Chapter 15

543 27 32
                                    

Chapter 15

Queen's POV

I am so happy today the fact that Molly is now back from her old self. Mabuti na lang talaga at nakausap ko siya sa bahay nila. Well, she's my bestfriend and I can't afford to end our friendship just like that.

Aside from my family, she's one of the reasons why I stay in this university. Her laughter and silly jokes help me forget the reality and my personal desires in life.

"Congrats again, Queen. I'm so proud of you. Sana pala hindi ko pinalampas ang gabing iyon edi sana na-videohan kita," wika ni Molly nang tuluyang kaming makaupo sa upuan. Napakamot na lamang ako sa ulo.

Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako at nahihiya sa mga classmates ko at sa ibang estudyante rito sa university.

Mr. Patterson gave me a scholarship as a reward for what I've done at the party. He announced it to everyone earlier before we get inside our rooms.

Sa totoo lang ay magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ko ngayon. Masaya dahil malaking tulong iyon para makatipid sa gastusin at bayarin sina Mama at Papa. Malungkot naman dahil kailangan kong tapusin ang propesyong ito hanggang sa dulo. Hindi ko man gusto ito, pero ito naman ang pangarap na gustong matupad ng pamilya ko.

After our class, Molly bids her goodbye then hurriedly goes home. May kailangan pa raw kasi siyang puntahan. Hindi ko rin alam kung nasa'n si Billy. I texted him a while ago but I got no replies. Hindi ko siya nakita ngayong araw. Maybe he's absent or busy doing something. So I don't have a choice but to go home by myself.

Dumaan muna ako saglit sa bookstore at bumili ng libro para sa Research namin. We do have a book for that subject but I just want to have another reference. Halos isang oras din ang itinagal ko doon dahil nagbasa pa ako ng ilang manga books. Buti na lang talaga hindi ako nakita at sinita.

When I got out from the bookstore, the sun sets already. Hindi ko man lang napansin ang oras at mag-gagabi na pala. Binilisan ko na lamang ang mga hakbang ko dahil kailangan kong maunahan si Mama pag-uwi or else I'll be doomed.

I stop at the side of the pedestrian lane when the traffic light changes to red. Tiningnan ko ang oras and I realize that I still have a few minutes bago makauwi si Mama. Sana talaga mauna akong umuwi ng bahay.

My eyes shifted at the group of boys who are standing on the other side of the road. Just by looking at their appearance, I'm sure they are all jerks who are capable of ruining someone's life. Their faces, tattoos, piercings and vapes tells me that.

I tried to look away when one of them notices me and smirked. Sino ba siya? Kilala niya ba ako? I shook my head just to erase the thought in my head. Nagpatay malisya na lamang ako at nang maging kulay green ang traffic light ay nagmadali akong sumabay sa mga taong tumatawid.

I started to get nervous when I noticed that they are behind my back. Who are these jerks? And why are they following me? Sigurado naman ako na wala akong atraso sa kahit na sino.

I tried to remain calm and acted like I'm not bothered by their presence. Pinilit kong maglakad ng normal nang hindi tumitingin sa likuran. Mas maghihinala lang kasi sila kapag ginawa ko iyon.

Dahan-dahan kong kinuha sa bulsa ang phone ko at sinubukang tawagan si King. Patuloy lang sa pag-ring ang phone niya hanggang sa mamatay ito. I dialled his number again but still he didn't answer. What the hell keeps him busy right now? Bakit kailangang ngayon pa?

Ramdam ko ang pangingilid ng luha ko lalo na nang marinig ko silang nagtatawanan sa likod. Mas dumoble pa ang kaba ko nang mapagtantong malapit na kami sa madilim na bahagi ng kalsada sa ilalim ng tulay. If only I knew that this will happen, I should've brought my bicycle.

BROKEN SCALPELحيث تعيش القصص. اكتشف الآن