"Okay lang hija your presence is enough. Just call us Tita and Tito." Ngumiti ito sa akin. "Who would have thought that after the incident Nathan could recover thanks to you dear." Hinawakan nya ang kamay ko at bahagyang pinisil.




Napaisip ako sa sinabi ni Tita kasi may nangyari ba kay Nathan? Wala kasi syang nakwento sa akin. Kahit matagal na kami parang ayaw pa rin ilabas ni Nathan ang saloobin nya parang may bumabagabag sa kanya na di ko mawari. Parang may kung anong pumigil sa kanya na magsalita.





"Your welcome po." Naramdaman ko na yumakap si Tita parang namiss ko si Mama dahil kay kanya. Iniisip ko kung bakit parang di kinukwento sa akin ni sweetie ang pamilya nya parang okay naman sila at walang isyu. 





"Hijo paki asikaso sa bisita natin ha marami pa kasing bisita ang aming aasikasuhin." Sabi nito at tumingin sa akin.



" Hija wag kang mahihiya ha kain ka nang marami. You look beautiful in your violet dress bagay kayo ng anak ko." tumawa pa ito ng mahina. Masarap sa pakiramdam na parang di tutol ang pamilya ng kasintahan mo sa iyo. Yung boto sila parang wala ng hahadlang.




"Thank you po." sabi dito.




"Let's have dinner soon hija sasabihan ko si Nate wag kang tumanggi kasi gusto pa kitang makilala nang mabuti. Gusto ko makilala ang nagpapasaya sa binata namin diba love?" tumingin ito sa asawa nya at yumakap sa beywang.




Tumango ito at hinalikan sa noo. Yiiie ang sweet nila mana nga si Nathan sa Dad nya ang galing. Nakikita ko sa mga mata nila ang love gaya ng tawagan nila mararamdaman umaapaw ang pag-ibig sa dalawang tao.





"Hijo ikaw na ang bahala kay Dona ha. Enjoy kids." sabi ni Tita bago sila umalis. I felt relieve. Parang yung naipasa mo ang exam sa pinakahate mo na subject yun ang feeling ko ngayon. Naiwan na kami ni Nathan at magtutuos na kami. Ang isang to ang lakas ng trip. Tss.





"Surprise sweetie?" Makahulugang ngiti ang ipinakita nya. Sarap pitikin ang ilong nya at pingutin ang tenga nya. Grabe ang gaba ang dinulot nya a akin. Parang final judgement ko na kanina.





Dear Diary 2Where stories live. Discover now