VII

156 43 31
                                    

-PAGBABAGO-

Magandang gabi sayo mahal ko.
Pasensya kana kung akoy makakaabala sayo,
May nais lamang akong ipabatid sayo,
Pero hindi ko alam kung san sisimulan to.

Eto na naman ako,
Tila sayo'y nabablangko,
Sadya lamang maraming gustong sabihin sayo,
kaya nalilito kung san uumpisahan ang bawat litanyang sasabihin ko.

Hindi nako magpapaligoy ligoy pa,
Ngayon di'y sisimulan na
Sisimulan ang tulang magpaparating sayo ng aking nadadama,
Dito sa tulang to nais kong ipahiwatig kung saan at kung paanong ang dating tayo,
Ay tila ngayo'y naglalaho...

Nung una tayo ay laging masaya
Na Tila ba walang pinoproblema
Di alintana sa atin ang distansya
Kase kahit na magkalayo pa,
Tayo ay pinagbubuklod ni tadhana.

Naalala ko pa nung una at pangalawa nating kabanata,
Masyado pa tayong bata
At tila maunti pa lamang ang nalalaman tungkol sa kung ano bang namamagitan sa ating dalawa
Kaya walang magandang pinatunguhan
ating napiling pagsasamang nauwi lamang sa hiwalayan.

Sa ika'tlo nating kabanata,
Marami nang nagbago at natamasa
Dito ako'y natutong tumakas
Makasama ka lang at makaramdam ng sayang walang katumbas
Natutong lumakad na ikaw lamang ang kasama
At maykahawak kamay san man pumunta.

Simula no'y tayoy palihim nang nagkakasama
At nakakausap sa chat na ako lamang ang nakakabasa.

Sa tagpong ito akoy may napapansin,
Na sa paglipas ng panahon mas lumalalim ang pagtingin
At napapasabi saking sariling habangbuhay ikaw lamang ang iibigin.

Sayo ako'y lalong naging komportable,
Ninanais na sana hindi ka magbago kahit ano pang mangyare.

Pero kasabay ng pagbabago ng oras,
Tila pagiibigan ay kumukupas.
Ang noong masayahing magkasintahan,
Ay ngayo'y nakakaranas na ng kalungkutan.

Ang noong matibay na pagsasama,
Ay ngayo'y tila nagkakaroon ng hindi maintindhang problema.

Hindi tayo ito, anlayo nito sa dating tayo..
Alam kong walang permanente sa mundo,
Pero sana sati'y walang magbago at ating maayos ito.
Gusto ko lamang bumalik tayo sa dating tayo,
Dating tayo na masaya,
Dating tayo na open sa isa't isa,
Dating tayo na nasosulusyunan ang bawat problema,
At dating tayo na walang makakahadlang kahit sino o ano pa.

Bago matapos ang tulang ito, nais kong magiwan ng mensahe sa iyo,
Para sa lalaking pinakamamahal ko,
Gusto kong magpasalamat sa iyo,
Salamat sa lahat ng nagawa mo,
Salamat sa oras, atensyon, tiwala, At pagmamahal na binibigay mo,
Salamat sa pagpapasaya sa tulad kong laging problemado,
Salamat sayo,
Pero walang taong perpekto, Kaya ito ri'y may kalakip na sorry para sayo,
Sorry sa mga pagkukulang ko,
Sorry kung natatakot ako,
Sorry kung pabaya ako,
Sorry kung may kasalanan ako,
Patawarin mo sana ako sa lahat ng maling nasabi at nagawa ko.
Wag mo sana pabayaan ang sarile mo,
At sakin ikaw ay mangako
Na iingatan mo ang sarile mo.
Alam ko, hindi ko madalas sabihin sayo to-
Pero gusto kong malaman mo,
Na sobrang swerte ko na meron akong ikaw sa buhay ko.
Mahal na mahal na kita.

At dito ri'y tatapusin na ang aking tula
Na kahit ganon kaganda
Sana'y iyong bigyang halaga
At magsisimula muling gumawa ng tula,
Na gaya ng aking nasanayan na,
Muling ikaw at ako ang paksa.

- Young Lady

Date: Apr. 27. 2020

Mga Tula Na Ikaw At Ako Ang Paksa (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon