Kabanata 3: Jan

2 0 0
                                    

Janessa Lualhati Roasa is nervous. 'Eto ang first time niyang mawalay sa pamilya. Hindi kasi siya sumasali noon sa mga camping kaya hindi siya sanay. Siguro isa siya sa mga iiyak sa first night nila sa dorm.

Tahimik lang sila ng mama at papa niyang naghihintay ng bus niyang pa-Iloilo sa kotse nila. Although magkapit-bahay lang naman ang mga probinsiya nila kung tutuusin, she still felt anxious. Paano kung hindi niya maabot ang expectations ng mga magulang niya? Siya pa naman ang unang UP student ng pamilya. Hindi siya ang studious type noong high school kaya paano kung hindi na siya marunong mag-aral tapos magkaka-singko pa siya? Katakot.

Sa wakas, pagkatapos ng ilang minuto, dumating na rin ang asul na bus na magdadala sa kanyang pa-Iloilo.

Nagpakawala ng malalim na hininga ang papa niya, tapos nilingon siya sa backseat. "Dito na ang bus, ga*, aral ka doon ng mabuti ha!"

Napangiti siya, kahit na nanginginig na ang laman-loob niya. "Yes, po, papa."

Lumabas silang sasakyan, ang papa niya kinuha ang isang malaking maleta sa trunk. Si mama naman niya ang dala ay ang malaking handbag nito. Binuksan ng mama niya ang handbag niya at binigyan siya ng one thousand pesos.

"But, ma, binigyan na ako ni papa kanina."

""Di, for extra allowance mo 'yan."

Happily grumbling, nilagay niya ito sa bulsa ng backpack niya.

Nag-uusap na ang papa niya at ang konduktor at nang nakitang ready na siyang umalis ay ginesture siya nitong lumapit.

Bumunot siya ng malalim na hininga, wishing herself some luck.

*ga – short for pangga, which translates to love, an endearment.

Gabby, Kakie, and Jan: A College NovellaWhere stories live. Discover now