CHAPTER 5

73 42 13
                                    

CHAPTER 5

"Amelie!"

"Huy, Baj!"

Paulit-ulit ang pangungulit sa 'kin ng hinayupak na ito. Kairita lang talaga, ah. Hindi ba niya alam ang salitang, 'nakakainis na, tumigil ka na!'

I'm really frustrated!

"Baj, I'm sorry," he said, which made me more annoyed. 

"Lumayo ka nga sa 'kin!" bulyaw ko.

"I can't. Hindi ko kayang malayo sa'yo. Don't make things hard for me." Taenang 'yan! Ano na naman ang trip ng mokong na 'to?

"Ugh! You're so annoying, you know?"

"Yeah. I know that I'm handsome."

"D*mmit, Alvarez!" I hissed.

Paano ba naman kasi, sinabi ko nang hindi kami puwedeng ma-late pero sinasadya ata ng mokong na ito! We're thirty minutes late, that's why we were punished. We will clean the entire building on Thursday and Friday. Nahiya pa, hindi pa sinama ang Australian, European, at lahat ng buildings. Siyam ang buildings namin, at planeta ang pangalan ng mga ito.

Ang Ambrosia ay ang pinaka-mayaman na bayan dito sa probinsya.

Ambrosia High, ang paaralang dinarayo pa ng ibang taga-kabilang bayan, dahil ito rin ang pinakamalaking unibersidad dito.

Sakto naman walang pasok sa mga araw na maglilinis kami, holliday ata. Sa sabado at linggo naman ay may group activity kami.

Alam niyo pa ang malas? Ang maging ka-grupo 'yung mga taong pinapanalangin mo na sana hindi mo na makita. Ka-grupo ko ang mokong na Alvarez. Buong isang linggo ko na naman siyang makikita.

"Don't curse again, my Baj," masuyong aniya habang sumusunod pa rin sa 'kin.

"Anong karapatan mong diktahan ang isang tao?!"

"Simula nang masilayan ng kag'wapuhan ko ang kagandahan mo ay akin ka na. Ngayon, sinasabi kong huwag ka ng magmumura ulit," he said full of authority.

Makapal pa rin.

"At kailan pa ako naging sa 'yo, Alvarez?" Nameywang akong tumingin sa kaniya.

"Simula nang magka-salubong ang ating mga mata." Tumitig siya sa mga mata ko. Nailang naman ako sa pagtitig niya kaya umiwas agad ako ng tingin. "Kaya inuulit ko, huwag kang magmumura."

"Ano ba'ng pakialam mo?"

Iniba niya ang kaniyang tingin, "Bullsh*t!" mahinang bulong niya habang inis na kinakamot ang ulo.

Why so hot?

"Ako, bawal magmura. Tapos, ikaw ang lulutong pa," taas kilay kong sambit bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Ayos ng ako na lang ang may masamang bibig, kaysa sa mala-anghel na kagaya mo. I don't want my girl speak like that. Hindi ko na mababago ang aking ugali, pero sa babaeng akin ay gagawin ang lahat ng paraan, huwag lang siyang magsalita at makagawa ng masama. Hindi bagay sa katulad mo ang may masamang bibig. Masama na nga ang akin, pati ba naman ang sa 'yo? Nah!" aniya.

G'wapo sana, corny naman.

Hindi na ako nakapag-salita, dahil sa pag-iinit ng aking mga pisngi kaya naglakad na ako nang mabilis. Hindi ko siya nililingon sa paulit-ulit niyang pagtawag sa akin. Mas binilisan ko pa ang aking lakad para hindi niya ako tuluyang maabutan.

Ano ba'ng nangyayari sa akin?

Hindi ako ito!

Hindi ako ganito!

Fortitude Divine (ONGOING)Where stories live. Discover now