ENTRY 6

22 0 0
                                    

Dona's POV




Papasok na kami ngayon sa hotel at may waiter na nag guide sa amin. Nakakapit ako nang mahigpit sa braso ni Nathan. Marami na ang nasa venue halata  na halos mayayaman. Nakikislapan ang mga kwintas at iba pa nilang accesories. Napatingin ako sa palagid hinahanap ko ang kung may makikita akong kakilala. Nakita ko si Ate Caroline may kasamang lalaki parang yung rin yung nakita namin nung lumabas kami ni Nathan siguro nagkakamabutihan na sila. 




Diri diritso lang kami sa paglalakad at si Nathan naman ngingiti sa mga panauhin ng magulang niya. Parang nakakatakot mapabilang sa pamilya nila parang nakakalula. Di ko inaasahang ganito kagarbo ang magiging paghahanda nila. 




Biglang huminto si Nathan at may dalawang pareha na maamo ang mukha ang nasa harapan namin. Ang babae ay may hanggang balikat na buhok  na nakapulang damit. Halata masyado na sobrang yaman nito hikaw at kwintas lang ang aksesorya. Mestisa at matangkad. Nakangiti ito sa amin gaya ng lalaki na tila may katandaan na pero sa tindig nito di mo aakalain na matanda na. Matangkad din ito. Nakapostura at parang ang bait kung tingnan parang di nagagalit.




"Dad, Mom," sambit ni Nathan. Lumapit ito at humalik sa dalawa. Ako naman ay hindi makagalaw kasi nasa harap ko na pala ang dapat kong kakaharapin.

Masyado namang mabilis ang pangyayari di man lang ako winarningan ni sweetie. Masyado akong nabigla. 




"Hija? Dona right?" Tanong ng Mommy  ni Nathan napatingin ako sa kanya napaamo talaga ng mukha nya sabi nga ni Nathan mabait daw ang Mama nya no doubt nga pero yung sa Papa nya na strikto weeh? ang amo rin kaya nito at parang mabait.




"Good evening po Ma'am.Opo ako nga po" sabi ko at pilit na ngumiti. Nakakatense naman kasi meet the parents agad di ko alam na ganito pala ang pupuntahan namin surprise talaga tsk. Napatingin ako kay Nathan at sinamaan ko sya ng tingin. 




"Dad?" biglang nagsalita si Nathan.




"Yes son?" Tila nag-uusap sa tingin ang dalawa ewan pero sa tingin ko may binabalak itong masama djoke. HAHA.




"Nothing Dad. Hmm Happy 25th Anniversary!"  kaya pala may bitbit itong regalo akala ko pa naman sa akin yun sabi kasi nya sa importanteng tao nya ibibigay kaya nag assume ako importante naman ako sa kanya eh paki nyo? malay ko ba sa iniisip nya ay ang pamilya nya di ako na ang slow.




"Naku po di po kasi alam Happy 25th Anniversary po Ma'am at Sir." Agap kong sabi. Narinig ko tumawa ang Mama nya.

Dear Diary 2Where stories live. Discover now