ENTRY 9

9 0 0
                                    


3rd Person's POV




Flashback





Naglalaro ang isang batang babae sa harap ng fountain habang ang Mama nya ay may kausap.





Inaabot ng  bata ang tubig habang humahagikhik at aliw na aliw.





"Dona anak, tama na yan magpapacheck up pa tayo ng mata mo." Sabi ng ginang kaya napapout ang bata at tumalon mula sa kinauupuan nya.





Agad nyang inabot ang kamay ng mama nya. Ngumiti sya ng pilit nang tignan sya ng Mama nya.





"Ma, "  hinawakan nya ang laylayan ng damit ng ginang kaya napatigil sya.





"Bakit anak? Masama ba ang pakiramdam mo?" May pag-alala sa boses nito. Hinawakan nya ang noo nito pero normal naman ang body tempreture ng anak nya.





"Eh Ma. .nawewewe ako ang sakit na. .asan na ba ang cr Ma?" Namimilipit na pala ito sa sakit.





Wala pang isang minuto narating na nila ang cr ng  Tan's World.





May batang lalaki nakakunot ang noo na nakatingin sa batang babae pero kahit ganun ang pinakita ng batang lalaki ngumiti lang ito nang lumagpas sya papunta sa girl's cr.





Nagmamadali syang pumasok sa cr at nagpakawala ng sama ng loob este ang tawag ng kalikasan nya.






Dear Diary 2Where stories live. Discover now