Chapter 1

5 2 0
                                    

CHAPTER 1

Why?

Sa loob ng labing limang taong pamumuhay ko sa mundong ito, hindi mawawala ang tanong na "bakit?"

Nais kong malaman kung bakit napunta ako sa sitwasyong ako'y naka puting damit at pari ang nasa harap ko. Wala ni isang sagot sa aking mga katanungan na tila ba walang nakikinig sa aking hinagpis.

"tinatanggap mo ba siyang maging kabiyak sa hirap at ginhawa? Makasama habang buhay, at mag sasama kayo hanggang kamatayan"

Isang tanong na tila ba wala akong sariling lakas upang mag desisyon sa buhay na gusto ko. Tila ba sa mura kong edad, wala akong pakpak na may layang lumipat bagkus isang bangka na sumusunod sa agos ng aking buhay.

Aking pinagmasdan ang magarang lugar na pinapalibutan ng malungkot na awra. Aking pinagmasdan ang ama kong nakatingin sa akin at lasing na lasing at para bang kahit sya ay hindi tanggap at hindi akalaing magaganap ang pangyayaring iyon.

Marahil ang aking ina ay kataulad kong lumuluha ngunit walang lakas upang ako ay matulungan sapagkat kahit sila ay walang kapangyarihan.

Hindi ko alam kung paano at ano ang takbo ng buhay ko sa mga pagkakataon na iyon sapagkat ako'y batang nasa labing limang taong gulang pa lang. Tulad ng iba, ako ay isang musmos, inosente sa pangyayari, at walang wastong pag iisip sa mga bagay na iyon.

Habulan, tagu-taguan, at kung ano-ano pang nausong laro noon ang aking nakahiligan. Isa akong batang ang gusto lang ay maglaro at maging masaya ngunit tila ba iba ang naging takbo ng aking istorya. Sa isang iglap lang, buhay at kinabukasan ko'y nawala, kasabay ng pag-isang dibdib namin ng makapangyarihang matanda.

"Bwisit ka talagang matanda ka, mamatay ka na sana kasi ugod ugod ka na"

Bilang isang batang nakunan ng kalayaan, poot at hinagpis ang aking dala dala na gusto kong ibato man lang sa kaniya. Habang siya ay nagsasaya, ako naman ay palihim siyang pinapatay sa aking isipan.

Nakatira kami sa isang kubo sa paligid ng sinasakang bukid ng aking mga magulang, doon ay may tanim na mga palay. Yon ang ikinabubuhay naming mag anak. Anim kaming magkakapatid at ako ang panganay. May lima akong kapatid na inaalagaan sa tuwing naghahanap buhay ang aking mga magulang sa bukid. Maliban sa pagsasaka sa palayan, nag tatrabaho din sa tubuhan ang aking mga magulang. Nagtatanim ng tubo at nagdadamo dito sa halagang 10 piso kada araw, at iyon ang aming pambili ng pagkain.

"Inday, alagaan mo ang mga kapatid mo ha, aalis kami ng tatay mo, magluto ka ng makakain niyo" bilin ng aking ina

"ano ang lulutuin ko nanay?" sabi ko,

"bahala ka na mag hanap ng paraan diyan."

Araw - araw na nangyayari ito sa aming pamilya, nakasanayan ko na ito. Sapagkat ako ang panganay, ako ang nagiging magulang sa mga kapatid ko sa mura kong edad. Sa kadahilanang kapos kami sa pera, madalas ako ang nag iisip kung paano ko masolusyonan ang bawat problema sa bahay.

"swerte may bigas" sabi ko sa mga kapatid ko.

"ano ulam natin?" tanong ng isa kung kapatid

Sapagkat kahit ako ay hindi alam ang uulamin, napag isipan kong aliwin ang mga kapatid ko. Niyaya ko sila na maglaba sa ilog

Habang naglalakad inaakay ko ang isa at kinakarga ko ang isa pang maliliit kong kapatid. Nadaanan namin ang mga kalaro namin ngunit hindi nila kami pinansin sapagkat ang katulad namin ay walang halaga sa mga mata nila.

Nang makarating kami sa ilog ay nagpahinga ako sapagkat napagod akong kumarga sa kapatid ko habang ang mga iba ko namang kapatid ay nagmulang maligo sa ilog. Napag isipan kong gumawa ng balon para sa aming tubig, niyaya ko ang mga kapatid ko na maghukay sa buhangin. Minsan ay nakakahanap kami ng pagkain kaya't nagiging masaya na kami.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 25, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unbreakable NightmareWhere stories live. Discover now