"Nakakain ba iyang gwapo na iyan? Gutom na gutom na ako maawa naman kay—" 

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang may kumalabit sa 'kin.

"Hi Ma'am, we are the Chtristians Youth Organization and you can join to our Inspirational Talk later. May Free lunc—"

Hindi ko na din siya pinatapos sa at hinapblot ko na agad ang papel na hawak niya.

"Oo, sasali kami ng mga kaibigan ko. To God be the Glory," aniko at nag-peace sign sa babae.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at kinaladkad na ang mga kabigan ko papunta sa venue na nakasulat doon sa papel.

Ang venue ay sa auditorium lang ng school namin kaya mabilis lang naming nahanap ito.

"Hoy! Sure ka may free lunch ito?" tanong ni Elegen.

"Oo labs, meron!" masigla kong sabi.

"Jaicca Faith, umayos ka, religious organization itong sasalihan natin," paalala ni Carly sa'kin. "Minus points ka na naman sa heaven nito," dagdag niya.

"Ikaw ang umayos, iyang bunganga mo pigilan mo," sagot ko sabay umirap sa ere.

Nang nakapasok kami sa venue ay tumambad sa amin ang dami ng mga pagkain. Malawak ang ispasyo nito at may naka-fix na mga monoblock chair sa gitna. Sa likurang bahagi ng mga monoblock ay ang mga lamesa na pinaglagyan ng pagkain. Nagningning ang aming mga mata at dali-daling kumuha ng plato.

"Wala nang hiya-hiya ito, pagkain ito kaya focus tayo," bulong ni Elegen.

"Mga labs, may cellophane kayo?" tanong ni Carly.

Sabay kaming umiling ni Elegen dahil wala naman kaming cellophane na dala. Hindi pa naman ako gano'n kabaliw para mangolekta ng mga cellophane.

"Panyo? meron kayo?" tanong niya sa pangalawang pagkakataon.

"Ako meron, bakit?" I asked curiously.

"Sarap kasi ng Fried Chicken, kukuha sana ako ng madami para mamaya. Alam mo na, bring home," aniya. Nagkatinginan kaming tatlo at sabay na nag-high five.

"Ayos ang talino mo, Carly, sa panyo natin ilalagay yung Fried Chicken," sabi ko at nag-high five kami ulit.

Pagkatapos ng chibugan ay naghanap na kami ng mauupuan para sa Inspirational Talk na sinasabi nila. Medyo madami na ang tao sa loob ng venue, may mga nag-aayos din sa stage. Halatang pinaghandaan nila ito.

Nag-unat ako pampawala ng antok nang masagi ko ang kamay ni Carly at lumipad ang pakpak ng manok sa babaeng naka-red na headband.

"My Gosh! What's this? Sinong nagbato nito?!" sigaw ng babae at tumingin sa direkyon namin.

Umarte lang kami ng parang walang nangyari, kahit nahihirapan na sa pagpipigil ng tawa.

"Jaicca naman kasi ang tanga, sayang iyong fried chicken," reklamo ni Carly habang natatawa.

"Hala grabe, hindi ka nabusog kanina? Baka kulang ka sa purga," biro ko sa kanya. Si Elegen naman ay halos naging violet na dahil sa kakapigil ng tawa, idagdag mo pa na morena beauty itong kaibigan ko. Imbis mamula nagiging violet tuloy.

Hindi nagtagal at nagsimula na rin ang program. Maraming mga speakers na nag-share ng testimony nila, pero may isa raw na siyang magbabahagi ng main topic sa talk na ito.

"Please help me welcome our special speaker, an architect and a good follower of God, around of applause for Autin Notche!"

Pagkarinig namin sa sinabi ng MC ay para kaming mahihimatay sa kakatawa, iyong tawa na walang tunog. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig namin pero ang bastos kasi.

"Shuta! Kapag bisaya ka nga naman, oh." Halos mawalan na ako ng hininga sa kakatawa, pati rin ang dalawa kong mga kaibigan na mga bisaya rin ay halos hindi ko na mailarawan ang mga mukha dahil nahihirapan nang tuwa ng walang tunog.

Patawa naman kasi ang pangalan na 'yan, iba meaning ng oten sa bisaya. Ano bang nakain ng mga magulang n'ya? Hindi ako sigurado sa spelling ng pangalan niya pero ang pagkakasabi ng MC ay oten.

"Grabe hindi ko 'to kaya, feeling ko matatae na ako sa kakatawa dahil sa pangalan niya," sabi ni Carly na halos maglupasay na sa tuwa.

Napahinto lang ako sa kakatawa nang maaninag ko ang mukha ng lalaki na nasa gitna ng stage.

That fair skin, face shape, thick eyebrows, and kissable lips...

He's very familiar to me, hindi ko lang matandaan kung saan at kailan kami nagkita pero...

'M-miss hindi tumbler iyan.'

'Tin, iyan ang itawag mo sa 'kin.'

Nag-flashback ang lahat kaya agad akong napatakip ng mukha nang napagtanto ko kung sino itong lalaki na ito.

"Kaya pala pamilyar siya," napasabunot na lang ako sa sarili.

Napalingon naman ang dalawa kong kaibigan sa 'kin dahil sa ginawa ko. "Ano?" sabay nilang tanong.

"Siya iyong sa jeep, si—" hindi ko nadugtungan ang sasabihin nang nagpakilala siya uli.

"Hi everyone, I'm Autin Notche, your last speaker for todays Inspirational Talk."

.....

Reminder!
     Kapag nasa chibugan 'wag kalimutan ang panyo.

Notche Series #1: His Temptation✓[UNDER REVISION] Where stories live. Discover now