Chapter 25

48.4K 1K 78
                                    

Date uploaded: 1-20-14

AN

Pasin ko marami pa palang hindi nakakaalam ng FU group sa FB. Sa mga gustong sumali sa group... look for Falcon university group and join.. Hanapin nyo na rin yung Walang Magawa book compilation, join na din kayo... 

Chapter 25

Red

"WOW! Grabe! todo na to! Adventure of a lifetime! PPPPFFFFF!!!" 

Kulang na lang tumirik mga mata ko sa sobrang pagkabagot! Mag-iisang oras na kami nakatambay ni Jerome dito sa rotonda sa harap ng admin office, kung saan nandoon ang golden emblem ng FU. Pure gold daw yon, sabi nila. 

Nakaupo sa paanan ng tore si Jerome at nakatingin sa cellphone nya na parang nag-iintay ng tawag. Nag-iintay nga ba ng tawag, o inaatay lang nyang magunaw ang mundo. Kaya siguro sinama nya ako dito, just in case may alien invation at gunawin nila ang mundo ay may makakasama syang human. Akala lang nya human ako, may pagkalaman lupa ako!

"Iiwanan na kita! Babalik na lang ako sa lake. May pa-outra-outrageous ka pang nalalaman dyan. Tambay mode lang pala ang gagawin natin todits. " 

"Just stay put, OK. I'm just waiting for a call from my roommate. " 

"O sige, bibigyan kita ng sampung minuto, kapag wala pa ring nangyayari, iiwan na kita dyan." 

Tinignan ko golden falcon sa taas ng tore. Ginto nga kaya ito? Dahil curious ako at wala naman akong magawa, at sa tingin ko ay hindi naman kataasan itong tore na ito. Inakyat ko ang tore para lang mainspeksyon ko ang pinagmamalaking golden emblem ng university na 'to. Nang makarating ako sa tuktok ay pinunaspusan ko ito at kinilakilatis. Dahil galing ako sa sindikato, marunong akong tumingin ng mga mamahaling bato. Kaya ko ring kilatisin kung ilang karat at gaano kahalaga ang mga ito. 

"Having fun yet, Red?" 

"Mangisay ka!" 

Narinig kong tatawa-tawa si Jerome sa ibaba. "At 'wag kang tumingala dyan kung ayaw mong ihulog ko sa bumbunan mo itong ibon na 'to!" 

Naalala ko nga pala na naka-cocktail dress pa din ako at pagkaikli-ikli ng palda ko. 

Magkakuliti ka sana kung sinisilipan mo ko. Hindi lang pala kuliti, dapat pigsa sa mata!

Tinignan ko sya sa ibaba, pero hindi naman nakatingala sa akin. Nakatingin pa din sya sa cellphone nya. 

Hmmmp. bahala ka na nga dyan. Ibinalik ko ang pansin ko sa golden falcon at ipinagpatuloy ko ang pagkilatis dito. Walang kaduda-dudang ginto nga ito! At mataas ang karats nito. Milyo-milyones ang halaga nito. Utak din talaga ng mga admin dito, pinababayaan ito sa labas! May toyo siguro si headmaster at ang board of directors ng school na to. Ay teka, kasama pala don si Erpats.. erase, erase, erase.

O baka naman hindi naman sila masyadong may toyo, masyado lang mayaman? Siguro nga. 

Narinig kong tumunog yung cellphone ni Jerome. Ito na siguro yung inaantay nyang tawag. At dahil chismosa ako, hinabaan ko ang tenga ko para marinig ko ang usapan nila. 

"Yes Clyde, is it done?" 

Matagal na hindi nagsalita si Jerome, nakikinig lang sya sa kausap nya. 

"good, we'll wait for your signal then." 

Iyon lang,, wala na. tapos ang chismis. Ang boring naman pala nitong Jerome na to! Layasan ko na lang kaya ito. Tatalon na sana ako pababa nang pigilan ako ni Jerome. 

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon