HFM 32

1.3K 68 8
                                    

Aya Arcavia

"Ayaaaa Good Morning"yan agad ang bumungad sa akin pag bukas ng pintuan ni Irna sa dorm ko.

"Bakit nandito kayo?"malamig na tanong ko sa kanila at napansin ko na palihim na napalunok sila ng laway.

"Sasabay ka sa amin ng pasok syempre. Start na ng opening class and bago mag start pa need pumunta ng auditorium for orientation"paliwanag ni Kenna habang nasa likod nito sila Sabrina, Belle at Ate Juliana.

"Kaya ko mag isa pumunta doon"lumabas agad ako ng dorm ko habang kasunod si Irna at ang dalawang kasama ko.

"Aya naman"kulit pa din nito sa akin kaya inirapan ko na ito pero sumabay na ako ng lakad sa kanila.

"Let's go"rinig kong sabi ni Belle habang nasa likod ko ito.

Bumalik sa isipan ko yung nangyari kahapon. Hindi ko mapigilan makaramdam ng lungkot dahil sa maling akala ko.

Akala ko si Lianne ang nakita ko kahapon na naka kapa na itim, yun pala ay may tumatakbo lang na lalaki at may hawak na itim na flag.

"Aya nandito na tayo"napatingin ako sa humawak sa balikat ko at nakita ko si Kenna pala ito.

Tinignan ko ang auditorium at unang pumasok sa isip ko ay mas malaki pa rin ang bulwagan sa Arcavia.

Pumasok na kami sa loob at sinalubong kami ni Tita Tory at nasa tabi nito ang isang pamilyar na babae.

"Baby Aishelle"walang emosyon na tinignan ko ito ng tawagin ako sa pangalan ko.

Hindi agad ako nakareact ng tumakbo ito papunta sa amin at niyakap ako ng mahigpit.

"Aishelle I miss youuu"masayang bulong nito sa akin at gumanti na din ako ng yakap dito.

"Ehem Ate Yuna what about us?"nakapout na sabi ni Ate Julian at napataas ang kilay ko ng makita ko ang pag pout ni Ate Julian.

"Juliana"yumakap ito kay Ate Julian at gumanti din ito ng yakap habang ang iba at yumakap din sa kanya.

"Ate Yuna kailan ka pa bumalik?"tanong nila dito at dahil wala akong balak makinig sa kanila at nag simula na ako maglakad.

"Aishelle"napansin ni Tita Tory na aalis ako ng tawagin ako nito. Nakita ko na nakatingin ito sa akin.

"Yes po Headmistress?"magalang na tanong ko dito at napansin ko ng gulat sa mukha nito ng tawagin ko siya na Headmistress.

"Aishelle ayaw ko na tawagin mo ako Headmistress gusto ko tawagin mo ako Tita Tory"demanding na sabi nito sa akin na ikinataas ng kilay ko sa ginagawa nitong pag tantrums.

"Okay"maikling sagot ko pero ngumiti agad ito sa akin.

"Magkakaroon ng opening ceremony pero isasabay ko na din ang individual test para sayo. Para malaman natin kung anong level kana"pag sisimula nito magsalita at tumango na lang ako dito.

Hanggang sa nasa tabi ko na ulit sila Kenna at Ate Yuna sinamahan nila kami sa uupuan namin.

"Dito kayo sa unahan para makita niyo ang magiging individual test ni Aya"sabi ni Tita Tory sa kanila at nakita ko ang gulat sa mata nila.

"Wow makikita namin kung gaano kalakas si Aya"hindi ko na sila pinansin at tumingin ako sa paligid at napataas ang kilay ko ng mapansin ko na halos lahat dito na nasa auditorium nakatingin sa gawin namin.

Heiress: Forgotten Memories (GirlxGirl) (JenLisa) [Completed]Where stories live. Discover now