Chapter 6

64.3K 1.2K 74
                                    

Chapter 6

Red

"Haaaaayyyy" nag-inat-inat ako at nagputukan ang mga joints ko. Sa tagal ko ba namang nakayuko dahil kung ano anong pinasasagutan sa kin ni chinito. Naturete na nga utak ko. Kailangan ko din naman ng kahit na konting pahinga.

Pagkatapos ng napaka-maaksyong umaga ay dire-diretso kami sa turuan session na para bang walang nangyari. Hindi na kami nagpunta sa Lab 56, dito na lang daw kami sa lungga nya. Grabe lungs, napakatalino pala nitong lalakeng ito. Lahat ng itanong ko nasasagot nya. Walking google nga ata itong alien na to e. Lahat na ata ng impormasyon sa earth ay nakasiksik sa utak nya! Impress ako? OO NAMAN! Sobra! Gusto ko ng ngang tagain yung ulo nya at kumuha kahit kapirasong utak at ilalagay ko sa utak ko! Baka sakaling hindi ko na kailanganin na mag-aral para makapasa sa exam!

Nagreklamo ang tyan ko at naramdaman ko na gutom na pala ako. Tinignan ko ang relo ko. Alas-tres na pala!!! Hndi ba nakakaramdam ng gutom itong chinitong ito? Kanina pa nananahimik at nakatalikod ang swivel chair nya sa akin.

"Hoy... Chinito. Hindi ka ba nagugutom?hindi mo man lang ba ako aalukin kahit isang chocnut lang? "

Hindi na naman ako sinasagot. Palagi naman kasing nang-de-deadma yon. Asa ka pa Kapag hindi ka nya talaga trip sagutin. Palagi sigurong panis ang laway non. Buti na oang at cute sya, kung hindi, kadiri sya!

"Hoy!!! Josh! Wala ka bang pagkain dito?"

Deadma.

"Naman! Recess muna! Puti na mata ko! Kainin ko yang gagamba mo!"

Deadma.

Tumayo na ako at lumapit ako sa kanya. Inikot ko yung upuan nya.

"Pakai--"

Ay.... TULOG!

Kaya naman pala walang kaimik-imik e. Well, kung sabagay, kailangan nya talaga yan. Dapat nga sa ospital sya nagpapahinga dahil sa nangyari kaninang umaga. May toyo din to e, inaabuso ang katawan..

"Sige, tulog ka muna dyan. Hmmmmmm.. Ang cute mo pala kapag natutulog ka. Hindi ka mukhang antipatiko. " mas lalo kong inilapit yung mukha ko sa mukha nya para mas matitigan ko sya ng husto. Bihirang mangyari to kaya dapat samantalahin! "Ang pogi mo chong!" Bulong ko. "Pero dapat palagi kang nakangiti. Para ka kasing pinagsakluban ng langit at lupa. Kanina, nakita kitang ngumiti, bagay sa 'yo. Dapat dalas-dalasan mo yon. "

Mukhang ang amo-amo nya kapag natutulog. Gusto ko sanang hawakan yung mukha nya, pero baka magising at tarayan pa ako. Naalala kong bigla nung una ko syang nakita. Niyakap nya ako non. Pero napagkamalan lang nya na ako ang ate ko.

"Bakit Josh? Anong kinalaman mo sa ate ko?"

Sa pagkakayakap nya sa akin non, pakiramdam ko ay mahal na mahal nya ang inaakala nyang kayakap nya. Napaisip ako. "Girlfriend mo ba ang ate ko?"

Napalayo ako ng konti. Kung iisipin ko nga, connect the dots ang mga ikinikilos nya. Kung girlfriend nga nya si ate, may dahilan sya kung bakit sya naging bitter.

Napatingin ako sa monitor ng computer na nasa harap nya at nakita ko doon ang magandang picture ni ate sa bandang kaliwa at sa kabilang side naman ay meron doong video ng isang puso na tumitibok-tibok. Na-confirm ang hinala ko na girlfriend nga dati ni Josh ang ate ko.

Bakit parang nalungkot ang puso ko para kay Josh? Siguro sobra syang nasaktan noong namatay ang ate ko na hanggang ngayon ay hindi sya maka-get-over.

Pero bakit may katabing video ng puso sa picture ni ate? Para saan yon? Experiment na naman yon? Ibinaling kong muli ang tingin sa picture ni ate. Hindi maikakaila na napaka ganda nya. Parehong pareho kami ng buhok, kulay ng balat at mata. Pero hindi rin maipagakakaila na mas maganda ako sa kanya! Hahahha! Wala pang nakakapagkwento sa akin tungkol kay ate, pero balita ko noong umuwi kami sa Romania na napakapasaway din daw non. Mahilig tumakas sa mga body guards nya. Madalas din daw mapaaway at ilang beses na din napagtangkaan ang huhay. Siguro hindi na sya nakalagtas noong huli.

Hindi ko pa alam ang totoong nangyari sa ate ko. Kung paano at bakit sya namatay. Kapag tinatanong ko si erpats ay palagi nyang binabago ang usapan. Hindi ko sya masisis kasi hanggang ngayon ay masakit pa din sa kanya ang pagkamatay ni ate. Ang alam ko lang ay magkakasama sila Alex at ang tropa nung namatay si ate. Pero ang ibang detalye non ay walang may gustong magkwento, mas lalo na ngayon at nalalapit na ang kasal ni erpats, bawal magsalita tungkol sa malulungkot na bagay.

Ang gulo! Malalaman ko din ang lahat ng yan kahit gaano pa nila gustong itago ang mga pangyayari. Pero ngayon may mas dapat na pagtuunan ng pansin, fahil.... NAGUGUTOM NA TALAGA AKO!

Nagbukas -bukas ako ng mga drawer, baka sakaling may tinatagong pagkain si chinito. Pero kahit isang candy wala man lang! Hindi ata uso sa mga alien ang kumain.

Hmmmm.. Lahat ng cabin may sari-sariling kitchen. Baka may pagkain sa taas. Tinignan ko ulit si Josh, nagdadalawang isip ako kung gigisingin ko. Pero mahimbing ang tulog nya, at mukhang mas kailangan nyang magpahinga.

Ok sige, ako na lang ang aakyat at maghahagilap ng pagkain. Pagkadating ko sa kitchen, naghalungkat ako kaagad ng pagkain sa ref. may laman nga.. pero, hindi ko kilala. Binuksan ko yung isang container. May gulay gulay.. Mukhang masarap. Pero nung tinikman ko, sa halip na paloob pumunta yung pagkain ay labas ng bibig ko ang gustong pintahan nito!

"Pwe pwe pwe!! Ano bang lasa yan?!"

Ibinalik ko sa ref yung container. Baka sa halip na mabusog ako e madehydrate pa ako dahil magsusuka, tae pa ko! Nakakatakot naman mga oagkain dito! Isinara ko na yung ref. Delata na lang, mas safe pa ako.

Habang naghahanap ako ng makakakain ay may bigla ba namang humawak sa balikat ko! Natural na kumilos ang katawan para maipagtanggol ko ang sarili ko. Mabilis na nahawakan ko ang kamay ng taong nasa likod ko at ipinilipit ko sya. Madali kong inilagay ang kamay sa likod nya at marahas na hinampas ko sya sa kitchen counter.

"Hey! It's me!"

"Nyek! Anong ginagawa mo dito Dr. Alak? "

"It's Dr. Jin. Now get off me."

"Oooopppss sorry naman. Nanggugulat ka kasi e! Napala mo."

Pinakawalan ko sya at ginalaw-galaw nya ang leeg nya.

" you're one strong girl."

"Sinabi mo pa! Kaya wag kang haharang harang dyan mas lalo na kapag ganitong gutom ako at walang makain! Ano ba namang klaseng kusina ito! Wala man lang matinong kainin!"

"I put a kimchi and maki in the refrigerator. You can eat that."
Inilabas nya yung container na tinikman ko kanina.
"Nyeks! Ayoko nyan! Niluwa ko na nga yan kanina. "
"Oh sorry, I guess you don't like Korean foods?"
"Halos lahat naman kinakain ko, pero hindi ko masikmura yan!"
Natawa si Dr. Jin. "Ok, I'll try to cook something."
"Marunong kang magluto?"

Back-up Heiress : FALCON UNIVERSITY SEASON 3 [COMPLETE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon