chapter 4: The Ticket

203 6 0
                                    

chapter 4

"mga atey!! excited na ako!!" sigaw ni Quennie

after kasi nilang makuha ang huli nilang sweldo dumiretso na sila agad sa bilihan ng ticket.. and worth it naman dahil sakto three tickets na lang ang natitira.. SOLD OUT!!!

"naku!! hindi ko talaga lubos maisip na muntik na tayong hindi makakuha ng VIP ticket!!!" ~ Kate

"ang swerte talaga natin!!! 2 days na lang.. konting konti na lang!!!" excited na sabi ni Kim..

nagkatinginan silang tatlo.. at biglang nagsisigaw na parang nanalo sa lotto.. tumatalon talon pa sila sa sobrang saya.. habang hawak ang VIP ticket..

"ms. Villarta, ms. Arisgado and ms. Lictawa no screaming in the library"

"sorry po ma'am" sabay-sabay nilang sabi at itinutok na lang nila ang atensyon nila sa ticket na hawak-hawak..

pinagmasdan nilang mabuti ang ticket.. ang higpit ng hawak nila para masigurado nilang hindi imagination ang nakikita nila.. hindi pa din naaalis ang ngiti sa kanilang mga labi.. para bang hawak nila sa kanilang mga kamay ang pinaka importanteng bagay sa buong mundo.. ang TICKET, ang ticket na magiging tulay para magtagpo ang kanilang mga landas..

------------------------

"atey! bilisan natin!!" nagmamadali silang pumunta sa airport dahil maya-maya ay dadating na sa Pilipinas ang BIGBANG!

BEEP. BEEP. BEEEEEPPPPPPP...

sabay-sabay yan na busina ng mga kotse.. bus.. at jeep.. masyadong traffic.. 11am ang dating ng BIGBANG sa Pilipinas at 30 minutes na lang before 11am..

"kuya driver matagal pa ba?" tanong ni Kate sa driver habang nakatingin sa wrist watch niya

"mukhang matatagalan pa po ma'am.. may nagbanggaan daw po sa unahan eh.."

"eh bakit ngayon niyo lang sinabi?!!! halos 20 minutes na tayong na stuck sa traffic na to ah!!!" sigaw ni Kim na halatang inis na inis dahil sa traffic at pressured dahil sa oras..

lumabas si Quennie ng taxi

"ma'am saan po kayo pupunta?"

"malamang sa airport!!" sarcastic na sagot ni Quennie sa driver

"pero ma'am medyo malayo pa po ang airport dito"

"wala kaming pakialam! eto po ang bayad!" iniabot ni Kate ang bayad at lumabas na din ng taxi..

"ano ba naman kasing banggaan yan! bakit ngayon pa?!!"

tumakbo sila ng tumakbo at kung saan-saan lumulusot para lang makaalis sa traffic na yun.. puno ng mga sasakyan at nakita nilang limang sasakyan pala ang nagbanggaan.. tumakbo pa din sila ng tumakbo at asusual.. hingal na hingal sila pag dating sa airport..

KYAAAAAAAHHHHHHHHHHH!!!!!

dumaan sa harap nila ang isang van kasunod ang daan-daang mga tao na nagsisigawn at may mga banner na dala na may nakalagay 'WELCOME TO THE PHILIPPINES BIGBANG' 'We Love BIGBANG' 'BIGBANG FOREVER'

napaluhod ang tatlo.. nanlulumo sila.. sayang ang effort ng pagtakbo.. wala na din naman silang naabutan.. hindi nila nakita ang BIGBANG..

-----------------------

kakagising lang ng tatlo.. natulog sila sa bahay nila Kim para sabay-sabay na sila para mamaya.. pag mulat pa lang ng mga mata nila ngiti agad sa labi ang ginawa nila..

ito na ang araw na kanilang hinihintay.. ang araw ng ASIAN TOUR CONCERT OF BIGBANG!!! alas-singko ang simula ng concert pero alas-dose palang ng tanghali ay di na magkamayaw ang mga tao sa kakahintay sa labas ng SM MALL OF ASIA ARENA.. alas-dos ng hapon ng dumating sina Quennie, Kim at Kate sa MOA.. readyng ready sila.. may dalang mga camera.. posters.. pictures at kung anu-ano pa.. maipakita lang nila kung gaano nila kamahal ang BIGBANG..

puro kwentuhan ang ginawa nilang tatlo para libangin ang sarili dahil kailangan pa nilang maghintay ng ilang oras para makapasok sila sa loob ng arena.. excitement ang namumuo sa buong katawan nila..

"atey ito na yun..!!!" sigaw ni Quennie

"OMG!!! pakiramdam ko hindi ako makahinga!!!" sabi naman ni Kim

"hindi na ako makapaghintay!!! Seungri.. my dear maknae.. KYYYYAAAAAAHHHHHH!!!! makikita ko na siyaaaa!!!!" tili naman ni Kate

4:30 pm pinapasok ang mga tao sa loob ng arena.. ang haba ng pila pero okay lang yan kina Kate.. alam kasi nilang pagkatapos ng gabing to wala ng makakapantay sa sayang nararamdaman nila.. puro pa din sila kwento kung anong gagawin nila sa loob.. kung anong isisigaw nila.. at kung anu-ano pa..

"ma'am ticket po?" sabi ni manong bantay sa gate

hindi pa din maalis ang ngiti nila sa labi lalo na ngayong papasok na sila sa loob ng arena.. one step closer na sila sa BIGBANG.. kinuha nila ang ticket sa bag nila..

hanap hanap...

"oh my ghad!!! nawawala ang ticket ko!!!" sabay sabay nilang sabi..

===================================

OMG!! another hadlang nanaman? konti na lang oh.. isang step na lang abot na abot na nila ang pangarap nila..

ano kayang mangyayari? makakapasok pa ba sila? o tatanggapin na lang nila na dito na nagtatapos ang pantasya nila na makita ang BIGBANG??

ALAMIN sa next update :))))

wag niyo pong kalimutan magVOTE. COMMENT and BE A FRIEND.. yan po kasi ang motivetion ko para makagawa pa ng next update :))))

thank you for reading :))))

K-POP invasion: For Real?!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora