Hindi ko iyon nireplyan at bumalik lang sa kama ko para magmukmok muli. See? Ni hindi nila napansin na wala ako doon... Wala ako doon. Walang dapat i-congrats sa akin.

Puno ng tarpaulin na may picture naming AcadTeam ang nakabalandra sa mga building ng iba't ibang strand. Maliban doon ay may indibidbwal rin.

Nakita kong nakasabit ang kay Matthias sa GAS, kay Alejo sa TVL, kay Marj sa ABM, habang ang kay Ambrose ay sa STEM.

Nakatayo kami ni Ryone ngayon sa tapat ng tarpaulin ko at pilit ko itong inaalis pero hindi ko maabot dahil mataas.

"Ano ba yan, girl?! Ang ganda ganda mo naman sa picture, bakit mo inaalis ba?"

"Ang weird kaya! Lahat ng dadaan sa building ay makikita ito!" paliwanag ko sa paraan na maiintindihan niya. Kapag naman kasi sinabi ko ang totoo, na ayaw ko ng mga tarpaulin na may Congratulations dahil sumasakit lang ang loob ko sa katotohanan na wala naman ako nung mismong araw ng kompetisyon.

Sadyang maaga lang nilang ginagawa ang mga 'to dahil ganoon sila katiwala na mananalo kami.

Sinukuan ko na ang pagsubok na tanggalin iyon dahil mukhang hindi iyon matatanggal nang manu-mano.

"Look, oh! They haven't lost a single competition since Ambrose Montagna came." dinig kong sabi ng isa sa grupo ng mga babae na napadaan at napatingin sa group tarp namin.

Napatango ako sa sarili.

That's right. Kahit wala ako doon ay hindi naman kawalan dahil kayang kaya nila kahit wala ako. Like I said, Ambrose can be a one-man team. Ganoon din ang tatlo pa kung mas magseseryoso lang sila.

"Huy! Astraea Salonga is really good din kaya!" tawag ni Ry sa mga babae na 'yon. Nanlaki ang mata ko at agad ko siyang binatukan. Buti na lang at nakalayo na iyong mga babae at hindi na siya narinig.

"Stop it! Selene Ryone!"

Inikutan niya ako ng mata. Aba, itong babaeng 'to talaga! "What? They talk like Ambrose Montagna is the only person in the group kaya!"

"You are so smart din, you deserve the recognition, too!" dagdag paliwanag niya pa. Maaaring tama siya, pero sa ngayon ay hindi dahil talagang wala naman ako sa competition na lumipas.

Hinila ko na lang siya pabalik sa classroom bago pa siya magkalat doon at maging sentro ng atensyon kung saan siya magaling.

Habang nagdidiscuss ang teacher namin sa Philo ay biglang may sumilip sa pintuan at napatingin kaming lahat doon. Nag-react ang mga lalaki kong kaklase nang makita na babae iyon. Si Marj.

"Excuse me po?" pagsubok niyang kunin ang atensyon ng teacher na nagsusulat sa blackboard. Napatingin naman ito sa kaniya, "Yes?"

"Si Salonga po, sana... Wanted po sa library."

Inangat ko ang ulo ko para makita niya ako at tinaas ko ang kamay ko para mahanap ako ng prof. "Okay. You may go..."

Iniwan ko na lang ang bag ko at inihabilin iyon kay Erika na katabi ko. Dumaan ako sa backdoor at nakitang nandoon na rin si Marj.

"Treytrey!" agad niyang sigaw pagkakita sa akin at niyakap ako. Napatingin ang mga kaklase ko dahil hindi pa tuluyang nagsasara ang pintuan.

Natawa ako sa mataas na enerhiya niya. Bumitaw ako sa yakap, "Anong meron?"

Hindi siya sumagot at kinuha niya lang ang kamay ko. Tumakbo siya kaya napatakbo na rin ako, "Marj! Dahan-dahan lang, baka madapa tayo!"

Syempre, hindi siya nakinig sa akin hanggang sa hingal na hingal akong tumigil sa may library habang siya ay parang hindi man lang natinag.

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon