[36]

19.1K 376 203
                                    

Chapter 36

I cried my eyes out while leaning on his chest. Nandito lang kami sa loob ng kotse niya, hindi siya nagsalita at hinahagod lang ang likod ko habang umiiyak ako.

Nung mapagod na ako'y pinunasan niya ang mukha ko ng panyo. Umalis ako sa pagkakasandal sa kanya, nakaramdam  ako ng hiya.

"Thanks..." I wiped my tears.

Tinitigan niya ako bago napangiti.

"Your welcome. Gutom ka na ba? Gusto mong kumain?" he cupped my chin and continued wiping my tears with his handkerchief.

Umiling ako.

"I'm not hungry..."

He sighed.

"Okay. We'll eat." he said in finality.

"I said, I'm not—"

Pinanlakihan niya ako ng mata sa pabirong paraan. Natakot naman ako. Ginagawa niya iyon noon pag umaalma pa ako sa pagkain. I used to be so strict in my diet, and he doesn't like that.

"Fine, you win," sabi ko.

He smiled and assisted me to the front seat. Hahayaan ko munang libangin niya ako dahil parte rin naman ito ng pagpapanggap kong ayos na kami.

Nakatulog ako sa kotse, gawa ng pagod. I woke up to a familiar place. The night felt breezy and calming. Namangha ako nung makitang nandito na kami sa tambayan namin noon.

"Hey..." he smiled. "Fries?"

Nanlaki ang mata ko nung makitang may bahay ng tinatayo sa tabi nito. It's kinda huge, foundation palang ang tinatayo kaya di ko pa rin masabi kung gaano kalaki ito.

There's more huts around now. Tons of fairy lights scattered around the place and more marble benches. Ang ganda ng lugar, gumanda mula nung huling punta ko rito.

He got some fries and inserted it inside my mouth. Napatawa siya roon at dahan-dahan kong nginuya iyon.

Tumingin ako sa harap namin at may nakitang malaking projector. Huh?

"What's that?" I pointed at it.

"Projector," sagot niya at kinain ang fries niyang BBQ flavored.

Ngumuso ako at kumuha sa fries niya. He smiled and wiped the side of my lips.

"I know," inikot ko ang mata.

He chuckled.

"I brought it out to watch a movie. Ano ba gusto mo?" kumuha siya ng fries at sinubo ulit iyon sa akin. I accepted it willingly. Nagugutom na ako dahil sa pagod at lahat ng nangyari ngayong araw.

Tumunog bigla ang tiyan ko kaya yumuko ako at nag-iwas ng tingin. Nakakahiya! 

"I have some thai food here. Is that okay?"

Tumango ako.

Lumabas siya ng sasakyan, kaya ganoon rin ang ginawa ko. Giniya niya ako patungo sa may wooden table na naroon. I sat on the stool while watching everything. Ang ganda na talaga.

Tahimik kaming kumakain, saglit na nawala sa isip ko ang lahat-lahat. Pagod na nga ang utak ko sa kakaisip nung mga nangyayari, tapos ganon pa? Guguluhin niya nanaman ako ulit?

When can I live a life of peace without all of them? Yung kami lang ni Ardie at wala ng ibang mangugulo.

Prince watched me worriedly while eating his food. He pushed a large milktea in front of me. Ngumiti siya at inabot sa akin iyon.

Rule #3: Changing The RulesWhere stories live. Discover now