1: The King's Decision

2 0 0
                                    

Dein

Several days ago, I started thinking, how's life outside the four corners of this palace. I wonder how beautiful the outside is. And also what's the feeling being with other people.

I've never been outside or rather hindi ko na alam kung anong meron sa labas. Although I don't really care kung anong meron sa labas pero dati yun.

Nitong mga nakaraan kasi medyo nagiging busy or busy talaga si Kuya. And living in this huge palace without him by my side, I feel like a prisoner.

Masyadong dumami ang trabaho dito sa palasyo at wala namang katulong si Kuya dahil wala naman sina Ama at Ina.

Naaawa nga ako kay Kuya kasi bata pa lang kami ng mamatay ang Amang Hari at Inang Reyna. Maagang binuhat ng kanyang maliliit na kamay ang buong palasyo at nasasakupan nito.

Hindi lang iyon dahil naiwan din ako sa pangangalaga nya. Wala naman kaming malapit na kamag-anak para humalili sa amin nung mga panahon na nangangailangan pa kami.

Masyadong maraming pangyayari nitong mga nakaraan dito sa palasyo at medyo nakalubog ang kalahating bahagi ng palasyo sa hukay.

Malakas na ulan ang sumalanta sa maraming pamilya kasabay nito ang pagkawala ng mga buhay at hanapbuhay ng mga tao na sakop ng palasyo. Sumabay din ang paglusob ng mga tulisan.

Nakakalungkot isipin na nahihirapan ang Kuya dahil bata pa sya at hindi gaanong sanay sa ganitong larangan.

Gusto ko mang magalit sa mga tulisan dahil alam naman na nila na bagsak na bagsak ang palasyo ay duon pa nila naisipan na lumusob. Pero tama nga naman, kung ako ang pinuno ng isang paghihimagsik ay duon ako susugod sa panahon na mahina ang kalaban.

Pero alam kong may dahilan kung bakit sila naghihimagsik. Dahil hindi pa kayang sulusyunan ng Hari ang mga ganitong kabigat na mga bagay-bagay.

Siguradong nabuo ang samahan dahil sa pagkukulang ng palasyo na maiangat sa hirap ang mga tao nito.

Lumabas ako ng kwarto at naisipan na magikot-ikot sa loob. Bawal akong lumabas lalo na't may pagala-gala na mga tulisan. At media.

We are living in a modern world. Kaya't balita narin ang pinagdaraanan ng palasyo. Mahirap din lumabas ng palasyo na ito lalo na't kapag alam nila na may kaugnayan ka sa hari.

Kilala si Kuya hindi lamang bilang hari kundi sa taglay nitong panlabas na kaanyuan.

King Charles Sparrow can make all the girls turn their heads toward him. He has this charismatic feature. White as snow skin, pointed nose, perfectly made thick eyebrows, long eyelashes, messy but manly brown hair, red lips, and a pair of sapphire blue eyes.

I also got the feature. We inherit it from our mother. The difference is in our eyes. I got a pair of sky blue eyes. And also the media doesn't know me.

Kuya is afraid na baka puntiryahin ako ng mga kalaban. He doesn't want that to happen and me neither.

Pumunta ako sa kusina ng palasyo at duon kumuha ng mga ingredients para sa paggawa ng cookies. Nabasa ko sa isang libro kung paano gumawa.

Medyo madali lang sya para sa isang katulad kong hindi gaanong biniyayaan ng galing sa pagluluto dahil ayon sa nabasa ko ay sisiw lamang ito para sa gagawa. Gusto kong ihandog kay Kuya ang magagawa ko kaya kailangan kong pagbutihan. Alam kong pagod na sya.

Sinimulan ko na ang paggawa hanggang sa ilalagay ko na lang sya sa oven.

Napangiti ako ng ilang minuto ang dumaan. Sa bawat minuto ay tuluyang humahalimuyak ang amoy ng cookies.

Protector Of The Lumian CrestNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ