Chapter 28- Christmas

4.5K 102 4
                                    

Thank u sa VOMMENTS I LOVE U GUYS *^O^*

"Hoy tapos na ba yang menudo mo?" Tanong sakin ni Krissy,

Andito ako sa kusina nagluluto pang noche buena mamaya. Bakit nandito bestfriend ko? Syempre tutulungan niya ako sa pagiging wasak ko, andito siya kasama pamilya niya yinaya kasi sila ni Papa na dito na lang magpasko unti lang kasi kami kaya para dumami inimbitahan sila..

"Oo na ito na okay wait lang" sagot ko aa kanya.. hinalo halo ko muna pagkatapos nilagay ko sya sa lagayan.

"Hey Lea are u done?" Oopss andito rin pala siya, Si Elmo remember him? Inimbitahan ko siya kasi gusto ko magselos sakin si Klein.. alam ko mali to.. hayss, di rin nya alam plano ko basta alam lang niya kaya inimbitahan ko siya kasi mag isa lang siya magcecelebrate eh wala parents niya nasa Italy

Lumapit siya sakin at tinikman ang luto ko "masarap ah" ngiti niyang sabi

"Hoy Elmo ako dapat muna kainis ka" si Kris..

"Naks ansarap nga, sigurado ubos yan ni Klein" pang asar niyang sabi.. sinamaan ko sya ng tingin tapos nagpeace sign lang siya. Kinuha ni Elmo ung menudo at dinala sa garden kung saan dun kami magcecelebrate..

"O anak mukhang masarap ah" ngiting sabi ni papa

"Pa kelan pa ako di nagluto ng masarap?" Ganti ko.

"Anak talaga oh, oh siya magbihis na kayo ni Kris at malapit na ang countdown, 11pm na oh.ikaw naman iho tulungan mo ko mag ayos dito " sabi niya

Tumango na lang ako bilang sagot hinila ko si Kris papuntang kwarto para magbihis..

"Bestfriend mukhang di darating si Klein ah" sabi ni Kris habang nagbibihis sya.. wala ng hiya hiya pareho naman kami babae eh

"Mas maganda na yun Kris ,pag nakikita ko sya nasasaktan lang ako"

"Nasasaktan ako oh baby.."

Tapos tumawa siya baliw talaga tong bestfriend ko..

"Ang Halik mo..namimiss ko..bakit iniwan mo ako~ ARAY PUCHA!"

"Sapakin kta gusto mo Kris" bwisit eh ayun binato ko sya ng damit sapul sa mukha

"Hayy naku binibiro lang eh.. pero bestfriend bakit kaya niya ginawa yun noh? Mga lalake talaga puro kalokohan tsk tsk" sabi niya..

Di na lang ako sumagot nagbihis na ako pagkatapos namin mag-ayos bumaba na kami

Suot ko nga pala isang red fitted dress and 2 inches heels tapos binun ko yung buhok ko and naglagay ng unting makeup.at makapal na red lipstick si Kris naman nakasuot ng white fitted dress and nakaheels din tapos nakaponytail ang kanyang mahabang buhok..

Pagkapunta namin ng garden..

Nagulat ako na dumating siya....

Magkahawak kamay pa sila ni Mia, nangilid ang luha ko sa aking mga mata..

"Oopps bestfriend dont cry wag mo ipakita sa kanya na mahina ka be brave diba may plano ka wag mo sirain " bulong sakin ni Kris..

Tama si Kris huminga ako ng malalim. At nagsimula ng pumunta sa harap nila

"Wow ang gaganda naman ng anak natin" puri samin ng Mama ni Kris.. si Papa at papa ni Kris ay ngumiti lang samin..

"Hay naku we know that" ngiting sabi ni Kris.. napako ung tingin ko kay Klein.. sinusuri niya ako mula ulo hanggang paa gulat ka noh alam ko gumanda ako ngaun ngumisi ako tumingin naman ako kay Mia at ayun nakataas ang kilay..

"You're so beautiful" bulong sakin ni Elmo na nasa tabi ko tumingin ako sa kanya at ngumiti..

"Anak ganyan ba ung babaeng after magkulong at umiyak sa kwarto?" Pang asar ni Papa

"Pa!" Nagtawanan naman sila except kay Klein at Mia..

"Okay guys 11:45 na malapit na " sabi ni Kris.

Sila papa at parents ni Krissy nagkwekwentuhan ung dalawang mag asawa na parehong masama tsk ayun nakaupo sa tabi ng swimming pool nakababad pa ang mga paa.. kami ni Kris at Elmo inuupakan na namin ang pagkain.kahit wala pang twelve ah haha.

"Ohh my god..Lea magbilang na tayo"

Psh bakit kelangan pa nun parang bata talaga to si Kris.

"10..9..8..7..6..5..4.3..2....1!!" Bilang nila

"MERRY CHRISTMAS!!!" Bati nila nagsimula ng magputukan ang fireworks... ganito talaga dito kahit pasko may fireworks.. pinanood ko lang yung fireworks di ko sila pinansin ayoko maistorbo pag nanunuod ako nito haha

"Merry Christmas Lea" sabay akbay sakin ni Elmo bumati rin ako sa kanya.

"Wahh MERRY CHRISTMAS BESTFRIEND!" Pagkasabi niya bigla akong yinakap.. binati ko,din siya

Bumati rin sakin si Papa at parents ni Kris

"O diba kau babati kaung magkapatid?" Tanong ni Papa

Wahh papa iniiwasan ko nga sya eh . SPELL AWKWARD?

L.E.A.A.T.K.L.E.I.N

Lumapit sakin si Klein yumuko lang ako auko sya tingnan masasaktan lang ako..

"M-merry Christmas.....Sister" biglang tumulo luha ko okay na sana eh pero dinugtungan niya ng Sister.. talaga bang tinataboy na niya ako? Ansakit! Sakit

"O iha why are u crying?" Tanong sakin ni Tita Kristine mama ni Kris

Pinunasan ko muna ung pisngi ko bago humarap sa kanila

"Ah wala po masaya lang ako kasi binati niya ako hehe"

Tumawa naman sila except si Klein Mia at Krissy

"Ohh kain na po tayo" yaya ng malditang Mia

Ayun kumain na lang kami.. ung nga parents nagtatawanan, si Mia sinusubuan si Klein bakit niya pa sinusubuan anlaki laki na niya eh ito naman si Klein tinatanggap naman.. tapos si Elmo nilalagyan ulit ng pagkain yung plato ko tapos si Kris wala tahimik lang pag ganyan for sure kelangan namin mag-usap

Napako ung tingin ko kay Klein. I saw his eyes looking at me parang galit na galit at napaigting pa ung panga niya and his hands are close fist.

Bakit sya nagagalit sakin? Nagseselos na ba siya?

----

-------

OMG! NAPASELOS BA NI LEA SI KLEIN? AT BAKIT NAMAN SIYA MAGSESELOS?

ANJAN NA SI ELMO!!! SIYA BA ANG PAPALIT KAY KLEIN? HALA PANO NA ANG KLEA LOVETEAM? CHAROT XD

HOY KLEIN BAKIT MO KASI SIYA INIWAN

HAHAHA

Sana ipagpatuloy niyo supportuhan ito VOTE AND COMMENT nakakainspire kasi siya nakakataba ng puso charot haha

~chocoden

Im Inlove with my Brother (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon