NOTE!!

41.6K 776 45
                                    

NOTE!!

Hi There Fangers! Charot! Maka-fangers ang panget pakinggan. HAHAHAHA

Uy guys, salamat ah. Hindi ko ine-expect na ganito ang impact sa inyo ng MKiSF. Akala ko kasi magiging forever Vampire City lang ang mga kuwento ko. Hindi pala kasi kaya kong gumawa ng story na outside my comfort zone. Ang MKiSF ay medyo naiiba sa commonly kong ginagawa since more mature siya at kahit nasa Vampire category masasabi kong medyo slice of life and mga nangyayari. Gusto ko kasi kahit fantasy story eh may may halo pa ring reality.

Nang maisip ko ang plot ng MKiSF, hindi ko pa naisip na si Kent ang magiging bida pero nung nakalahati ko na ang book 2 ng VC parang biglang may  umilaw na bumbilya sa ulo ko na puwedeng si Kent ang gamitin kong bida sa naiisip kong plot. Though nagdadalawang isip ako nun kung papalitan ko pangalan niya. Eh kasi naman, may friend akong beki na Kent ang pangalan. Wahahahah pero tinuloy ko pa rin regardless sa personal view ko sa name na Kent >_< tapos yung sa name naman ni Theyn, dapat pangalan ko gagamitin ko. Kaso nga wala akong self-confidence para gawin yun. Hahahah kaya nag-imbento ako ng pangalan na medyo may kahawig sa akin so Theyn was born. Though hindi ko alam kung may nag-eexist talagang ganun ang pangalan.

Si Daniel Henney talaga ang inspiration ko dito. He’s soooooo HANDSOME in so many levels. Bet ko talaga ang mga ganung looks. :P Tapos yung boses niya? Haaay. Bagay na bagay talaga kay Kent. So manly and so yummy ay este so masculine. Kung napauod niyo na mga movie niya alam kong mag-aagree kayo sa akin. Siya nga pala si Tadashi Hamada sa Big Hero 6. Hahaha trivia lang para maging makahulugan naman ‘tong Author’s note ko. >:D

In case pala na ma-publish ‘tong MKiSF, may papalitan akong pangalan. Baka si Cindy. May pinsan kasi akong Cindy ang pangalan. Nahihiya ako sakanya eh. hahaha Hi ate Cindy kahit hindi mo ‘to mababasa. xD Random name lang naman kasi dapat siya pero kaso biglang naging friendship sila ni Theyn. So yun nga, I will change her name. baka gusto niyong kayo ang pumalit *wink*

May sasagutin lang ako mga tanong at sana isa sa mga tanong mo ang nasagot ko.; ehem, here it goes.

May special chapter ba? Merun. Kailan? Depende sa mood ko.

Magiging vampire din ba si Theyn? Actually, ayaw ko siyang maging vampire. Para maiba sa previous story ko. Pero ang main reason ko is, gusto kong hayaan ko kayo na mag-isip ng sarili niyong life after marriage ni Kent & Theyn. Kung nasa imagination niyo na gawin siyang vampire, go lang. Kung gusto niyong ibalik si Kent sa pagiging tao go lang ng go. Uso naman ang fan fiction diba? ^___^

Lalabas pa rin ba sila Kent sa Cold Fangs? Yes.

Lalabas din ba sila sa Bloody Fangs? No.

Anyare kay Cindy? Where is she na? Ayun, isa pa ring Phantom vampire, hahahah.

Mapa-publish din ba ang MKiSF? Oo. Sinisimulan ko na siyang ma-edit para mapasa na. So since mapa-publish na siya, meaning walang SOFTCOPY! Wala in tagalong, none in English, Nada In latin, mayu in bicol.

So ayun, maraming-maraming salamat sa inyong lahat. Sa mga matyagang naghintay ng updates at sa mga magbabasa pa lang. Sa mga readers kong mala novella kung mag comment, mahal na mahal ko kayo. Pa-hug si ate Thy ^___^ Tapos sa mga silent readers ko. Hindi ba talaga kayo lalabas? Nakakampo naman. :(

Alam kong ilan sa inyo nagsasabing eextend ko ang MKiSF. Pati nga ako nalulungkot din na tapos na ‘to. Nakakatuwa kayang magbasa ng mga comments niyo lalo na kapag naiinis kayo sa isang character. Pero kung minahal niyo ang MKiSF, sisiguraduhin kong mas mamahalin niyo ang Cold Fangs at Bloody Fangs. Isasabay ko silang dalawa. So ang lagay, may tatlo na akong ongoing stories isama mo pa yung VC3. ‘Wag niyo ng isipin, ako naman ang mahihirapan eh. hahahaha Hanggang sa kaya ko gagawa at gagawa ako ng Vampire Stories at wala kayong magagawa para pigilan ako. Dasal ko lang na huwag sa akin mag give up ‘tong laptop ko. WAHAHAHA

Marami pa akong gustong sabihin pero I’m out of words na. THANK YOU GUYS! CYBER HUGS TO EVERYONE! ^______^

Love,

Ate Thy <3

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon