"No, don't tell me, please. Higit kong kasusuklaman ang papa!"

"I want you to listen to me, Karl. Huwag mong gawin ang ginawa ko sa papa mo noon. Ang husgahan siya kaagad," she said softly.

Umiwas ng tingin si Karl. Tiim ang mga bagang na tumingala sa kisame at isinuklay ang mga daliri sa buhok. Nagpatuloy si Jasmine.

"Hindi ko gustong maniwala sa sinasabi ng babaeng bigla na lamang dumating sa isla. Hindi ako pagtataksilan ni Nathaniel. Alam kong mahal niya ako... mahal na mahal para dulutan ng matinding sama ng loob. Subalit hinintay ni Lydia na dumating si Nathaniel. At nang magharap ang dalawa'y natuwa ako when your father honestly didn't recognize her.

"Subalit nang isa-isang ipaalala at idetalye ng babaeng iyon ang paraan ng pagtatagpo nila... kung kailan at kung sino ang kasama ng asawa ko... at kung saan sila nagpunta ay unti-unti akong pinanlamigan ng katawan. Lalo na nang hindi magawang pasubalian ng papa mo ang sinasabi ng babaeng iyon. Your father wasn't a liar... and even if he had lied, madali ko iyong malalaman. At sa mismong oras na iyon ay para akong binagsakan ng langit..." Sunod-sunod ang paghinga ng malalim ni Jasmine, tila ba kahapon lang nangyari ang ikinukuwento.

Nag-aalalang nilapitan ni Karl ang ina. Napatalungko sa harap nito at hinawakan sa dalawang kamay si Jasmine. "'Ma, are you all right? Hindi mo kailangang sabihin sa akin ang lahat ng iyan..."

Jasmine smiled at her son tenderly. "I'm fine... Karl. Gusto kong sabihin sa iyo. Baka sakaling mabawasan ang galit mo sa paglilihim namin ng papa mo sa iyo..."

Naupo sa carpet si Karl at pauntog na isinandal ang ulo sa dingding. Hindi niya gustong marinig ang anumang sasabihin nito tungkol sa tunay niyang ina... hindi niya gustong makipag-usap kahit na kanino... subalit paano niya itataboy ang ina?

"I felt pain in my lower stomach," patuloy ni Jasmine. "I shouted at your father hysterically. Na hindi ko siya patatawarin sa sandaling may mangyari sa dinadala ko..."

His face was grim when he said, "You lost the baby!" Tumango si Jasmine. Sadness crossed her eyes. Umigting ang mga bagang ni Karl. "My father had a lot to pay for..."

"Iyon din ang paniniwala ko, Karl. But Nathaniel was as devastated. Hindi niya alam kung ano ang gagawin upang mapayapa ako. I took Iris with me and left the island... naghanap ng matitirhan sa Maynila at nanirahan nang malayo sa kanya. Subalit naroroon lagi ang papa mo, sa labas ng bakod ng apartment... natutulog sa kotse. Umaasang patatawarin ko siya."

She took her handkerchief from her pocket. Pinahiran ang mamasa-masang mga mata. "I love your father so much, Karl. I'll die loving him... only him. Kahit sa mga panahong kinamuhian ko siya ay naroroon pa rin ang pag-ibig. Subalit hindi ko siya magawang patawarin sa pagkawala ng aming anak dahil sa kataksilan niya. Bagaman alam kong ininda din ni Nathaniel nang labis ang nangyari...

"And for two months we both lived in hell. Hanggang isa sa mga checkup ni Iris ay nakatagpo ko sa ospital ang OB-Gyne na kaibigan ni Nathaniel. Siya ang ikalawang doktor na pinagpatingnan sa akin ng iyong ama noong ako'y nagdadalang-tao..." She paused for a while, bago nagpatuloy.

"Nang malaman niyang naiwala ko ang aking dinadala'y nagulat pa ako nang matuwa siya. I felt offended and so furious na gusto ko siyang talikuran kaagad subalit napigil ako sa aking gagawin nang idugtong niyang hindi rin talaga magtatagal ang bata sa aking sinapupunan at ikamamatay ko pa..." He frowned. "What did he mean by that?"

"I got curious and invited him for coffee. Ipinaliwanag niyang manganganib ang buhay naming pareho ng bata sa sandaling umabot ito sa full term. Iyon marahil ang sinabi ng unang doktor na tumingin sa akin sa papa mo kaya humingi siya ng second opinion sa kaibigan niya sa Maynila. Kasama sa paglaki ng bata sa tiyan ko'y ganoon din ang isang tumor na kailangang maalis kaagad. Nathaniel was so scared that he drank himself to death. Paano niya sasabihin sa akin ang tungkol sa diagnosis ng dalawang doktor? We both wanted that baby so much..."

Kristine Series 18, One Wish (UNEDITED) (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt