Hinawi ko ang buhok na humaharang sa kanyang mukha at tinitigan sya kasabay ng pagpatak ng luha saking mga mata..

"Patawarin mo ko hindi ko ginustong saktan ka." Mahinang bulong ko at dahan-dahang nagmulat ito at litaw na litaw ang kanyang kulay pulang mata.

"Aristia.." Tawag ko sa kanya ngunit hindi parin ito gumagalaw at nakatitig lang sa malayo at parang hindi ako nakikita kaya't hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay ng naramdaman kong sobrang init nito.

"ilalabas na kita dito.. Hindi mo na kailangang itago kung sino ka para protektahan ako, dahil ako naman dapat talaga ang promoprotekta sayo.." Bulong ko at kita ko ang pamumuo ng luha sa kanyang mata at ilan sandali pa ay masagana na itong tumulo habang wala parin kahit anong ekspresyon ang kanyang mukha.

Dahan-dahan at maingat ko syang binuhat mula sa hinihigaan nia at ramdam ko ang pagsandal ng ulo nia sa balikat ko at nakita ko ang marahang pag pikit ng kanyang mga mata.

Agad ko na syang binuhat palabas ng makita ko si Grey na nagaantay lang sa labas ng pintuan..

"Sigurado kana bang ilalabas mo na sya at hahayaang malaman kung sino talaga sya sa likod ng kanyang maskara?"

"Kung hindi ko sya ilalabas dito ngayon din, alam mong maaring hindi na sya makalabas pa ng buhay o kung aabutan nia pa ang bukas."sagot ko habang nakatingin kay Grey.

"Hindi ba't kaya mo rin hinayaang pumasok ako rito dahil sa rason na yan? Dahil desperado kana ring mailabas si Aristia?" Hindi ito sumagot sa tanong ko kundi lumakad lang ito palapit sakin habang nakatingin kay Aristia at kita sa mga mata nia ang matinding awa at pag aalala ng haplusin nia ang buhok nito at tumingin sa mga mata ko.

"Sumunod ka sakin at ilabas natin sya ng ligtas rito.. Ako na ang bahala makipag usap sa kanila dalhin mo lang agad sya sa ospital ng maayos dahil kanina pa mataas ang lagnat nia at hindi pa nalalapatan ng nararapat na gamot mga sugat nia." Seryosong utos nito at tumalikod na kaya't sumunod na agad ako.

Habang nakatalikod sya ay napansin ko ang mga bakas ng dugo mula sa damit na suot nia sa kanyang likuran.

I was about to ask kung bakit puno ng dugo likuran nya ng mas naagaw ng pansin ko ang presensya ng mga palapit samin na agad kong kinahinto at ganun rin si Grey at ilang sandali pa ay nag si datingan na ang mga nakamaskara na sigurado akong mga nasa mataas ring posisyon sa Mafia na sinasakupan nila.

"Anong ibig sabihin nito emperador?"Galit na tanong nila at agad kaming tinutukan ng baril na kina alarma naming dalawa.

"Bakit nio itatakas ang nahahatulan at kasama pa ang pinuno ng mga kalaban natin?!" Tanong ng isa sa kanila habang nakatutok kay Grey ang baril.

"Bisita ko ang supremo dahil may importante kaming pinag uusapan tungkol sa transaksyon." Pagbubulaan nito.

"At bakit buhat nyan ang nahahatulan? alam mong may parusa pa syang kailangan harapin emperador kaya't hindi pa sya maaaring ilabas!" Nanguuyam nilang sabi na nginisian lang ni Grey.

"Ang inyong Emperatris ay walang iba kundi ang nag-iisang anak na babae at natitirang kadugo ng dati nyong pinuno.. Hindi pa ba sapat iyon na dahilan para ilabas na sya ng tuluyan rito at wala ng hatol na ipapataw?" Seryosong tanong ni Grey habang nakapamulsa at kita ang gulat sa kanilang mga mata at hindi makapaniwalang nakatingin kay Aristia na walang malay sa bisig ko.

"Tumabi kayo sa harapan ko kung ayaw nyong kayo ang maisipan kong parusahan!" May bantang utos nia kaya wala na silang nagawa kundi magsitabi nalang at nilagpasan na ni Grey kasunod kami ngunit ang mata nila ay naka tutok lang kay Aristia.

Paglabas ay hinarang rin kami ng mga reapers ngunit natigilan sila ng makita kung sino ang aking buhat at walang ano-ano'y hinayaan na kami ni Grey hanggang sa makapunta kami sa harap ng sasakyan at binuksan nia agad ang pinto ng passenger seat at inayos nia lang pahiga ang upuan at nilatag ang suot nyang damit para ipangsapin sa likod ni Aristia.

"You can put her down."

Dahan-dahan ko itong binaba at humarap na sa kanya ngunit yumukod itong muli at hinawi ang buhok na humaharang sa mukha ni Aristia at pinagkatitigan lang ang mukha nito pagkatapos ay marahan nya itong ginawaran ng halik sa noo.

Habang ginagawa nia yon ay mas nakita ko ang latay at pagdurugo ng kanyang likuran na mula sa latigo dahil wala na syang suot na pang itaas.

Mukhang tinanggap nia ang ilang parusa para kay Aristia.

Kuyom at nakayuko si Grey na pinagmamasdan ko lang.

"Wag mo ng patuloy na saktan yung babaeng mahal na mahal ko, ako na nakikiusap sayo Vladimir.." Mahinang bulong nia at rinig ko ang mahinang pagiyak nito habang mahigpit na nakahawak sa kamay ni Aristia na nakalapat sa kanyang labi habang nakatitig parin sa mukha nito.

"Ikaw ng bahala muna sa kanya..hindi ko alam kung anong mangyayari pagkatapos mong sabihin sa kanya lahat.. Ipaliwanag mo lahat at wag mo nang hayaang patuloy pa syang masaktan ulit..."malumanay nyang sabi na pinakikinggan ko lang.

"Ipaliwanag mo ng ayos lahat at wag mo syang susukuan kahit anong mangyari... Huwag mong hayaang mangyari sa inyo ang nangyari samin dahil sa hindi ko pagsabi sa kanya ng totoo kayat wag mo ng antayin mangyari pa yon.." Mahihimigan ang lungkot at pagsisisi sa boses nia at nag punas lang ng pisngi gamit ang kanyang palad at lumayo na kay Aristia at hinarap ako.

"Ingatan mo yung babaeng mahal na mahal ko.. sobrang mahal ko yan kaya ipakita mo sakin na karapat dapat kang manatili sa tabi nia Kuya Vlad..." Tipid ang ngiting sabi ni Grey at tanapik lang ako sa balikat at lumayo na.

Kuya ...

Matagal narin ng huling tinawag moko nyan...

Taming The Legendary Assassin (Last Season)Where stories live. Discover now