chapter 17: Valentines Day

156 6 0
                                    

chapter 17

"oh tey.. para sa inyo"

ibinigay ko kina Kate at Quennie ang chocolates na binili ko.. binigyan din nila ako ng chocolates.. ganito kami tuwing valentines.. hindi naman kami bitter sadyang masyado lang namin mahal ang isa't isa.. nag e-exchange exchange kami ng mga chocolates at minsan pa nga may mga letters pa kami.. ang sweet namin diba? kasalanan ba namin na hanggang ngayon wala pa din kaming boyfriend? NBSB!! T.T

sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng campus at obviously puro puso at balloon ang nasa buong grounds at syempre ang main ingredient ng valentines ay ang mga couples!! palakpakan ang mga couples.. yehey!! mag be-breyk din sila!! ^__^v

"Tracy.. chocolates para sayo" ano ba naman to si kuya kung mag bigay ng chocolates naka luhod pa!

kinuha ng isa sa alipores ni Tracy yung chocolates na binigay ni kuya schoolmate .. "what kind of chocolate is that??" tanong ni Tracy..

"meiji" tipid na sagot ng alipores niya.. kinuha ni Tracy ang chocolates at basta na lang binitawan.. kaya na laglag ito sa sahig..

"cheap" nag snap si Tracy at nagsimula ng maglakad.. kawawa naman si kuyang schoolmate durog ang kaniyang heart.. wala kasing puso ang binigyan niya.. kinuha ng isang alipores ni Tracy yung chocolate na nilaglag kanina at agad na sumunod kay Tracy..

Dalawa ang alipores ni Tracy at kung makikita niyo sila ngayon punong puno na ang mga kamay nila ng kung anu-anong chocolates at flowers na halatang para kay Tracy ang lahat yun.. ang daming imported chocolates.. may ferrero rocher.. toblerone.. hersheys.. lindt chocolates.. dairy milk chocolates.. deluxe toffee.. ai teka nga.. bakit ba ang dami kong sinasabi tungkol sa chocolates?! pakialam ko ba?!

Dumiretso na kami sa room.. at BOOM! PDA pa yung iba! di na nahiya.. may mga babaeng nakaupo sa kandungan nung boyfriend nila.. may babaeng kilig much habang may kausap sa phone.. may naka yakap pa!!

"ano ba namang room to te.. puro mga lovies"

"hindi ba nila kayang gawing private yang mga ginagawa nila?!"

"tara atey sa labas na lang tayo.."

dumiretso kami sa cafeteria dun lang naman kami tumatambay eh.. wala naman kaming pasok.. excuse nga kami diba? pero pumapasok pa din kami ng school.. bukas hindi na kami excuse :( wala ng free time with my baby BIGBANG.. pero okay lang mukhang magiging busy na sila malapit na kasi ang isa pang concert nila.. bale 2 times sila mag co-concert yung una noong dumating sila at pangalawa kapag aalis na sila.. nakakalungkot isipin malapit na silang umalis ng bansa.. 4 days na lang ang natitira..

"hahahahaha.. look girls.. ang mga basura nandito nanaman.." lumapit siya sa pwesto namin.. "nasan ang mga chocolates at flowers niyo??" napansin niya ang chocolates na nasa mesa.. "goya?! yuck!! so cheap!! tingnan niyo naman yung sakin.. ang mamahal.. wala kayo niyan!!.. oh wait" mau kinuha siyang chocolate na nasa heart na lalagyan.. "sainyo na lang.. baka kasi tumaba ako sa sobrang dami ng chocolates na ibinigay sakin.." pagkasabi niya nun tumawa siya ng malakas at naglakad na palayo..

"urgh! nakakairita na talaga yang babaeng yan!!! super duper mega nakakairita!"

"kalma ka lang Kim.. mabilis lang din ang karma.."

KYYYYAAAAAHHHHHHHHH!!!!

"oh problema ng mga babaeng yun?" tanong ko.. bigla ba namang sumigaw ai hindi pala sigaw.. TILI!

"talaga?! tara tingnan natin.." tumakbo palabas yung dalawang babae na malapit sa table namin..

"tara te.. tingnan natin.." alok ni Kate.. tumayo kami at pumunta sa field.. at dahil valentines day.. nag effort ang boyfie ni ate maswerte..

nakalagay lang naman sa isang banner ang mga words na 'I LOVE YOU HON, HAPPY VALENTINES DAY' at si girl ay super kinilig. teary eyed pa.. isang malaking bouquet ang ibinigay sakanya ng boyfie niya.. may mga nag vi-video pa.. haist.. akala ko naman kung ano na..

"Kim! Kim!" napalingon ako sa tumawag sa akin.. si Bea lang pala.. classmate namin..

"bakit?"

"oh.. may nagpapabigay" ibinigay niya sa akin ang isang rose.. pink rose to be exact..

"kanino galing?"

"ewan ko.. pinakuha lang sa akin yan ni dean sa office niya.. sige una na ko" umalis na si Bea..

"uiii.. sino naman ang admirer mo ha?" asar sa akin ni Quennie at Kate

"admirer?.. aba malay ko.." pero sino nga ba? wala naman akong kilalang lalaking may sira sa paningin para bigyan ako ng ganitong bulaklak? isang piraso lang siya pero ang ganda ng pagkakabuka ng mga petals kaya maganda siyang tingnan..

"malay daw.. pero may something ka na pala.. ikaw ha naglilihim ka na sa amin" nagkunwaring malungkot si Quennie..

"hindi ko talaga alam.. wala akong nililihim sa inyo ha.. malay ko ba sa kung sinong may sira ang mata ang nagbigay nito sa akin.."

"ui te.. magaganda naman tayo ah.. anong may sira ang mata ang pinag sasasabi mo jan.." sabi ni Kate..

"ai.. ai.. nagbubuhat ng sariling upuan?!" sabay-sabay lang kaming tumawa..

dumiretso kami sa hotel kung nasaan ang BIGBANG.. syempre dahil may ibibigay din kami sakanila.. i-nanounce na din naman na wala ng pasok kaya may time kami para pumunta dito..

"come in.. what are you doing here?" nakangiting bati ni Daesung ng buksan niya ang pinto..

"happy valentines" ^__^v sabay-sabay naming bati..

"happy valentines too" bati ni Daesung at Taeyang.. ibinigay namin sakanila ang chocolates na binili namin kanina.. toblerone naman yun kahit papaano noh!

"thanks.. ahmm wait. " pumasok si Daesung sa isang pinto at agad din namang lumabas.. may dala na siyang mga chocolates.. hala! hindi naman kaya mapurga kami sa sobrang dami ng chocolates namin.. three different kinds of chocolates ang ibinigay nila sa aming tatlo..

"where's the others?" tanong ni Kate.

"oh.. i think Seung hyun hyung is in his room right now.. and Seungri is at the music room.. Jiyong is.. i don't know where he is.."

nasaan naman kaya si GD? nag lalayas?

"hey!"

napalingon kaming lahat sa nagsalita.. it's GD.. at may dala siyang chocolates at bouquet of flowers..

PINK FLOWERS!!

----------------------

thank you for reading :)

please don't forget to vote. comment and follow me :)

HAPPY VALENTINES :)

K-POP invasion: For Real?!Where stories live. Discover now