Pilot-Moonlight Brew Café ☕

32 3 12
                                    

It was an ordinary day sa office, and when I say ordinary, sobrang habang queue ng irate customers. Ang hirap pa naman ng trabaho ko-kumakausap na sa mga atat na customers, tapos ako po ang gumagawa ng graphics design for them. But don't get me wrong, I love creating designs. Buti na lang at online, kung hindi baka naihampas ko na 'tong glasses ko sa kanila. Char!

"Sis, yung layout ba noong kay Taste of Paris nasa google drive na ba?" said Marie.

Mag-katabi lang kami ng cubicle ni Marie kaya sa lahat ng workmates ko, s'ya ang pinaka naging ka-close ko. "Uploading pa, sister," I said as I was chatting with a surprisingly calm customer on the computer.

"Sis, si Sir Mark nga pala," hindi na s'ya nakatiis, lumapit na s'ya sa akin. Alam ko na agad kapag ganito-may chika itong malagkit.

I stopped what I was doing. Even if TL Kitty saw me, wala s'yang magagawa kasi ako lang naman ang pinakang inaasahan nila pag dating sa quality editing. "Ano 'yon? Kung kailan naman ayos 'tong kausap kong customer." I said as I grabbed my tumbler.

"Sis, halika.." she gestured. "Si Sir Mark nag DM sakin kagabi sa Twitter." she whispered, medyo nalayo ako ng konti kasi baka magulat ako sa hininga n'ya.

"Ahhh!" sobrang saya ko for her dahil alam kong matagal ng nasa bucket list n'ya ang may-ari ng company namin. "And?"

"He asked.. if I could be his date this Valentine's!" bumubulong s'ya pero sa sobrang excitement n'ya mukha na tuloy s'yang asthmatic.

Tumayo ako at sabay kaming tumalon sa tuwa. "Oh my G, sis!" I almost raised my voice. "Hay nako, kailan naman kaya ako?" I sat back on my chair noong na-realize ko how miserable my life is. Last time na nag ka"jowa" ako ay when my best friend asked me to pretend na mag-boyfriend kami in front of his girlfriend. And that was just for two minutes.

"Naku naman, Kai. Subukan mo kayang mag-paitim ng buhok at tanggalin 'yang glasses mo?" she almost got a hold of them pero I managed to dodge in time. Mahal kaya 'tong glasses ko!

"Ay grabe ka naman po pala sa personal!" I jokingly said. I took a sip of my tea. "Oh shit, ubos na."

"Why don't you try 'yung bagong open na café doon sa tapat." she pointed through the huge window pane sa kanan ko. Tinuturo n'ya yong bagong café.

"Ay, ang daming tao sis! You know I don't do well in crowded places. And ano naman pating gagawin ko d'yan?"

"Gusto mo ba ng date sa Valentine's? Bukas na 'yon."

"But.. crowded places.."

"Just go fishing, girl! For sure madaming pogi doon." she walked back to her chair.

I looked at the clock-It's almost eleven. Lunchtime para sa kanila but tea time for me. "Marie, wh-what if..." sumilip ako sa kanya while I leaned sa divider ng cubicles namin. "...what if I find... Mr. Right... there?"

She stood back up. "Ganto, girl." Lumakad s'ya ng pang catwalk na medyo exaggerated. "PAK!" she said habang tinatapon n'ya ang bewang n'ya sa kanan at kaliwa. "Kembot, and then.." she tucked her hair behind her ear. ".. tapos kunwari 'di mo s'ya nakikita, sis."

"Ang O.A. naman parang hindi magandang tingnan." Medyo duda ako pero matagal ko na s'yang tutor sa mga ganitong bagay.

"Hindi! Ano ka ba?" she eyed me, parang nagkukunwari s'ya na guy ako. "Raise your eyebrows twice."

"Parang ang creepy ko naman pag ginawa ko 'yan, sa liit kong ito baka mag-mukha akong si Yoda."

"Trust me weeb, dito na-inlove si Sir Mark." she walked towards her chair at umupo s'ya. "Basta don't forget eye contact." Hindi ko alam kung legit ba 'yung coaching na ginawa n'ya, pero if na-inlove ang young-millionaire naming boss sa ganon, then maybe I should give it a shot.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 17, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hindi Ako Stalker! Where stories live. Discover now