Kabanata 1

8 2 0
                                    

Tatlong taon na ang nakalipas simula noong ako ay nagsanay upang maging isang mandirigma. Madaming beses kong sinubukang sumuko ngunit lagi kong inaalala ang sinabi sa akin ni Ina noong unang araw ko ng pagsasanay.

“Manata, Ito ang ginusto mo panindigan mo ito. Ipagtanggol mo ang ating bayang sinilangan at aasahan kita na tutuparin mo ang iyong pangako na ikaw ay magi-ingat.”

“Ipinapangako ko sa inyo at sa bathala na ako ay lalaban para sa bayan hanggang sa aking huling hininga.” Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti na akin din naman agad na sinuklian ng yakap.

“Mahal kita anak.”

Iyon ang huli naming pagu-usap ni Ina,

Nagpapadala lamang ako ng sulat kay Ama tuwing ito ay uuwi sa amin. Narito ako ngayon sa Tribo ng Tondo kung saan nagsasanay ang mga Mandirigma. Totoo nga ang sabi ni Ardan, wala akong nakikitang babae dito.

“Manata! Kunin mo ang iyong nais na sandata para sa pagsusulit na ito.”

Pinagmasdan ko ng maiigi ang mga sandata na nakahanay. Kinuha ko ang Gunong at winasiwas ito sa ere na tila ba may kalaban.

“Mahusay, kunin mo na ang iyong gunong at maari ka ng umalis.”

“Manata!”

“Oh Bughaw andito ka pala.” Si Bughaw ang halos madalas kong kasama sa pagsasanay pati narin sa pagkain.

Naging mahirap para sa akin ang mga unang araw ko dito ngunit tinulugan ako ni Bughaw na makihalubilo sa mga ibang nagsasanay. Nakilala ko si Bughaw noong ako ay bata pa, pinaunlakan ni Ama ang paanyaya ng ama nito noong kaniyang kaarawan.

“Magga-gabi na, ngayon ka pa lamang mageensayo?” Sinulyapan nito ang aking gunong na hawak.

“Oo, Kakaalis lamang ni Ama kanina kaya di ako nakasabay ng page-ensayo sa inyo.”

“Gusto mo tulungan kita?”

“Salamat pero hindi na, oras na ng iyong pagpapahinga. Iyong kawayan nalamang ang aking kakalabanin.”

“Sige, paalam Manata. Wag kang masyadong magpapagabi at baka may ahas sa tabi-tabi.”

Nagsimula na itong maglakad patungo sa kaniyang silid. Naglakad ako patungo sa gubat upang maghanap ng magandang kawayan na pwedeng gamitin sa page-ensayo.

Pinagmasdan ko ang gunong na hawak ko, agad akong naghanap ng matulis na bato upang ipangukit dito.

ᜋ ᜈ ᜆ

“Isang taon nalamang at ako ay magiging isang ganap na mandirigma na, Isang taon nalang Manata kaya mo t—”

Napalingon ako sa aking paligid ng may kumaluskos malapit sa akin.

“Sinong nandiyan?!” Pasigaw na ani ko ngunit mas lalong lumapit ang kaluskos patungo sa akin na naging sanhi ng aking pagatras.

“Inuulit ko sino ang nandi—AY BABOY KA!”
Napatalon ako sa gulat nang may sumulpot na manok sa aking harapan.

Manok pala ngunit bakit baboy ang aking tinuran? Binuhat ko ito at iniharap sa akin. Nagpupumilit itong kumawala sa akin kaya naman ay agad ko itong pinakawalan.

Tumakbo agad ito patungo sa ibang parte ng gubat. Naglakad lakad ulit ako para maghanap ng mababang kawayan.

“Bahala na pwede na ito.” Tinitigan ko ang kawayang kasing tangkad ko lamang.

Sinumulan ko itong kalabanin gamit ang aking gunong na nasa kanang kamay ko at ang kaliwang kamay ko naman ay nakadiretso sa aking tabi.

Inihakbang ko aang aking kanang paa palikod at pagkatapos ay sinumulan ko ng atakihin ang kawayan.

MANATA (MAHARLIKA SERIES 1)Where stories live. Discover now