"Sa ngayon dahil may nalaman akong impormasyon at ipapakita ko sa inyo ngayon"ilang sandali lang ay may lumabas na malaking hologram ay halos lahat nabigla sa nakita maging ako.






"May lumusod na mga demons sa South and East Atlancia kaya mabilis na pinapunta ko ang mga Special Soldier ko. Ang palasyo nila Ate France ay muntik na ngunit nakagawa agad ng barrier si Serene at maging sa East ngunit ang bilang ng mga demons ngayon na nandoon ay hindi mabilang sa dami dahil ang mismong nasa harapan ng palasyo ay ang Dark Portal kung saan lumalabas ang mga demons"malungkot na sabi ni Ina at pinanood namin ang nangyayari ngayon.





Napapaligiran ng mga apoy ang dalawang kaharian at napansin ko sa South Atlancia si Nini na kasama si Silvia habang ang tatlo naman ay nasa East Atlancia.




Kaya pala bigla itong nawala sa tabi ko dahil inutusan pala ito ni Ina at nakikita namin ngayon ang mga sumusugod.





"Ina pupuntahan ko sila Tita France kailangan nila ang tulong ngayon"sabi ko dito at tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Mama na ngayon ay malungkot na nakatingin sa akin.





"Hindi ka aalis, huwag kang mag alala nangako sila Serene na ililigtas nila ang mga magulang at kapatid ko. Kaya hindi ka maaaring lumabas dito dahil delikado pa sa ngayon"sabi ni Mama at napayuko dahil sa sinabi nito.




Sa ngayon ay ang tatlong natitira na kaharian ay nagawa na din ng invisible spell kaya hindi na mahahanap agad ito sa ngayon.





Hanggang sa nakita namin nagkaroon ng malaking pagsabog at puro usok at kadiliman ang nakikita namin.





"Nini"tawag ko sa pangalan niya kahit na hindi niya ako naririnig ngunit ilang sandali lang ay napangiti ako ng makita ko na lahat ng mga demons na sumusugod ay namatay.





"Sabi ko sayo si Serene ang bahala hindi ba? Kaya huwag kana mag isip lalo na malalakas ang limang yan"sabi ni mama at hanggang sa napangiti din si Ina dahil ligtas sa ngayon ang South at East Atlancia.






"Serene mag cast na kayo ng spell para sa barrier at invisibility ng mga palasyo. Dalhin mo na din dito ang mga Blanc"utos ni Ina hanggang sa tumango si Nini at nawala na ang hologram.





"Sa ngayon ay nagawang iligtas nila Serene ang dalawang palasyo. Ngunit hindi pa tayo dapat magpakapante dahil sa mga portal"malamig na sabi ni Ina sa lahat at seryoso na nakatingin kay Ina ang mga nandito sa bulwagan.





"Hindi tayo mamomoblema sa pagkain at inumin ng lahat dahil nagawan na iyon ng paraan. Maging sa mga tutuluyan ng mga civilian dahil maaari may gumawa ng panibagong spell para sa mga underground ng bawat lugar. Kaya ang iisipin natin sa ngayon ay ang mga natitirang civilian na nagkalat sa taas dahil maaaring mapaslang sila kung sakali na makita sila ng mga kalaban"sabi pa ni Ina sa lahat hanggang sa biglang bumukas ang pintuan ng bulwagan at pumasok sila Serene.





"Nini"tumayo ako at mabilis na tumakbo papunta sa kanya. Mabilis na yumakap ito sa akin na ikinangiti.





"Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? Nasugatan ka ba?"natataranta na sabi ko dito pero umiling lang ito sabay halik sa pisngi ko.





"Ate France nasan sila Ate Timmy?"tanong ni mama sa kapatid niya at ngumiti naman ito kay mama.





"Ayos lang kaming lahat, nasa isang kwarto sila dito at ginagamot lalo na si Francine ay natamaan kanina ng palaso"sabi nito kay mama at hanggang sa napunta ang tingin nito sa akin.





Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now