Chapter 9

800 46 48
                                    

Chapter 9

"Red Spencer!" I almost choke to death when Billy called out his name. I glared at him pero hindi man lang siya natinag. Ano na naman bang kalokohan ang naisip ni bakla? Mas lalo pa akong nabigla nang tumayo siya sa kanyang upuan.

"Ayos ka lang Queen?" tanong ni Molly at inabutan pa ako ng bottled water. Kaagad akong uminom para mawala ang pagkaing bumara sa lalamunan ko.

"What the hell is goin' on? Ano na naman bang pakulo ito?!" pagalit kong tanong kay Molly habang na nakatuon ang tingin sa kanila ni Billy at Red. I tried not to look at them because I'm still anxious to look at him.

"Mukhang alam na ni Billy ang nangyari kahapon sa klase natin sa Medicine." Molly said while narrowing his eyes. "Oh my God! Inakbayan niya si Red. BL Series na this!" Kinikilig na sabi ni Molly.

"Ano bang binabalak niyang gawin?"

"I think he's trying to bring him over to seat with us."

"Sh*t! Kailangan nating lumipat ng table."

Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Molly.

"It's too late. Andito na sila. Just control yourself."

Ilang segundo pa'y nasa harapan na namin silang dalawa.

"Hi guys! I invited Red earlier to have a lunch with us. Sorry kung hindi ko agad nasabi sa inyo," naiilang na sabi ni Billy. If I know, ngayon niya lang pinag-isipan 'to dahil umiiwas siya ng tingin sa 'kin.

"Welcome to the group Red," masayang bati ni Molly. Inis kong kinagat ang ibabang labi ko at pinanlisikan siya ng mata pero wapakils pa rin ang loka. Palibhasa iba na naman ang tumatakbo sa utak niya. Tss.

"Sit here, Mr. Lollipop." I bit my tongue in surprise dahil sa sinabi ni Billy.

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maging reaction ko sa ginawa niya dahil kasama namin si Red. I told him clearly not to call Red as Mr. Lollipop. Ako kasi ang nahihiya sa ginagawa niya. At sa laki ng space ng table, gusto pa talaga niya kaming magkatabi? Ano ba talaga ang plano ng pamintang 'to?

"I don't want to make Sushi uncomfortable," sabi ni Red at muling tumayo.

"Sushi?" pag-uulit ni Molly.

"I mean Xuxia," mabilis na sagot ni Red.

"No no, Queen doesn't mind that. Just make yourself comfortable," pinal na sabi ni Molly at may pa-hand gesture pang nalalaman para pabalikin sa pagkakaupo si Red. I'm in a hot seat again. Sh*t!

Mabuti na lamang at dumating si Liam na may dalang isang malaking tray ng pagkain. Nag order kasi siya ulit para sa'min. Abot tenga naman ang ngiti ni Billy dahil nakita niya na naman ang crush niya. I don't know what's going on between them. Hindi rin naman ako interesadong makialam sa relasyon nilang dalawa.

"Wow! Andami naman nito." Billy said trying to start up a conversation from an awkward silence.

"Sorry pero may nakalimutan pala akong gawin." I said getting up the seat. "I need to go."

"Ano naman bang nakalimutan mo?" tanong ni Molly.

"The activity in Microbiology. I left the activity sheets under my desk at hindi ko pa natatapos 'yon. Mamaya na pasahan niyon." explain ko sa kanya.

"Pwede mo pa namang sagutan 'yon mamaya sa Pediatrics class." Tumayo si Molly at hinawakan ang kamay ko. "Makisama ka naman sa 'min kahit ngayon lang, kami ang pinapahiya mo kay Red at Liam eh," bulong niya.

"I'm sorry Molly but I can't. I'm not doing this para takasan si Red but to save time para hindi ako ma late sa first subject natin ngayong hapon. This is the perfect time para magtungo sa laboratory dahil wala pang mga estudyante dahil lunch pa."

BROKEN SCALPELWhere stories live. Discover now