"Breaking down ka d'yan, baka emotional break down ang ibig mong sabihin. Pero...paano mo naman naisip 'yan?"


Tumayo ang bakla at saka humarap sa amin ni Jumbo na akala mo propesor na nagpapaliwanag ng isang theory. "Kasi, fafa na fafa siya. Siguro, madalas 'to sa gym noong matino pa ang brain cells niya. Feeling ko...may amnesia 'yang si Jumbo!" sabi nito habang namimilog ang mga mata. "Kasi, tingnan mo ha, parang bumalik lang siya sa pagiging bata. Hindi marunong magsalita, hindi kayang alagaan ang sarili, pero hindi naman siya masamang tao. Hindi kayang manakit ng kapwa. Baka mayroon lang siyang traumatic brain damage."

"Andami mong alam. Kakapanood mo 'yan ng K-drama e. Amnesia ka dyan," sabi ko kahit medyo convincing naman 'yung mga sinasabi niya at unti-unti akong napapaniwala ng mga hinala niya sa totoong kalagayan ni Jumbo. In denial ako. May isang bahagi kasi ng pagkatao ko ang nag-aalala kung totoo nga itong sinasabi ni Maxine na may amnesia si Jumbo. Papaano...papaano kung biglang bumalik ang alaala niya? Baka ako naman ang makalimutan niya.

"Heller, walang baliw na may abs!" sabi niya sabay angat na naman ng t-shirt ni Jumbo.

"Wag ka nga!" awat ko sa malikot na kamay ni Maxine sabay titig sa kanya nang masama.

Umirap lang ang bakla atsaka humalukipkip. "At ito pa ang napapansin ko, ha? Base sa itsura niya, mukhang angat sa buhay ang fafa natin. Mukhang yayamanin!" aniya na napapakagat labi pa.


Lalong lumaki ang takot ko. Kung totoo ang lahat ng mga pinagsasasabi nitong si Maxine, parang ayoko nang bumalik ang alaala ni Jumbo. Siya na lang ang meron ako e. Kung totoo man na anak mayaman siya, hindi na kami bagay. Mahihirapan na akong abutin siya. Magiging Kenneth B. Rich na siya!

"Kung mayaman siya, eh 'di sana ipinahanap na siya ng mga kamag-anak niya," pangangatwiran ko.

Napailing si Maxine na tila ba alam na niya ang ipinaghihimutok ko. "Hindi natin alam ang istorya, Rosenda. Malay natin, baka naglayas lang 'yan sa kanila. O kaya na-kidnap at nakatakas. Maraming posibilidad e."

Hindi na ako sumagot, napayuko na lang ako. May punto naman si Maxine, sa totoo lang, malaki ang tyansang tama ang mga sinasabi niya.

"Anyway, if I wire you..."

"Were!" pagtatama ko, pero hindi naman niya pinansin.

"...ipapa-check up ko 'yang si Jumbo," sabay turo niya kay Jumbo na tahimik pa ring nakaupo sa tabi ko.


Tinanguan ko na lang si Maxine kahit wala pa talaga iyon sa plano ko—at sa budget ko. Hindi pa rin ako handa sakali mang bumalik ang alaala at katinuan ni Jumbo. Diyos ko, ang sama ko na ba? Ayokong matauhan siya kasi baka iwan niya rin ako. Sobrang makasarili ko na ba kung hihilingin kong sana, ganito na lang siya?

Napapikit ako at pilit itinaboy ang mga isiping 'yon. May mga bagay akong kailangang unahin. Tumayo ako at lumapit kay Maxine. Ikinawit ko sa braso niya ang braso ko. Kung nagpakalalaki lang itong bading na ito, siguro marami na 'tong napaluhangkabaro ko.

"Maxine," lambing ko sa kanya. "Baka naman may anda ka pang natatabi? Baka pwede ko munang hiramin? Maghahanap kasi kami ng mauupahan ni Jumbo. Nahihiya na kaming makitira sa'yo e." Hindi ako makatingin nang diretso kay Maxine. Nahihiya na kasi ako sa abalang dinadala ko sa kanya. Pero wala naman akong ibang choice. Sinesante na ako ni Mr. Ginanchilyo dahil sa sunod-sunod na palya ko sa trabaho. Hinihintay ko na lang ang backpay ko.

Hinimas niya ang braso ko. "Oo naman. Ako pa ba? Pasalamat ka talaga at mapagtabi ng kurayang BFF mo. Pero magbayad ka, huh? Kapag utang, kahit BFF, dapat binabayaran!"

"Oo naman. Kapag nagkatrabaho ako, paysung agad ako sa'yo," paninigurado ko sa kanya.

"Asus! Unahin mo muna ang pangangailangan niyo, kahit isunod mo na lang iyong akin," sabi niya pagkatapos ay pumasok siya sa kwarto. Mayamaya'y lumabas ulit ito at may iniabot sa akin. "O, itago mo na 'yan sa bagelya mo, baka makita pa ng jowa ko, mapurnada pa."

Babysitting the BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon