2: Strangers

2 0 0
                                    

Dein

Evening sound is the only noise that can be heard in the forest. As how the moonlight flashes its shine towards us. The only emitting light for us to see in this dark night. Everything seems beautiful and peaceful if I'm not being a hostage of this creeps.

Napatingin ang lahat sa isang lalaki na lulan ng kabayo. Hindi ko naman sya makita dahil sa kamay na nakahawak sa leeg ko habang nakatutok na sa akin ang isang patalim.

"Sino ka?!"galit na tanong nitong lalaking may hawak sa akin.

"Handa ka bang malaman kung ang kapalit nito ay ang buhay mo?"tanong nito.

"B-binabantaan mo ba ako?"tanong nito at medyo ramdam na ang kaba sa boses nito. Ano ang meron sa lalaking lulan ng kabayo at mukhang naging maamong pusa ang kaninang tigreng handa ng pumatay? 

"Kung iyan ang sa tingin mo,"simpleng sagot nito at mukhang nainsulto naman ang kausap dahil medyo humigpit ang hawak nya saakin na nagpadaing sa akin.

"Umalis ka na kung ayaw mong may mangyaring masama sa babaeng ito,"sabi nito.

Iniharap naman ako nung lalaking humahawak sa akin mula sa likod sa lalaking lulan ng kabayo.

Nagtama ang aming paningin na agad ding naputol dahil sa naramdaman kong matulis na bagay sa leeg ko. Pinanlamigan ako ng katawan ng mapagtantong nasa bingit ako ng kamatayan. 

"Tinatakot mo ba ako?"tanong nito, "Sa postura ninyo ay alam kong may kailangan kayo sa babaeng ito," sabi nya. Naglabas din ng patalim ang lalaki at pinaglaruan ito sa kanyang kamay. Naramdaman ko naman na nanginig ang dalawang lalaki sa gilid at likod ko. Kahit anong nginig ng tuhod ko ngayon ay hindi ko maipagkakaila na malakas ang awra ng lalaking kaharap namin ngayon. Kitang-kita sa dilim ng gabi, sa ilalim ng buwan at mga bituwin ang talim ng kaniyang mga mata na hindi mo susubukang banggain ano mang oras.

"Ayokong mabahiran ng dugo itong patalim ko kaya't bibigyan ko kayo ng pagpipilian. Isang supot ng ginto kapalit ng babae o dugo nyo kapalit ng babae?"tanong nya at marahan na tinignan ang dalawang lalaki.

"Pumili na kayo at tumatakbo ang oras," wala paring nagsalita na tila napipe at pumilipit ang dila ng mga kawatan na ito. 

"Binigyan nyo ako ng dahilan para dumanak ng dugo---"

"A-ang una. I-isang supot ng ginto para sa buhay ng babae,"putol ng lalaking may hawak na patalim sa lalaki sa harap namin. Hinagis ng lalaki ang ginto sa dalawa at agad naman na kumaripas ng takbo ang dalawa.

Nakahinga naman ako ng maluwag ng mawala ang patalim saaking leeg, naestatwa ako at napatulala sa kawalan.

Napatingin naman ako sa lalaki ng madinig ang pagbaba nito sa kabayo.

"Buti na lang natakot sila!" masayang sabi nito at parang biglang nawala ang nakatatakot na awra nito. Humarap sya saakin at lumapit ng nakangiti. Kaagad namang kumunot ang noo ko dahil sa mabilisang pagbabago ng kaniyang emosyon. 

"Drix, and you are?" tanong nito at naglahad pa ng kamay sa harap ko, tinitigan ko naman ito at saka ko ibinalik sa kaniya ang aking tingin na sinagot niya rin naman ng isang tingin habang malumanay na nakangiti sa akin.

"Ah, Dein," simpleng sabi ko. Naisip kong hindi ko pwedeng sabihin ang totoo kong pangalan at baka kilala nya si Kuya at maibalik ako sa palasyo at ipakasal ng wala sa oras. Ibinaba niya naman ang kaniyang nakalahad na kamay nang mapagtantong wala akong balak na abutin ito.

"Dein..?" agad naman akong nagisip ng apelyido.

"Dein...just Dein,"sabi ko ng walang maisip na kasunod.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 31, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Protector Of The Lumian CrestWhere stories live. Discover now