chapter 20: KIRAGON ^__^

147 6 3
                                    

chapter 20

KIM'S POV

"diretso tayo kina Quennie mamaya?"

"bukas na lang ako pupunta.. kailangan ako ni mama mamaya eh.. aayusin kasi namin yung ibang gamit.. alam mo naman.." sabi ni Kate..

Kaming dalawa lang ang nandito papunta sa school dahil nagpapagaling pa din si Quennie noong isang gabi lang namin siya nailabas sa hospital eh.. at kung itatanong niyo yung nangyari sa amin ni Jiyong kahapon.. ahmm.. secret na yun.. pero dahil mapilit kayo sige ikekwento ko..

FLASHBACK

KISS..

nanlaki ang mata ko sa gulat.. nanigas ang buong katawan ko.. ui! KIM ARISGADO!! yung nguso mo!! sigaw ng isip ko.. pero kahit anong gawin ko wala atang balak sumunod sa akin ang katawan ko.. ---- LECHE! kung hindi pa nalaglag ulit yung can ng coke hindi pa hihiwalay! bakit ba naman kasi nalaglag pa yung coke?! ai! erase. erase!

"mianhae~" (sorry) umiwas ng tingin si Jiyong ganun din ako.. pakiramdam ko lahat ng dugo ko sa katawan umakyat sa mukha ko.. ang init init na ng mukha ko.. ano ba!!!!!

kinapa ko yung isang junk food kaso iba ang nahawakan ko.. yung kamay niya! emeerrrgheed!!!! inalis ko kaagad yung kamay ko at umayos ako ng upo.. iniabot niya sa akin yung NOVA kumuha naman ako ng isang piraso pero hindi pa din ako tumitingin saknya..

"hey.. wa.ka.ma.i.lang.ka.she.hi.di.ko.lam.gag.win.ko" sabay kamot sa ulo. natawa ako sa accent niya at sa expression niya.. kahit siya tumawa na din..

END OF FLASHBACK

naku naman kinikilig pa din ako kahit aksidente lang yun.. parang gusto kong maulit.. kashi aman eh!! alam niyo yung lips niya ang la--

"hui te! pangiti ngiti ka jan. baliw lang?."

"ewan ko sayo te! tara na nga sa loob.. panira ka talaga ng moment!" dumiretso na kami sa room.. at as usual walang pagbabago.. puno pa din ng ingay.. may ibang walang ibang ginawa kundi mag tsismisan.. yung iba naman nagsusulat.. may iba namang tahimik na nakikinig ng music naka earphones kasi eh.. naupo na kami sa upuan namin.. nakinig na lang din ako ng music.. KPOP music syempre! yun lang kasi ang kanta ko sa phone. puro kpop..

15 minutes..

20 minutes..

30 minutes..

"wala daw pong klase ngayon.. magkakaroon ng meeting ang mga teachers!!!!" sigaw ng isa naming classmate.. kanina pa kami naghihintay tapos wala si ma'am?! WTFudge!

"ui te.. una na ako.. kailangan ko ng umuwi agad eh" paalam ni Kate

"sige te.. maya-maya pa ako uuwi eh.."

"o sige.. una na ko.. bye te.."

"ingat" ^__^ pag alis ni Kate yumuko ako.. nakaubob ako sa desk.. pakiramdam ko antok na antok ako.. haisstt..

...

...

...

-_o ... o_- ... o__o nasa school pa pala ako? nagstretch ako ng konti.. nakatulog pala ako dito.. tumayo ako at inayos ko ang uniform ko.. kinuha ko ang bag ko.. walangyang mga classmate ko yan.. wala man lang gumising sa akin!! naglakad na ako palabas ng room.. antok pa din ako..

Bzxzxxzx.. Bzxxzbxxzxx..

yan ang narinig ko simula paglabas ko ng room hanggang dito sa ground floor.. oh anyare? puro bulungan.. at may pinagkukumpulan pa sila?.. lumapit ako s bulletin board para malaman kung ano ang mga pinag--- O___O !!

p-picture.. picture ko.. picture ko at ni Jiyong.. k-kahapon.. y-yung nagkiss..

"nagustuhan mo ba ang surprise ko sayo?" *smirks*

"T-tracy?"

"the one and only.. ang sweet niyo naman.."

"p-paano? p-paano ka nagkaroon ng ganito?"

"edi pinicturan ko! tonta!"

"b-bakit.. mo kailangang ilabas ng ganito?"

"oh bakit? dapat nga matuwa ka pa dahil alam ng marami na ikaw.. Kim Arisgado ang nakatikim ng mga labi ni dragon.."

"g-dragon!"

"i don't care what's his name.. g-dragon man yan.. dragon.. lion.. i really don't care!"

susugurin ko sana siya kaso pinigilan ko ang sarili ko.. wala akong pakialam kung ako ang nasa picture na yan.. ang inaalala ko si Jiyong.. masisira ang image niya.. masisira ng dahil sa akin.. mawawalan siya ng career.. mawawala siya sa BIGBANG.. naiiyak ako habang iniisip ko ang maaaring mangyari.. hindi pwede.. hindi to pwede..

"tapos ka ng magisip?" tanong niya sa akin.. "i know wala kang pakialam kung ikaw man ang nasa picture na yan. alam ko kahit kumalat pa ang picture mo okay lang sayo.. at alam ko na kaya ka ganyan dahil natatakot ka na baka masira ang career ni dragon.. am i right?" biglang tumulo ang luha ko.. "i think i hit the right spot!" she smiles then leave.. pinagtinginan ako ng maraming estudyante.. mga tinging parang pumapatay.. yung tipong kada titig nila sa akin parang pinuputol na nila yung mga kamay ko. yung paa ko. yung ulo ko.. pumunta ako sa library. atleast dito tahimik.. inabot ako ng halos limang oras sa library.. wala naman akong masyadong ginawa.. nagbasa lang ako ng mga magazine.. KPOP mags. may KPOP section kasi kami dito sa library.. alam niyo naman ang dean namin maki KPOP din.. halos limang oras akong nag stay sa library.. at mga 5pm umalis na din ako.. mabuti na lang wala ng masyadong estudyante.. kaya dire-diretso ako sa labas ng campus.. pero nagkamali ako..

"where do you think you're going?" sabi ng isang babae.. hindi ko siya schoolmate iba ang uniform eh..

"boyfriend stealer!!" sigaw pa ng isa.. ui wala akong inaagaw sayo ha! ni hindi nga kita kilala!!

"ang galing naman ng pag kakaedit mo sa picture niyo. totoong totoo.. tss.."

PAK!

hindi ako agad nakagalaw sa sobrang gulat ko..

"kung totoo ang picture na yun.. super kapal naman ng mukha mo para agawin ang halik ni GD!"

"wala akong panahong makipag away sa inyo" umiwas ako pero ayaw nila akong padaanin

"hindi pa kami tapos sayo!" hinila niya ang buhok ko kaya naman napatingala ako.. pucha! ang sakit ha!!

"bit.tiwan. mo ako!" sigaw ko..

binitawan niya ako.. pero kung anu-ano namang mga bagay ang lumipad papunta sa akin.. mga ballpen.. pantasa.. lapis.. eraser.. may itlog pa.. may orange.. LECHE! ang sakit ah! gusto kong gumanti pero di ako makalapit sakanila. nakapalibot sila sa akin at pinagbabato nila ako. ipinangharang ko ang bag ko sa mukha ko.. baka kung anong sugat ang magawa nila sa mukha k delikado ang beautiful face ko!! halos hindi ko na sila makita.. nakayuko na ako.. kapag naii magine ko ang sarili ko ngayon para akong si Geum Jan di ng boys over flowers.. LECHENG plot!! nakakainis! mabuti na lang sana kung may mag--

"i'm sorry.. i'm late.."

-------------------------

maiksing update muna :)

wala akong magawa kaya nag sulat muna ako.. at dahil inaantok na ako iiwan ko muna sa inyo ang chapter na to kahit maiksi lang.. may kalahati pa to.. update ko na lang mamaya or bukas.. o baka sa Sunday :)

don't forget your comments :)

thank you :))

K-POP invasion: For Real?!Where stories live. Discover now