[25]

18.5K 330 55
                                    

Chapter 25

I sat at his front seat with my brows furrowed. He had a small smile on his face like he's so amused of me. Bwisit naman kasi! Kung hindi niya ako pinilit na sumama sa kanya, I wouldn't be here.  with him. Nararamdaman ko na rin ang sermon ni Prince pag nalaman niyang sumama ako sa lalaking 'to.

I don't know what he's deal is, really. Ano ba talaga ang gusto niyang ma-achieve? Is he interested with me?

I scoffed mentally. He's so low for hitting on me, then. Dahil hinding-hindi ko ipagpapalit si Prince sa kanya. I am forever loyal to him. I'm too in love with Prince to spare him any of my attention.

"Graduating ka na diba?" Bigla niyang binasag ang katahimikan at sumulyap sa akin.

"Yeah..." tipid kong sagot, naiinis pa rin.

"Anong plano mo, pagkatapos? Medical school?"

"Obvious naman diba?" sarkastiko kong sagot sa kanya.

Tumigil ang sasakyan dahil nasa stoplight. Kinagat niya ang labi na parang pinipigilan ang ngisi. My forehead creased at him. Ang weird niya talaga!

Parang kahit anong sungit ko sa kanya, mas lalo lang siyang ginaganahang inisin ako.

"Hmm... are you sure about that? Mahirap ang medical school. I have friends who went to that field and as of now, they're crying." Natatawa niyang sabi. "Mahihirapan ka lang, kaya bago ka pumasok dyan isipin mo muna kung gusto mo talaga yan. Mahirap na magback-out pag nandun ka na..."

I arched a brow and crossed my arms, obviously annoyed of him.

"What? You think I'm a weakling who can't handle pressure?" Inis kong sabi.

Namilog ang mata niya, nagulat ng konti sa sinabi ko.

"Hindi naman... I'm just concerned. Madalas, wala ka nang tulog. You'll eat less frequently. Marami ka ring makikitang mga-"

"I don't need your concern. Keep it to yourself," Binalik ko ang tingin sa daan para hindi na makita ang mukha niya. Anong tingin niya sa akin? Puro arte at paganda lang? Excuse me, I already have those ever since I was born. Hindi ko na kailangan magpaganda pa lalo dahil kawawa naman ang iba. And it's not like I say eww to blood! Sanay na sanay na nga ako humawak ng ihi, tae at mga dugo!

Hindi siya nagsalita. Ngumiti lang siya bago dumiretso. I just want this ride to be over! Dahil tuloy sa kanya, nawalan na ako ng ganang mag-aral ngayong araw!

"Thanks," sambit ko nung ibaba niya ako sa babaan ng condo tower ko.

Binilisan ko ang pagbaba at mabilis na pumasok sa loob ng lobby. Mainit ang ulo ko ngayon at gusto ko nalang mag-order ng milktea at mag bath tub.

"Dra. Gallego, wait!"

Napalingon ako dahil sa pagtawag niya sa akin. D-Dra. Gallego, w-what?

Binuksan niya ang compartment at binigay ang susi sa valet. Napatingin ako sa paligid, may mga iilang taong napatingin sa amin dahil sa pagsigaw niya. I felt a bit embarrassed.

"How can you be a doctor if you won't read these books?" he said, carrying them. "I'll carry it for you. Ikaw na bahala magdala sa akin doon."

"Akin na nga yan!" I tried to get it from him but he raised them from me so I wouldn't reach it. Damn it! Nagmukha tuloy akong maliit dahil sa height niya!

He's just a little taller than Prince, from my perspective. Bakit ba kasi ang tatangkad ng mga lalaki sa Brierwell? They're literal towers! Wala atang mas maliit pa sa six feet sa kanila. Even my brother and cousins are six footers!

Rule #3: Changing The RulesWhere stories live. Discover now