Chapter 2

815 25 23
                                    



Yaz's POV




Pagkatapos kumain at magkaroon ng kaunting kwentuhan kay Zarnaih (nangungulit yan kaya hindi talaga kaunti). Umalis na ako sa bahay nila at umuwi na ako sa bahay ko.



Maya - maya lang ay nasa tapat na ako ng bahay ko. Bumaba ako ng kotse at binuksan ko muna ang gate para makapasok ako. Oo, buo na yung gate ko, kahapon lang natapos gawin.



Ipinarada ko muna ang kotse ko at tsaka ako bumaba ulit. At pagkatapos ay pumasok na sa loob ng bahay. At dahil mamaya pa 'yung date namin ni Maxwell ay napagdesisyonan kong ayusin muna ang mga pinamili ko kanina.



Iniisip ko kung matutulog ako, pero wag nalang. Alam ko namang hindi ako makakatulog dahil kay MAXWELL . Syempre excited ako kaya hindi ako makakatulog.



Kaya mas mabuti pang mag - ayos nalang ako nang lahat ng kailangan kong gamitin para mamaya sa pagreready sa date namin. Medyo madami para maganda. Kailangan ko din naman 'yon.


Pagkatapos kong maisaayos ang lahat ng gagamitin ko ay nagpahinga muna ako. Kailangan 'di ako haggard 'no. Dahil medyo maaga pa naman ay nanood muna ako. Maganda naman pala ang palabas ngayon. Kaya hindi ako mabo-bored sa panonood.


Naiimagine ko na ang mangyayari mamaya. Iniisip ko pa lang ay kinikilig na ako ng sobra. Hay, Maxwell baby, sa wakas, magkakaroon din tayo ng date.


Hindi ko namalayan na medyo napatagal pala ako sa panonood. Medyo malapit ng gumabi pero ok lang 'yon, kaya ko to. May oras pa naman ako para magpaganda.



Naligo muna ako bago ako nag - ayos. Nang matapos ang lahat ay tumingin na ako sa salamin. Ang aking full body mirror.


Ganda ko talaga! Yaz, ang ganda ganda mo!



I'm wearing a red sexy dress. 2 inches above the knee. It's not that short, I know Maxwell will scold me if I wear a very short dress. And of course, my red stilettos. 3 inches.



Pagkatapos kong ayusan ang aking sarili ay hinintay ko nalang si Maxwell. Ang sabi niya kanina ay pupuntahan niya ako. Matandaan niya pa kaya ang daan papunta dito sa bahay ko? Eh, isang beses lang naman siya napunta dito. Nung inimbitahan ko sila tita, yung mama nya, para ipakita ang bahay ko. Napilitan pa nga siya no'n. Kung hindi pa pinilit ni tita, paniguradong hindi pupunta. Pero dahil siya si "Maxwell", may tiwala naman ako sa kanya. Nakabisado niya naman siguro ang daan. Medyo mababawasan na ang pag - aalala ko.


Sa tagal ng pag iisip ko ay ngayon ko lang napansin ang oras. Excited ba ko masyado? 30 minutes na kaya ang nakakalipas, wala pa rin siya. Kung sabagay, ako lang naman ang excited na makasama siya. Siya, hindi. Kaya nakakapagtaka pa rin na ayain niya kong magdinner kasama siya. Pero, masaya talaga ko na niyaya niya ako.

Love without Limits (FANfiction)Where stories live. Discover now