"Hoy, babae!" Bungad sa'kin ni Hecate pagka-uwi ko sa bahay namin.
"Hi?" Alanganing sabi ko.
"Hi-Hi ka d'yan! Isang linggo kang hindi umuwi at hindi mahagilap sa work, saan ka na naman galing?" Sermon niya.
"Did I forgot to text you?" Takang tanong ko at tinignan ang cellphone kong naka-airplane mode pa rin.
"Text me?! Hindi ka nga ma-contact! Hindi ka man lang magsabi kung mawawala ka! Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo!" Gigil na sabi niya.
"Hala! Hindi ko pala na-send, Cat! Sorry." Gulat na sabi ko pagkatuklas na hindi ko pala na-send ang message ko para sa kaniya. Natigilan naman siya sa sinabi ko at huminga ng malalim para ikalma ang sarili.
Pagkadilat niya ay hinatak niya ako palapit sa kaniya saka ako niyakap ng mahigpit. "Pinag-alala mo 'ko." Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.
"Sorry, hindi na mauulit." Sabi ko pagkatapos kong yumakap sa kaniya pabalik.
Napalayo naman ako sa kaniya nang kurutin niya ako sa tagiliran. "Para sa'n naman 'yon?" Naguguluhang tanong ko.
Akala ko pa naman okay na kami, hay nako.
"Kailan mo ba siya ipapakilala sa'kin? Parang wala kang balak, ah?" Masungit na tanong niya.
"Oh... Actually, about that, we'll gonna have dinner tomorrow night with her." Sabi ko pagkatapos kong umupo sa couch.
"I see, saan? Pupunta siya rito?" Tanong niya pagka-upo sa tabi ko.
"Nope, we'll go to her restaurant." Sagot ko habang naghahanap ng papanoorin na series sa Netflix. "By the way, may isa pa pala akong ipapakilala sa'yo. Hindi ko alam kung naaalala mo pa siya pero isa siya sa naging friend ko no'ng college na pinagselosan mo." Pang-aasar ko sa kaniya.
"Kapal, ha! Kailan ako nagselos?" Masungit na sabi niya.
"Okay, sabi mo e'." Natatawang sabi ko. Halata ang pagdududa sa tono ng pananalita ko.
"Mabait ba 'tong pinagselosan ko kuno dati?" Pag-iimbestiga niya pa.
"Yup, maaalala mo siya for sure."
**
"Paki-explain nga ulit sa'kin kung bakit kasama natin ang pinsan ko?" Napipikang tanong ko pero walang pumansin sa'kin. Busy kasi ang dalawa na mag-usap sa likod ng kotse ko, ginawa lang naman nila akong driver.
"Wala talagang papansin sa'kin?" May pagbabantang tanong ko pero walang epekto sa dalawa at nagtawanan pa habang tinitignan ang mga picture namin noong college days namin.
Aawayin ko pa sana ang dalawa nang may tumawag sa cellphone ko, at dahil naiwan ko ang earpiece ko ay ni-loudspeaker ko na lang ang call para makausap ko ang tumatawag habang nag-dri-drive ako.
"Hi, Babe." Lilith said with her heavenly low voice.
"Babe! Bakit napatawag ka?" Tanong ko nang maka-survive ako sa pagkagulat sa boses niya. Ang ganda talaga ng boses, gosh!
Pagtingin ko naman sa rear view mirror ay nakatutok na ang atensyon ng dalawa sa'kin. Mga tsismosa talaga.
"Wala lang... I miss you." Malambing na sabi niya.
"Asus, naglambing pa. May kasalanan ka sa'kin, 'no?" Dudang tanong ko.
"What? Wala, 'no." Agad namang tanggi niya.
"I miss you, more. I'm with my cousin and best friend right now actually. Wanna say hi?" Sabi ko kasi parang gusto nang umepal no'ng dalawa sa usapan namin.
"Holy shit. For real? Why didn't you tell me that sooner? Nakakahiya, Babe." Halata ang panic sa boses niya. Feeling ko ay pulang-pula siya ngayon. Medyo natawa naman ako sa naisip ko. Cute.
"Naririnig ka nila ngayon, Babe. Well, magmula umpisa pala. Sorry." Sabi ko naman.
"Meanie."
"Huwag ka na mahiya sa'min, future-cousin-in-law. Pasado ka na sa'min ni Cat, right?" Pagsali ni Rin sa usapan. Pagtingin ko naman sa salamin ay parang wala sa sarili si Cat.
"H-Hi! Thanks. See you later, ingat kayo. Drive safely, Babe." Sabi niya at in-end na agad ang call.
"Ang cute naman ng girlfriend mo, Mate. Ang mahiyain." Natatawang sabi ni Rin.
"Sinasabi ko sa'yo, Rin. Umayos ka mamaya, ha? Talagang isasauli na kita kanila Tito kapag may ginawa kang kalokohan mamaya. At off-limits ang girlfriend ko pati si Percy." Pagbibilin ko sa pinsan kong minsan nakakalimutang adult na siya.
"Yes, Boss!"
"Good, malapit na tayo."
Hindi ko naman mapigilang mapatingin kay Cat kasi hindi na siya ulit nagsalita magmula nang tumawag si Lilith. Okay lang kaya siya?
Tatanungin ko na sana siya kaya lang naunahan na ako ni Rin. Narinig ko namang sumagot si Cat na nagugutom lang siya kaya hinayaan ko na lang ulit silang mag-usap at nag-focus na lang ako sa daan para makarating na kami ng mabilis sa resto.
Note: What impression do you try to give when you first meet someone?
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceGxG story. I was bored. Started: August 7, 2020 Finished: January 4, 2021 Published: January 5, 2021
NSA: 14
Start from the beginning
