Ika-18 Kabanata : THE TRANSFORMATION-Part 1 (The Way to Beauty)

Start from the beginning
                                    

“At natuwa ka pa honey sa kalokohan ng anak mo.”

“Hindi naman, daddy. Gwapo lang talaga si Vince. Kaya nga, I think…. It’s time for Athena to be changed.”

“What do you mean?”

______________________

{ VINCE’s POV }

Hindi ako mapakali sa nangyayari kay Athena kaya pinatawag ko siya sa sekretarya ko.

Mabilis siyang nakabalik.

“Sir, wala po siya sa opisina nya eh, pero nag-iwan nalang po ako ng message sa secretary nya.” Aniya.

“Ganun ba?? Okay thanks.”

Two hours passed. Wala pa din si Athena.

Anu ba naman kasi ang nangyayari don?

Haaaaayss… Di na ako makatiis pupuntahan ko nalang siya.

Paglabas ko ng pinto ng opisina ko, hindi ko inaasahang bubungad sa harapan ko si daddy.

“Dad!” malakas na pagkakatawag ko sa kanya sa gulat ko.

Kasama nya ang mga body guards at ang boss ni Athena?

“Oh, iho, kumusta ka naman dito? Kumusta naman ang company?”

“Okay naman dad.”

“Good. Nothing to worry. I’m so proud of you Vince.”

“Thanks dad. Pasok muna kayo sa office ko. Ano pong gusto nyo?”

“It’s okay iho. Actually, aside visiting my company, I also want to see Athena.”

“Huh?”

Nagulat ako sa tunay na pakay ni daddy. Kahit si Mrs. Monteverde (VP for Finance na boss ni Athena), nagulat at nagtataka sa mga sinabi niya.

“Can you bring me to her Sally? Head mo siya ng Accounting and Finance di ba?” tanong nya kay Mrs. Monteverde.

“Yes sir.. on this way please.” Sabay turo ng office ni Athena.

Ano bang iniisip ng daddy ko?

Hindi ko inaasahan ang mga nangyayaring ito ah. Sana ready si Athena sa mga magaganap.

Kasunod lang ako ni dad at ni Mrs. Monteverde habang tinutungo nila ang opisina ni Athena, hanggang marating naming toh.

Ang buong staff nya, gulat na gulat sa pagpasok namin.

Abala sila sa pagkwekwentuhan dahil break time ng pumasok kami.

Napawi ang ingay ng makita nila kami.

Hindi pa kami nakakapasok sa loob ng opisina ni Athena ng bigla siya lumabas.

Paglabas nya, halatang gulat na gulat ito.

Nanlaki mga mata nya sa pagkakita kay daddy.

Napatingin siya sakin.

Ang mga mata namin ay nangungusap.

***”Anung ginagawa ng daddy mo dito?”*** ika ng mga mata nya.

***”Hindi ko din alam, Athena.”*** sagot ng mga mata ko

“Dad, ano po bang kailangan nyo kay Athena?” biglang tanong ko para atleast kahit papaano mapaghanda namin ang mga mangyayari.

“Sally, give Athena her two weeks vacation leave including now.” Aniya kay Mrs. Monteverde.

Napatingin sakin si Mrs. Monteverde at si Athena na tila nagtatanong.

“Dad, bakit po? May problema ba?”

Nginitian lang ako ni daddy.

Ang mga staff din ni Athena, ay gulat na gulat sa mga nangyayari.

“Iha, get your things. Isasama na kita.” Aniya niya kay Athena. Tapos, hinarap niya ako. “Two weeks Vince. Two weeks mo siyang hindi muna makikita but don’t worry kami ng bahala sa kanya.”

“Dad, ano ba kasing nangyayari dito? May dapat ba akong malaman?”

Nginitian lang nya akong muli.

Ano ba kasi dad??? Bakit ba bigla ka nalang pupunta dito tapos kukunin mo si Athena.

Ano bang pinaplano mo?

Nakapag-ayos na si Athena ng gamit.

Ready na silang umalis ni dad ng biglang may naalala ang huli.

“Sally, I’ll send to you the invitation later as well as the board, okay?” aniya.

“Yes sir.”

Invitation??? For what???

“We’ll go Vince.”

“Okay dad. I’ll talk to you later.” Sabay yakap ko sa kanya.

Bago sila umalis, nagkatinginan muli kami ni Athena.

Bakit ganun? Bakit iba ang feeling ko dito?

Feeling ko, matagal kaming di magkikita.

At tila…….

 nalulungkot ako para don.

____WPH___WPH___WPH___WPH___WPH___WPH___

I'm back! hhehehe.. Guys.. senxa na po sa UD ko ngaun ha? Para kasing nakabaksyon pa utak ko eh.. hehehe.. Hinahanap ko pa po yung story ko.

Kelan ko muna ng matinding concentration at focus.

Anyways, ito po muna sa ngayon, by next UD ko siguro back to normal na po ako.

Thanks po sa reads nyo.

Comment and Vote nalang po.

Thanks ^_^

WANTED : PERFECT HUSBAND (on-hold)Where stories live. Discover now