EPILOGUE

61 7 5
                                    

- MY BOO -

Isang araw ang nagdaan
Isang lalaki ang isinilang sa sangkalupaan
Kung ano Ang kaniyang ngalan
Ay hindi lingid sa aking kaalaman
Ilang taon ang dumaan bago ko sya nasilayan
Isang misteryosong nilalang ang aking namataan
May tamang katangkaran
Medyo may kaputian na bumagay sa kanyang katawan
Ang mga kilay nya'y may tamang hugis at kulay itim na katamtaman
Ang mga mata nya'y tila ika'y tinatawagan
Ang mga pisngi nya'y kaysarap panggigilan
Ang ilong nya'y may tamang katangusan
Ang kanyang labing may tamang kapulahan at mga ngiting hindi mo pagsasawaang pagmasdan
Yan ang bumubuo sa panlabas na kaanyuan ng lalaking aking tinuran.

Sa unang kilos nya palang mapagkakamalan mong hindi tuwid dahil sa malambot niyang katawan
Na syang tunay kapag ika'y kaniyang sinayawan
Pero kapag iyong nakilala nang lubusan
Malalaman mo kung ano ang iyong kamalian
Dahil Ako'y nagtanong tanong sa aking mga kaibigan
Ito palang lalaking aking hinusgahan nung una kong makitang sumayaw ay tila anghel dahil sa taglay nyang kabaitan

Mayron ding talinong hindi mo inaasahan
Pag dating sa usaping pangkaibiga'y di nako magtataka kung marami sya niyan
Pag may problema'y lubos na maaasahan
Dahil gagawa yan ng paraan
Mapagaan lamang ang iyong nararamdaman
Pero sa pagdaan ng marami pang panahon
Unti unti ko nang nakikilala ang lalaking iyon

Tama nga sila
Ang tinuran nilay nd ko maipagkakaila
Kaya hindi nako magtataka pa
Kung bakit at kung anong dahilan
Na ang lalaking dati kong hinusgahan,
Ngayon tila'y akin nang pinagpapantasyahan.
Masarap kakuwentuhan at madaling makapagpagaan ng kalooban
Mapagkakatiwalaan at may pinanghahawakan
May isang salita at marunong magpasaya
Yan ang pagkakakilala ko sa kanya
Hindi man lahat ay alam ko sa kanya
Masaya nako sa kung anong kaniyang pinakikita at pinadadama

Pero hindi ko inakala
Na dadating ang panahon na unti unting siyang magbago
Ang kaniyang paggiging malambing Ay napalitan ng malamig na pakikitungo
Ang kasiyahan nyang nakakahawa
Ay napalitan ng kalungkutang dulot nya

Nakakatawa lang na umasa ako
Umasa sa salita mong hindi ka magbabago
Pero nagkamali ako
Hindi pala dapat nagging kampante sayo
Dapat pala tinatak ko na sa utak ko
Na walang permanente sa mundo
Kase miski segundo
Maaaring magbago.

- Young Lady

Date : May 21, 2020.

🎉 Tapos mo nang basahin ang Mga Tula Na Ikaw At Ako Ang Paksa (COMPLETED) 🎉
Mga Tula Na Ikaw At Ako Ang Paksa (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon