CHAPTER 4

82 47 17
                                    

CHAPTER 4

"Ate Amelie, hurry up! Someone is waiting for you downstairs," the grumpy Cypress shouted outside my room.

"Someone who?"

"Just find it out! Tss." Sungit.

Nagmadali naman akong matapos sa pag-aayos. I wonder who that person is. Ngayon lang may pumunta rito ng ganito ka-aga simula nang mag-umpisa ang klase.

"Hi, Baj!" an arrogant Playboy greeted me with a smile as I went downstairs. He is wearing his uniform, white button down shirt, navy blue slack, a pair of black shoes, and his I.D. while his hair was fixed backward. On the other hand, I'm wearing a white striped button down blouse with a ribbon on collar, a black jeans, and a pair of white sneakers.

"Why are you here?"

"To fetch you," he simply said.

"We have drivers here to take me to school," I said, then walked outside.

"I'm already here, so you don't have any choice."

"Tss. Fine!"

May magagawa pa ba ako, e, tinulak na ako papunta sa kotse niya at pinagbuksan ng pinto.

Habang nasa biyahe ay tahimik lang ako at kunot-noong nakatingin sa labas. Ito namang kasama ko ay panay ang sipol. Parang sinasadya niyang mang-asar, tapos, wala pang sawa kakadada. Busalan ko kaya ang mokong na ito.

Nakakairita na ang presensya niya!

"Have you eaten yet?" he asked again.

"I'm not hungry," tamad kong sagot.

"Bakit sa itsura mo parang gusto mong kainin 'yang bintana?" pang-aasar na naman niya, pagkatapos ay sumipol.

"E, kung ikaw kaya ang kainin ko ng buhay riyan!" singhal ko. Parang mali ata ang nasabi ko dahil humalakhak siya nang pagkalakas-lakas. "Hey, focus on the road!" Baka mabangga pa kami dahil sa kakatawa niya.

I looked at him when he suddenly stopped the car. I think we're still ten minutes away from school.

"What's your problem? Continue driving, we're getting late!"

"We also have thirty five minutes," he said and approached me.

Alvarez smiled when he saw my reaction. We were only a few inches away from each other and I could not back down.

"W-what are you doing? Lumayo ka nga!" Sabay tulak ko sa kaniya at umayos ng upo.

Natatawa naman siya at lumapit muli, saka nilagay ang kamay sa tabi ko na para ba'ng may kinakalikot.

"Akala ko ba'ng kakain ka? What are you waiting for?" Ngumisi pa siya.

"Napaka-bastos mo talagang hampaslupa ka!" Ngumisi na naman siya ng nakakaloko. "Umalis ka nga riyan at baka mabasag ko 'yang bungo mo!"

He looks at me as if he's the most innocent in the world.

"What?" He is trying to stifle a smile. "I'm just telling you to eat and unlocked your seatbelt," aniya at natanggal na nga ang seatbelt ko pagkatapos ay lumayo na siya.

Pakiramdam ko ay uminit ang mga pisngi ko. Kaya pala parang may kinakalikot siya kanina. Ano ba naman kasi ang pinag-iisip ko? E, napaka-malisyoso naman kasi niya.

"Kung anu-ano kasing iniisip." He chuckled while enjoying the scene. "Tara na nga." Bumaba na siya ng sasakyan at umikot na, ako naman ay nanatili lang sa loob. Pakiramdam ko ito ang unang pagkakataon na napahiya ako at sa isang hinayupak na Alvarez pa.

Fortitude Divine (ONGOING)Kde žijí příběhy. Začni objevovat