Nandito pala siya? Hindi siya pumasok sa trabaho? Diba dapat ay nandoon siya sa law firm niya ngayon?

Nanatili akong tahimik at tinalikuran siya. I don't know why. May alitan kasi kami kahapon, kaya siguro ganon.

"Chanel." hinawakan niya ako sa pulso para pigilan ako sa paglalakad. "Let's talk about the case." he pleaded.

Tumikhim ako at hindi tumingin sa kanya. Hindi pa rin niya ako binibitawan.

"Okay." I said weakly.

Binitawan niya na ako kaya sinamantala ko 'yon para umalis sa harap niya. I don't wanna see him but if it is all about the case... Then I will coorporate.

Nakasimangot ako habang pumupili ng fruit tea at okinawa milktea dahil sa out of stock na ang paborito ko. Matapos kong pumili ay nagtake-out ako ng pagkain sa restaurant bago umuwi. Naabutan ko doon si Rafael sa living area na kaharap ang papeles at abala sa laptop. Naupo ako malayo sa kanya bago ilapag ang lunch ko sa side table.

"Bakit ka bumili ng pagkain? Nagluto ako." seryoso niya akong binalingan.

"No thanks." I smiled politely.

Napatigil siya bigla sa ginagawa at seryosong tinitigan ako. "Iniinsulto mo ba ako?" sabog niya.

"Rafael... About the case." pabalang na panimula ko.

"Chanel, about last night-" I cut him off.

"Please lang Rafael. Wag na natin 'yan pag-usapan." pumikit ako.

"Fine, let's talk about the case of my parents. The evidence that you gave to me is enough." he stated. "Thank you, Chan." nanlambot siya bigla.

"I'm doing this in behalf of you Rafael." Cause I think I started to fall- No.

Matapos namin mag-usap ng tungkol sa kaso ay napagdesisyunan kong puntahan si Sky. He's now planning to run the case started tommorow.

"Our petition is now accepted. Nakafile na din ako ng kaso laban sa step-mother mo. We'll see her in court trial tommorow." Sky stated.

Napasinghap ako. Nahuli na ba si Marivic ng mga awtoridad? What about Papa? Si lolo?

"Chan, hinuli sila ng mga pulis kahapon. Si Atty. Rafael ang nagpahuli sa kanila." suminghap siya at nagpatuloy. "Kaya pwede natin kasuhan ang step mom mo dahil sa pagpatay niya sa Mama mo." ngumiti si Sky.

Napangiti na rin ako at niyakap siya. "Thank you Skyler. I was aiming for my Mama's justice..." I can help my sobs.

"We can also file a case for hurting you, Chan. I will handle the case." he beamed.

Napabitiw ako sa kanya. "Ayos lang ako Sky. Ang importante ay magiging maayos ang lahat."

"We will, Chan. Pupuntahan ko sila ngayon." sabi niya.

Napayuko ako. "Sasama ako Sky. I want also to talk to my Papa." mahinang sabi ko.

"Are you sure?" his hesitant voice beamed.

"It's all fine, Sky. I want to tell him what I feel. Para mas gumaan na rin ang pakiramdam ko. After all the pain that they give me, still... They are my family. Hindi ko maipagkakaila 'yon." malungkot na pahayag ko.

"Masyado kang mabait Chanel, kaya ka nila laging niloloko." he voice out.

Ngumuso ako at napailing na lang. "So tara na?"

The Law Of LoveWhere stories live. Discover now