Chapter 13

47.7K 1.2K 98
                                    

Date uploaded: Nov. 6, 2014

AN,, pasensys na... maikli lang ito... 

BTW guys.... may nilulutong christmas party ang FU! to know the details.. pls look for the OP's and admins for the details... 

Chapter 13


Red


Nakadapa ako sa kama ni Alex at pinalalagyan ko ng salonpass ang likod ko kay Prinsesita.


"Dyan mo ilagay sa bewang. Yung isa sa bandang balikat."


"Diba pang matanda lang ito?"


"ANONG MATANDA ANG PINAGSASASABI MO DYAN!"

Upakan ko 'to e! Sinong sinasabihan nyang matanda!

"Ummm .. Amoy pa lang kasi amoy matanda na e."


Napahagikgik ang isang pang prinsesita. Talaga itong dalawang mahinhin na to, ang sarap paguntugin!

"Ano ba ang nangyari sa 'yo at bakit naman sumakit ang katawan mo?"

"E kasi kayong dalawa bigla-bigla na lang kayong nawawala!"

"Hindi nyo tuloy nakita si Red na plumakda sa pool! As in parang nagkaroon ng tsunami ng bumagsak sila sa pool at basa lahat ng tao sa paligid! Saka nga pala, ang pag-d-dive, una ulo, hindi dibdib, kaya ayan! Masakit tuloy katawan mo!"

Ipinagpatuloy ni Alex ang paglabas ng mga damit nya sa closet. Kanina pa hindi mapakali yan at kung ano ano ang hinahalungkat sa mga gamit nya.

"Teka wait lang, paki rewind nga sandali yung sinabi mo? What do you mean by sila?"

Bumalik ang pansin ni Alex sa amin at tumalon sa kama! "Alam mo ba yan? Lume-level-up na!"
Kumuha ako ng unan at inihagis ko kay Alex! Loko to a! Anong level up ang pinagsasasabi nito!

"Manahimik ka dyan! Kung hindi, itatapon kita sa dagat!"

"Bakit? Ano ba meron? Naguguluhan naman ako sa kwento nyo e!" Sabi ni Zia.

"Teka, ako ang pinagdidiskitahan nyo dito, e ikaw nga ang lumalablyp dito! Ano ba meron sa inyo ni Vince? HA!"

Biglang natahimik si Zia at nangamatis ang mukha! HULI KA! Sinasabi ko na nga at nagmimilagro 'to e.

"May aaminin ka ba... Ha! Zia!"

Hayyy salamat at nawala ang pansin sa akin!

Lahat kami natahimik at nag-iintay ng sasabihin ni Zia.

"Ay, ang tagal naman umamin!"

"Shut up Red! Baka mahiya na yan!" Sabi ni Alex.

"Ano kasi... Hindi pa naman kami.."

"SINUNGALING!"

"RED! Ano ka ba! Don't rude, that's bad!"
Oo nga naman, hindi nga pala sanay sa mga diretsyahang pagsasalita ang mga ito. Mas gusto pa ng mga pa-gentle epek at pa zigzag zigzag na usapan. Kainis lang, ang dami pang seremonyas e don din naman ang patutunguhan ng usapan!

"Promise, hindi pa naman talaga kami. We are not exclusively dating but.... " ngumiti sya. "We are dating."

"Aaaaayyyiiiiieeeee" napatili si prisesita. "Oh my gosh! "

"Diba pareho din yon? Hindi exclusive pero dating na rin. Ang gulo mo!"

"A basta, we are still on the stage on getting to know each other. I just want to take it slow and know more about him. Lumalabas na rin kami."

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon