"Nung kaarawan nia, hindi mo ba alam kung gaano kasakit sa kanya na kasama nia at minahal nia na yung taong maaring kalaban nia?? nagbulag bulagan sya dahil masyado mo nanaman syang pinahulog sa mga salita mo na alam na alam mong kahinaan nia noon pa.. Na imbes komprontahin ka, mas pinili nyang gumawa nalang ng mga masasayang ala-ala kasama ka."

"Sa ikalawang parusa sa tingin mo makakayanan pa nya?" Umiling si Chase habang kuyom ang kamaong nakatingin sakin.

"Kung ako tatanungin, sa tingin ko hindi na." singit ni Karsen na kanina pa nakikiramdam.

"Matagal na syang pagod Lereg at matagal na nyang gustong sumuko but then you showed up again kaya naging malakas sya ulit at nagkaroon ng dahilan para lumaban pa. I want to get her away from you pero nahuli na ko ng dating at nalaman ko nalang na nasa pamamahay ka na nya.."

"I even barged in Ms.Daimon's office para malaman bakit nia ipinaglapit ulit kayo pero alam mo ba ang sagot nia?"

"Sabi nia yun lang daw makakatulong kay Rain sa lahat ng dinanas nia noon.. Tutol ako doon dahil kahit kailan hindi ka magiging lunas kay Rain dahil ikaw ang lason sa buhay nia noon pa man pero nung nakita ko mismo na mukhang masaya na sya ulit at nakakangiti na ng dahil sayo gusto ko kayong suportahan at akala ko sa pagkakataon na to magiging maayos na pero hindi ka parin pala nag babago.. Napaka makasarili mo parin at lagi ka lang susulpot pag nanghihina na si Aristia."

"Napakahusay mo." Sarkatikong sabi nito habang si Chase lumayo nalang habang naka kuyom ang mga kamao.

"Lagi syang nandyn para sayo Lereg.. Lagi syang nagmamakaawang wag kang sasaktan o hayaan mapahamak at tinatanggap lahat wag ka lang masaktan kaya kahit matagal na kitang gustong patayin hindi ko magawa.. Alang-alang kay Aristia na kahit hindi pa ganun kabuo alaala nia ikaw parin inaalala nia at yang kaligtasan mo!!" Lumapit si Chase at agad akong kwineyuhan nito at pinigilan ni Karsen.

"King... wag mong gagawin." Babala ni Karsen habang nakatingin rito na may hawak ng baril.

"Bitiwan mo ko Knight!" sabay tulak nia rito at kwinelyuhan akong muli.

"Hindi ba't nung gabing iyon ikaw ang nandon Lereg?!"nag iigting na pangang sabi nia habang hinahayaan ko lang sya sa kung anong gusto nyang gawin.

"Ikaw yung nandon pero hindi ko maintindihan kung bakit si Leisen ang dinamay mo sa kahibangan mo!"

"Bakit? Ganun kana bang kadisperadong bawiin sya pagkatapos mong malaman na ikakasal na sya at may pagpayag ng buong angkan nia na hindi mo nagawa?" Galit na sigaw ni Chase.

"Ikaw ang kasama ni Aristia nung gabing yon G*go ka!!" galit na sigaw nito at mabilis akong tinulak patumba at pinagsusuntok ngunit hindi nako lumaban pa dahil nararapat lang na matanggap ko to.

"Ikaw ang nandoon Lereg! Ikaw ang nandoon kasama ni Aristia dahil nung gabing yon magkakasama kami nila Grey! At nagulat nalang si Grey na sa kanya na nasisi lahat kung saan wala naman syang kinalaman!" Galit na sigaw nito.

"Anong klaseng Lason ang pinag bibigay mo sa kanya??! Sabihin mo... Anong ginawa mo kay Aristia?!!" Tanong nia at nagsiunahang tumulo ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata at dahan-dahan lumuhod sa harapan ko .

"Nakikiusap ako sayo.. Wag mo na syang pahirapan pa.. A-ako na nakikiusap tigilan mo na si Rain."

"W-wag mo na syang paulit ulit na Saktan Lereg.."

"Wag mo ng saktan si Rain nakikiusap ako.." Pagmamakaawa nia habang nakaluhod at nakahawak sa kwelyo ko at walang tigil ang pag luha nito sa harapan ko.

Agad ko itong tinulak palayo sakin kasabay ng pagka punit ng suot ko na naglantad ng malaking peklat sa dibdib ko at mabilis akong bumangon at dinura ang dugo na bibig ko.
 
"Alam mo na halos lahat ng nasa alala ni Aristia ay walang katotohanan at alam mo kung gaano katindi pag hihirap nia noon pa man dahil saksi kayo roon!! Alam na alam nio yung mga dinadanas nia sa kamay nila kaya ako naging ganito!!" Galit kong sigaw.

"Sinabi ko na noon, kumikilos lang ako pag may magpapahamak sa kanya at kahit sino ay handa kong kalabanin and i can kill anyone who gonna block my path kung para kay Rain, lahat kaya kong gawin para sa kanya kaya wag kayong magkakamaling harangan ako ulit.." Banta ko.

"Hindi ikaw si Aristia, King kaya hindi ako sayo dapat mag paliwanag. Kay Aristia ko sasabihin Lahat ng ginawa ko at lahat yon nagawa ko para sa kanya!! Kaya wag mokong sisisihin dahil ginawa ko yon para lang kay Aristia.!!" Galit na sabi ko at tinulak si Chase palayo sakin at naglakad na palayo para puntahan si Aristia sa lugar ng mga mafia.

"Kaya ba pinag patuloy mong pag eksperimentuhan sya? Dahil ganun mo sya kamahal Vladimir?" Tanong ni Karsen na nag patigil sakin..

"Alam na lahat yan ni Rain at sya mismo ang nag utos sakin na alamin kung ano nga bang nangyayari sa kanya at alam mo bang habang sinasabi ko sa kanya mga sanhi dahil sa ginawa mong pag eeksperimento sa kanya?"

"Nung mga panahong yon sayo lang sya nakatanaw habang nakangiti. She was just looking at you from a far habang may kasamang ibang babae na para bang ayos na sayo lahat, na porke pinalaya kana nya sumuko kana lang agad." Napalingon ako kay Karsen na malamlam na nakatingin sakin.

"She can kill you for what you have done to her pero alam mo ba anong utos nia?"

"Yun ay ang protektahan ka kahit anong mangyari.."

"Protektahan yung taong maaaring maging dahilan ng kamatayan nia."Napakuyom ang kamao ko at pinipigilan ang aking emosyon.

Tumayo si Chase at tumitig sakin.

"Rain is ready to die any minute just for you Vladimir Lereg.. Ganun ka pinagkatiwalaan at minahal ni Aristia na kahit wala pa syang maalala tungkol sa nakaraan nyong dalawa ay handa nyang isakripisyon ulit lahat para sa kaligtasan mo."sambit nia.

"Ngayong unti-unti ng nagbabalik alala nia, sabihin mo sakin paano mo pa sya maililigtas? hahayaan mo nalang ba syang mamatay ng ganun nalang?"

"Handa ka rin bang mamatay para sa kanya? Para sa kaligtasan nya?"dugtong na tanong nia.

Taming The Legendary Assassin (Last Season)Where stories live. Discover now