Chapter 2 💕

14 9 0
                                    


Tok...Tok...Tok

Naalimpungatan ako sa katok na galing sa pinto ng aking kwarto.

"Apo bumangon ka na diyan. Tayo'y maghahapunan na."

"Wait lang po lola. Magbibihis lang po ako." Bumangon na agad ako sa kama at kumuha ng pangbahay na damit. Nakalimutan ko na kaninang magpalit bago matulog.

Pagkatapos kong mag ayos ay agad na akong lumabas ng kwarto at agad akong umupo sa may hapag kainan.

"Lola nanay ang bango naman po ng luto niyong adobo."sabi ko.
Paborito ko talaga ang luto ni lola.
Minsan kung sinisipag si lola ay nagbebenta siya ng lutong ulam sa labas ng bahay maraming bumibili dail masarap talaga ang luto ni lola.

"Syempre naman. Sinarapan ko talaga dahil alam kong paborito mo yan."sabi niya.

Nagdasal muna kami bago kumain. Pagkatapos ay nilagyan ko ng kanin at ulam yung pinggan ni lola bago ako naglagay sa sarili kong plato.

"Nga pala,diba ay ngayong April na ang uwi ng mama mo?"pagtatanong ni lola.

"Opo lola pero hindi pa daw po siya sigurado. Magpapaalam pa siya sa amo niya."sabi ko.

"Nako, ilang taon na doon mama mo sa ibang bansa. Kahit magbakasyon dito hindi makapagbakasyon."sabi ni lola.

"Ewan ko po ba kay mama." Sabi ko nalang kay lola. Dahil kahit ako ay hindi ko alam halos limang taon na doon si mama sa ibang bansa at kahit isang beses ay hindi siya nakapagbakasyon.

At dahil nga mas updated lagi ang mga chismosa naming kapitbahay ang daming kumakalat na kwento na may iba na daw na pamilya si mama. Yung iba sinasabi na pinabayaan na daw ako kasi anak lang ako kung kanino.

Pagkatapos naming kumain ni lola ay ako na ang naghugas ng pinggan para makapag pahinga na si lola. Mabilis na natapos ako sa pag hugas dahil excited na ulit akong makapag update matagal ko na din na hindi nabubuksan yung wattpad account ko. Agad akong pumunta sa kwarto at umupo sa harap ng study table. Pagkabukas ko ng laptop ay binuksan ko yung wattpad app. I enter my username and password at pagkabukas ay nagulantang ako sa dami ng notification at message. Binasa ko muna ang mga message isa isa

📨📨📨📨📨📨📨📨📨📨📨
Lhaarnie: Miss A, ang ganda po ng story niyo. Still waiting for the next chapter.💖
2months ago...

CL_011: Kailan ka po ulit mag update Miss Author? Excited na po ako sa next chapter.
2months ago...

Leslaalsel: Miss A, Happy 85k reads in your Loving All Her Flaws story!🎉😍
1month ago...

LC_Moonlight: Hello po. I'm your new reader. I love your story po pala. Waiting for the next chapter of Loving All Her Flaws. 😍
2weeks ago...

AsawaNiWoozi: Miss A, I hope makilala ka na po namin. Kahit po true name niyo lang. I love you😘
1week ago...

📨📨📨📨📨📨📨📨📨📨📨

Nag thank you lang ako sa lahat ng nag message sa akin at nag sorry na din dahil sa sobrang tagal nilang naghintay ng update. Pero may isang message ang nakaagaw ng atensyon ko.

KhAiBu: Hi. Miss A, I already know you. Don't worry i will keep it a secret. You can trust me. By the way I'm your number 1 fan. Continue to chase your dream.
1week ago...

Gulat na gulat ako pagkabasa ko. Ang daming tanong na pumasok sa isip ko. Paano niya ako nakilala, dahil kahit isa ay walang nakakaalam ng real name ko kahit si lola o mama nga ay hindi alam na nagsusulat ako ng kwento. Agad akong nagreply sa message na yun.

JustNobody: Hi. Good evening. How? Gusto ko lang malaman kung paano mo ako nakilala? By the way thank your for supporting me.

Actually, matagal na to saking nagmemessage. Minsan di ko narereplayan dahil sa dami nang nagmemessage. Naghintay ako ng ilang minuto pero hindi siya nagreply siguro di siya nakaopen. So I decided to start typing my chapter 14.

.........................
Loving All Her Flaws
Chapter 14:

Sa wakas ay ayos na kami ni Aivan si Levi nalang talaga problema ko.
Nandito ako ngayon sa condo ko naglilinis dahil dito matutulog sila Lexie, Clarisse at Gail umuwi pa muna sila pagkatapos ng class namin kanina para kumuha ng gamit. Kasama ko naman ngayon si Aivan at Lester.....

(A/N: By the way you can read this story in my first wattpad account. Hindi pa po siya tapos last 5 chapters nalang po.
Username: LC_moonlight
Story Title: Loving All Her Flaws

PS: Hindi po yan 85k reads. Charot charot lang yan.)

.........................

Time Check:10:30 pm

Finally, natapos ko na din. Last 3 chapter bukas naman yung iba. Pagod na mga kamay ko.
Tinignan ko ulit kong nagreply si KhAiBu at nakita kong may dalawang itong messgae.

KhAiBu: Secret. Malalaman mo din yan soon. Kung handa ka ng magpakilala siguro makikilala mo na din ako depende sa tadhana. Hahahaha.

KhAiBu: Don't worry. It wont change everything. Just continue to write stories and I'll continue to be your number 1 fan. Okay?

Tadhana? Myghad CORNY!!! Pero nagreply nalang ako.

JustNobody: Okay. Thank you for the support. By the way, I already published 2 chapters in my story. Thank you.

Pagkatapos kung magreply ay agad ko nang clinose ang laptop ko hindi na ako naghintay nang reply niya. Jusko ang creepy ha.

Agad na akong nahiga sa kama para matulog na. Haissstttt.... kapagod!

♤♤♤♤♤♤♤♤♤♤♤

When She Fall In LoveWhere stories live. Discover now