Halos mawalan ako ng balanse nang tumalon si Ryone at niyakap ako, "Hindi naman na nakakashock, pero congrats, Treya ko!"

Niyakap din ako nina Erika, Francene, at Wency kaya nagmistulang group hug ang nangyayari dito at pinagtitinginan kami.

"Thanks, thanks!" natatawang sabi ko sa mga kaibigan kong hindi magkamayaw sa pagsasaya. Kahit ang mga ka-strand namin at mga hindi ay binabati ako kapag nagkakatinginan kami.

"How to handle fame? Charot!" sabi ko, dahilan para batukan ako ni Erika. "Naku, Trey. Hindi ka na nasanay, eh bawat sem naman ay ganito!"

Naglakad kami papunta sa ibang bulletin board para makibalita sa rankings ng ibang strand.

Iilang mga namamanghang reaksyon ang pumukaw sa atensyon ko. Syempre, si Ambrose ang kinamamangha nila. Halimaw na average? Almusal lang ni Ambrose yan!

Nangingibabaw sa crowd sina Ambrose at Ashriel dahil mga babaeng ka-height ang mga nakapaligid sa kanila. Kumaway ako, "Ambs!"

Nakita kong may lumapit kay Ashriel na babae at nagpaalam sila kay Ambrose bago siya tuluyang lumapit sa akin.

Itinaas niya ang kamay niya, naghihintay ng apir. "Congrats."

"Heh! Salamat! Congratulations sa'yo!" pagbabalik ko ng bati. Ipinagtama ko na ang mga palad namin at napa-aray ako nang mapalakas iyon.

Nabalitaan ko mula sa kaniya na Rank 1 din sina Marj, Matt, at Alejo sa kanya-kanyang strand nila. Napatalon ako sa tuwa. Nakakaproud naman!

"Wow, 24th!"

Napatingin ako sa pinanggalingan ng pamilyar na boses. Alam ko kaagad na si Kenjiro iyon pero nawala ko siya sa dami ng tao sa harap ng board nila.

Wow. Nag Rank 24 pa siya nang hindi nagrereview? Paano pa kung nag-aral 'yon? Baka matalo pa si Ambrose!

Natawa ako sa kalokohan na naisip. Lumapit na ako sa board at hinanap ang pang number 24 sa listahan. Napakunot ang noo ko nang 'di naman si Kenjiro iyon.

Nyx Lyrica Pajarillaga?

Sobrang pamilyar nung pangalan kaya tumigil ako doon para isipin muna. "Nyx... Nyx... Sino kasi?" bulong ko sa sarili ko.

"The transferee. Crush ni Ashriel."

Halos mapatalon ako nang maramdaman si Ambrose na nasa likod ko na pala.

I snapped my fingers, "Ayun!"

Magkaklase nga pala sila ni Kenjiro! No wonder na close sila.

"Why?" kuryosong tanong ni Ambrose. Hinila niya na rin ako nang bahagya sa may braso para ilayo ako sa maraming tao.

"Wala lang! Akala ko kasi ibang tao yung 24th sa inyo."

Kumunot ang noo niya, "Ibang tao? Kenjiro, you mean?"

"Hindi 'no! Pakialam ko doon!" agad kong sabi.

Huminga siya nang malalim. "Alright, good."

Napatingin ako sa kaniya. "What do you mean?"

"What?"

"Anong good doon sa sinabi ko?"

"I said that it is good for you not to care about him, Astraea."

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن