1

17.4K 358 29
                                    

Kathleen's point of view

"Nay huwag nyo na ho akong alalahanin dito, ayos lang po ako" saad ko kay nanay na kausap ko ngayon sa tawag.

"Oh sige kathleen, magiingat ka lagi dyan sa Manila. Mag aral kang mabuti, paalam na at ako'y maglilinis pa" wika ni nanay.

"Opo nay, sige po paalam" saad ko at ibinaba na ang tawag.

Nasa dorm ako ngayon ng Davis International School o DIS hinihintay ang dormmate kong si Moriel Dela Cruz, lahat ng estudyante dito sa school ay may dorm mapascholar man o hindi. Ako nga pala si Kathleen Sandoval, simple lang ang buhay,18 years old at working student sa restaurant malapit dito, cashier ako dun.

"Beshy tara na!" Sigaw ni Moriel na mula sa pinto nagpagulat sa akin.

"Moriel naman, huwag ka ngang sumigaw di ako bingi."

"Sorry naman hehe" pagpapasensya nito.

"So tara na?" Aya nito at tumango nalang ako.

First day ngayon ng klase namin at papunta kami ng cafeteria para kumain ng agahan, walang marunong magluto saming dalawa eh hehe.

"Bes ano sayo?" Tanong nito ng makarating kami sa cafeteria.

"Same ng sayo" sagot ko at naghanap ng table.

Pagkatapos umorder ni Moriel ay nagkwentuhan kami habang kumakain. Bumili na rin kami ng snacks para kakainin nalang namin iyon sa garden, favorite place namin iyon kaya lagi kami dun. Papalapit na kami sa classroom ng nakita kong papalapit sa akin si Samantha Day at mga kaibigan niya, ang dakilang bully ko, oo bully ko kasi ako lang naman binubully niyan, ewan ko sa kanya dami daming pwede tapos ako pa?

"Hey glasses" tawag niya sakin, glasses kasi lagi kong suot eyeglass ko kahit wala namang grado, wala lang trip lang.

"Pwede bang padaan kami Samantha?" Mahinahong tanong ko dito.

"Yeah sure" sagot nito sabay ngisi tsaka gumilid, nang malagpasan ko na siya ay nakaramdam ako ng likidong naibuhos sa damit ko.

"Oops sorry didn't mean it" nangaasar na turan ni Samantha sa akin, napapalibutan na kami ng mga kapwa estudyante dahil gustong gusto nila panuorin ang pinaggagawa sa akin ng bully na ito.

"What commotion is this all about?" Malamig na saad ng taong kararating lang sa pwesto namin.

"Miss Davis" sabay naming sambit ni Samantha.

I Love You MissWhere stories live. Discover now