"Bigong Pag-asa" Adaptation

1 1 0
                                    

"Bigong Pag-asa" Adaptation
By
Rose Ann Pardilla
Jorelyn Simangan
BAC-1B

Ang masama kong kapalaran
Walang kapantay
Wala akong alinlangan,
Sa dinaranas na kasalukuyan.

This is not a one shot story. I posted it here for some sort of entertainment. Marinduqueños can understand the dialect used.

------------

Si Joreng ay isang mag-aaral sa MSC kung saan ay mayroon siyang kaibigan na nagngangalang Rosie.

Isang araw, tinawagan ni Joreng ang kaibigan dahil sa problemang kanyang kinakaharap. Nais niyang may mapagsabihan man lang ng sama ng loob na ilang araw na niyang iniinda.

Joreng: (phone call sound effects)

Mabilis na sasagutin ang tawag.

(VC)

Rosie: oh? Bakit baga iki tumawag Joreng?! Ako ay naga review para sa exam mandin natin next week!

(Biglang mahihinuha ni Rosie ang lungkot sa mukha ng kaibigan.)

Joreng: Ay ako baya ay may akwento sa iyo. (Almost crying)

Rosie: oh ay ano ga yuon? Ay sabiha, wag magtangis dyaan!

(Napaluha na si Joreng)

Joreng: Ay paano'y si Berting ay---( suminghot) maka-ulagin! Ako ay hindi man laang sinipot sa aming date kanina. Tapos nalaman-laman kong, may katagpo pala doon sa tabing-dagat sa ilaya ay! (Nagmamaktol)

Biglang seseryoso si Rosie at handang makinig sa problema ng kaibigan.

Rosie: Ay hala, kwentuhan yaan. Atigil ko munang aring nagawa kong module. Ee ako naman ay naga-alala sa'yo. Bigla kana laang naatungal diyan.

Muling humikbi si Joreng.

Joreng: Bes, hindi ko na baya alam agawin ko! Maka-mahal ko yung si Berting. Napakamalas naman ng aking kapalaran! Hindi man laang niya inisip ang aking pagsintang pururot sa kanya. Siya mandin ay pirmi kong inagagawa ng ube halaya pati ngani suman ni inay ay inaabot ko pa sa kanya. Bakit naman gaon? Kung alam ko laang na iba palang babae ang tipo niya, edi sana'y hindi ko na laang siya nagustuhan! Bale baleng lapuhan ng kayakas ee.

Napabuntong-hininga na lamang si Rosie. Awang-awa sa sinapit ng kaibigan.

Rosie: 'yan na mandin ang inagaon ko na! Ay kaya maka-ayaw ko mandin para sayo yung lalaking yuon. Maka-yanu kang maghabol ay, maski sa school ay inatanaw mo maigi. Kung ako sa iyo ay hindi ko na aga aksayahan ng luha at oras yaang lalaking yan. Hindi laang naman siya ang nilalang sa mundo. Kung paluhain ka'y kala mo'y kasing-gwapo ni Coco Martin ee. Ako nama'y takado't biling.


Umiyak pang lalo si Joreng. Hindi pa rin matanggap na tinanggihan siya ng lalaking minamahal.

Joreng: Hindi mo baya alam ang aking nararamdaman, palibhasa iki'y pihikan sa lalaki! Maski naman hindi kagandahang lalaki si Berting ay lagi naman niya akong inahatid sa amin. Pirming naparine sa bahay. Naga mano pa kila inay at itay! Nagasibak ng kahoy at naga gapas man laang. Kaya mandin, ako ay hulog na hulog na. Ano baga ang agwin ko, bes ee?! Sana'y hindi na lang ako ipinanganak kung ganitong kabiguan lang naman ang adanasin ko. Mahal mahal ko yun ee. Bakit naman sa babaeng sa mahilig mag-tiktok ako ipinagpalit!? Jusmiyooo!!

Rosie: ay naku naku! Mag-isip.ka daw ai! Iki tulani laang! Malay mo ta sa pag-ibig na yaan. Iki atuktukan ko nang nagigising ka sa kahibangan mo!

(Biglang tumigil sa pagluha si Joreng)

Rosie: Joreng naman! Bata kapa! Marami pang maibig sa'yo. Mas mabango at makisig pa kaysa kay Berting! Huwag mong ikulong ang sarili mo sa ideyang mahal mo na agad siya. Ay nakow, panandalian lang yang alam mong yaan.

Joreng: MAHAL KO NGANI YUON!

Rosie: Yun na nga ang punto, mahal mo mandin. Kaya laang, ay hindi naman nakakabuti sa'yo yang pag-ibig mo dyaan sa lalaking yan. Ang dapat sa'yo ay mahalin mo ang iyong sarili ng buo. Huwag ka munang magpadala sa bugso ng damdamin mo at baka kung saan ka lang dalhin niya. Tamo ngay-on? Ngawa ka ng ngawa at pinaasa ka! Ay kung ako sa'yo ay gaaral na lang ako ga module. Parang maigi pa.

Joreng: Bes naman! Ako naman ay tulungi! Paano ako makakamove on doon? Ay sa tuwing nakakakita ako ng nagalukad ay siya ang naaalala.ko! Pati ngani karit ni itay, ay mukha ng lalaking iyon ang nakikita ko. Ay ano baga ito?

Rosie: ay naku Joreng! Kung ako sa'yo, hindi ko na apansinin yang lalaking yan. Hindi ka man laang naman inapahalagahan niyan. Kaya ang maige pa, PAHALAGAHAN MO MUNA ANG SARILI MO. Ayusin mo muna yung buhay mo bago mo unahin ang iba. Pay sa sobrang pagmamahal natin sa ibang tao, nakakalimutan na natin ang ating sarili. Wala ng natira! Edi, nganga!

Joreng: Ano baga ang agawin ko? Mahal ko yun ai. Kala ko ay siya na talaga, pero ako ay pinaasa! Kitang-kita ko na sa tabing-dagat, sa Taksay pa sila nagalampungan!

Rosie: Bes, huwag mo na silang isipin. Ang dapat mong gawin ay, magpaganda ka. Mag-ayos ka! Ipakita mo kay Berting na hindi lusyang ang ipinagpalit niya! (Biglang seseryoso) pero gusto kong gawin mo yun para sa sarili mo. I-empower mo ang iyong pagkatao! Bakit hindi mo gawing INSPIRASYON ang KABIGUAN mo sa pag-ibig?
Gawin mo itong unang hakbang para magsimula muli. Bilang mas mabuting tao, na may sapat na pagmamahal sa iyong sarili. Gusto kong makita yung bespren kong MASAYA, BUO AT MAY KUMPIYANSA SA SARILI. Agawin mo ga? Makakaasa ba ako?

(Dahang-dahang tatango si Joreng. Tuluyan nang naliwanagan sa sinabi ng kaibigan)

Joreng; OO Baya. Maraming salamat sa advice mo. Ako ay naliwanagan na hindi ko naman dapat pag-aksayahan ng panahon si Berting. Siguro ay makakalimot din ako sa kanya. Kailangan ko laang ng panahon. At pramis, hindi na ako gatangis. Aayusin ko na din ang aking pag-aaral.

(Ngingiti sa kaibigan)

Rosie: AY YAAN MANDIN! Yan ang gusto ko sa'yo. Basta, kapag may problema ka ay gasabi ka sa akin! Huwag mong sarilihin yan dahil baka kung ano pang maisipan mo. Nandito laang baya ako, matatakbuhan mo. Para saan ang ating pagkakaibigan, hindi ba?

Joreng; Kaya ngani. Sana ay magkita na kita. Miss ta na ai! Salamat ulit, bes. Napagaan mo talaga ang aking loob.

Rosie: wala 'yon! To naman! Maliit na bagay eh.

(Sabay silang magtatawanan)

Joreng: Salamat bes. Hamos na at gagawa na kitang outputs.

Rosie: ay oo! Ga review pa ngani pala.

Joreng: o sige, babye na muna!

(Kakaway sa kaibigan)

Papatayin nila ang tawag. Bakas ang saya sa mukha ni Joreng dahil sa wakas ay mayroon na siyang napagsabihan tungkol sa kanyang problema.

Sa wakas ay makakaahon na siya mula sa kanyang "Bigong Pag-asa"

WAKAS.

A Set of Tears And JoyWhere stories live. Discover now