"Don't go down just yet. You're in the perfect place at the perfect time." 

"Huh? Anong problema mo?" 

Pagkasabing pagkasabi ko non ay biglang namatay ang mga ilaw. As in total black out ata sa boong campus!

"We only have 5 minutes to get that down, and 30 minutes to accomplish everything." 

"Bakit? Nanakawin ba natin ito?" Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung dahil sa kaba o sa excitement, o pareho. Matagal-tagal na din akong nagiging good girl at hindi gumagawa ng kalokohan. 

"We're not gonna steal it, we're just gonna put it somewhere else. " 

Tama ba itong gagawin ko na 'to? 

"Are you in or not?" 

Hindi na ako nag-isip, napangisi na lang ako. Na-miss ko din ang adrenaline rush. 

'Game!" 

***

"Red.... Red.... " 

Naalimpungatan ako ng may kumatok sa pinto ko. 

"Hmmmmmm.... " 

"Red... Don't you have any classes this morning?"

Idinilat ko ng dahan dahan yung mata ko. Ano ba yan. Ang sarap pa ng tulog ko. Ayoko pang bumangon. Itinalukbong ko ang comforter. Tinakpan ko pa ang ulo ko ng unan, para hindi ko marinig ang pagkatok ni Zia. Masakit pa ang katawan ko at gusto ko pang magpahinga. Magsasawa din yang babaeng yan sa kakakatok. 

Pero ilang minuto na ang nakaraan ay mas lalo pa atang lumalakas ang pagkatok nya at naririndi na ako! 

Hinagis ko ang comforter at lumukso ako sa kama. Marahas na binuksan ko ang pinto at pinandilatan ko si Zia. 

"ISTOR----------" Hindi ko na napagpatuloy ang sasabihin ko dahil panasakan ba naman nya ng pandesal ang bibig ko! 

"It's already 7:30 and you only have 15 minutes to prepare yourself. " Itinulak nya ako papasok ng banyo. " kainin mo yang pandesal habang naliligo ka. According to your schedule, your class will start at 9:00. You only have a few minutes to have your breakfast. Your class is at the far end of the university and you can't affort to be late." 

"NAMAN! Ano ka yaya!" 

"Binilin ka sa 'kin ng daddy mo, at kung hindi ka tumino, magpapadala talaga sya ng yaya mo. and he's dead serious about that. We both don't want to have anybody lurking around our cabin all the time. Kaya, ayusin mo na 'yang sarili mo." 

"Oo na, oo na! Kadiri, yaya. Ano ako bata." 

"Oo, batang isip. Masahol pa sa 5 years old." Pagbibiro ni Zia. 

" Layas ka na nga! " Itinulak ko sya palabas ng banyo pero bago ko pa masara ang pinto ay humirit pa. "5 Minutes."

"'Wag kang mag-alala, Magwiwisik lang ako!" 

Matapos ang ilang minuto ay bumaba na ako and as usual, nandito na naman ang buntot ni Zia. Wala na talagang pag-asa si dok dito, mukhang nagkakamabutihan na itong dalawang ito. Kunwari pa talaga si Zia noon na aayaw-ayaw, e obvious naman na patay na patay itong prinsesitang ito. Kung sabagay, sino ba naman ang hindi magkakagusto sa lalakeng ito? Bukod sa gwapo at macho no, mukhang maganda pa ang breeding. Si dok din naman, gwapo din at macho din, ang talino at ang bait pa! Hmmmm e kung i-lakad ko kaya yon kay Zia, hindi pa naman sila. O sila na nga ba? Kung sila na nga, hindi pa naman sila kasal, kaya pwede pa! hahahaha! plus pogi points ako kay chinito kapag nailakad ko ang pinsan nya! Bwahahahaha!

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon