"I'm asking for yours, bunny. I'm thirsty..."

"Ugh! Get your own, virus!" I pushed him away but he managed to get the water on my hand and drank from it. I gasped, hitting him on the arm. He smiled and returned it to me.

"I'm LC, Virus! What the hell?!" reklamo ko.

"Ayan na naman ang magjowa..." ani Arrow nung dumaan kami. He's like the biggest shipper of me and Cairus. Parati siyang may komento sa bawat paguusap namin.

"Hindi nga daw magjowa, MU lang daw." sabi ni Camden. Isa rin sa mga teammates nila.

"MU?" I scoffed. "I'll never like this virus, 'no! Yoko magkagerms ang buhay ko!"

Cairus cackled. "Ayoko rin na magkaroon ng mga bunny na anak."

My forehead creased, hitting him in the arm again. Nasalo niya ang kamay ko at ngumisi. I tried to remove it from his hold, but his hold on my hand is too tight. Tumili naman sina Arrow at Camden sa nakita. Damn, para silang mga babae kung tumili! Ano naman nakakakilig don?

"But I could compromise..." he smirked, obviously playing around.

"Ay! Kumikilos na si sir Cairus! Shet!" tili ni Camden at Arrow.

"You guys look ridiculous." I heard Prince's voice.

Binawi ko ang kamay ko sa kanya. His brow raised slightly and clicked his tongue. Lumingon naman ako kina Lia at Prince. Prince swallowed and looked away before smiling back at Lia. Si Lia naman, may halong pagtataka sa mukha para sa akin.

"Sayo na 'yan, virus! Make sure to clean it, when you return it, ha! That's my favorite tumbler!" binigay ko ang tumbler pabalik sa kanya. Eww. Ayoko nga na parehas ininuman namin. That'd be like an indirect kiss.

"Yeah sure, bunny. I will. Don't forget our deal!" he stated before running back to the court. I returned my attention to Lia and dragged her to the bleachers so we could have our places secured. Hindi ko na rin binati si Prince at hinayaan na siyang nandoon, kasama nina Arrow at Camden.

I can't help but to feel sad. Hindi man lang ako binati ni Prince? Did he forget about me just because I'm with my bestfriend whom he likes?

My heart ached. I feel a little stupid. Feeling ko naman alam niya na gusto ko siya, pero hindi niya lang ako matanong. Kaya tinutuon niya nalang atensyon niya sa iba tuwing nagkikita kami.

He's the first guy who I couldn't even get myself to admit directly that I like him. Tuwing tatangkain kong sabihin, hindi ko magawa. But I think he feels it too, kaya siguro umiiwas na siya sa akin.

Hindi ko rin naman siguro siya masisisi kung ayaw niya. It's his choice. Kasalanan ko naman at ako ang nagkagusto niya. I could only like him from afar, because I know who he truly likes.

A notification rang from my phone. Kumunot ang noo ko nung makita ang pangalan nung nag-message.

Troy Marchelli:

Good morning!

I couldn't remember the time that we last talked. Pala-isipan pa rin sa akin ang ginawa niya noon. I didn't know how to react nor what to feel about it. Inuwi niya lang ako agad na parang walang nangyari.

Rule #3: Changing The RulesWhere stories live. Discover now