Chapter 9

578 42 11
                                    

Kyle's POV

Ilang araw ng hindi ko nakikita si Andrei. Pagkatapos nung eksena namin noong isang araw, hindi na ulit siya nagpakita at nangulit sa'kin sa hospital.

"Oh, anong inaarte mo diyan? 'Di ba ito naman ang gusto mo?" Nababaliw na ata ako dahil kinakausap ko na ang sarili ko sa harap ng salamin. Sabi ko sakanya na hindi ako handa sa gusto niya, that's true. I'm tired of having a fucking relationship with someone.

"Are you really tired or natatakot ka lang mag invest ng time and effort sa isang tao only to find out na niloloko ka na naman?" Naihampas ko ang dala kong towel sa salamin. Nakakainis ang mga naiisip ko.

"You're not helping me actually." Sabi ko sa reflection ko. Pinatay ko ang ilaw at lumabas ako ng banyo. May dalawang persona na nagtatalo sa loob ko. There's one na pinipigilan akong buksan ang sarili ko para sa ibang tao. While the other one's different. It's clearly the opposite. Mukhang ako ata ang kailangang magpatingin sa psychiatrist. I heard three doorbells kaya napatingin ako sa labas, naiwan ko kasing bukas ang kwarto ko. Hindi pa ako nagbibihis at tanging towel lang sa ibabang parte ng katawan ko ang suot ko.

"Si Andrei na ata ito," Bulong ko bago ko buksan ang pinto.

"Buti naman at naisipan mong—Jake?" Namilog ang mata ko sa gulat nang makita ko si Jake na nakatayo sa labas ng unit ko.

"K-Kyle, nandiyan ka pala." Mukhang nagulat din siya pagkakita niya sa'kin.

"Malamang, bahay ko ito eh." Sabi ko. Matagal-tagal pa bago nagsalita si Jake.

"Uhm, may kailangan ka?" I asked him. He was just standing there, not saying anything at nakatingin lang sa akin. He is just wasting my time at kailangan ko pang pumunta sa trabaho kaya diniretso ko na siya.

"Actually, nandiyan ba si Andrei?"

"Wala. Bakit?"

"Ah wala. May sasabihin lang kasi sana ako sakanya, akala ko nandiyan siya sa loob eh. Sige, sorry sa istorbo." Tumalikod siya at naglakad pabalik sa unit ni Alice.

"Okay." Sabi ko at akmang isasara ko na ang pinto nang bigla naman siyang nagsalita.

"Actually, may lakad ka ba ngayon?"

"Lakad? May trabaho ako ngayon." Sabi ko sakanya and I closed the door. Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya, call me bastos pero mali-late na ako sa trabaho ko. Tumakbo ako papunta sa kwarto at nagbihis. Hindi ko na nakita si Jake sa labas ng unit pagkalabas ko. Tumunog bigla 'yung cellphone ko habang naglalakad ako papunta sa parking area.

"Hello?" I answered the call without looking at the caller ID. Na busy kasi ako sa pagbabasa nung paper mail na natanggap ko.

"Hey, how's my friend?" Bumungad sa'kin ang masayang boses ni Luke.

"Nako, buti naman at naisipan mong tumawag sa akin. Buhay ka pa pala?" Sarkastikong tugon ko sakanya.

"Grabe ka naman. Syempre buhay pa ako. Na busy lang ako sa work atsaka sa boyfriend ko. Alam mo na minsan lang siya umuuwi rito sa Pinas kaya sinusulit ko na." Sabi niya.

"That's good. Nga pala, hindi ko na ulit nakita si Edward ah. Anong pinagkakaabalahan niya ngayon?" Nakarating na ako sa parking lot at pumasok agad ako sa loob ng sasakyan ko.

"Aside sa akin," I rolled my eyes. "Palagi niyang kasama 'yung senior nila. Naaalala mo pa 'yung si Lim? 'Yung nag speech nung reunion natin. Ewan ko ba sa dalawang iyon, palagi kasing magkasama. Nagseselos tuloy ako."

Dream Guy 3 (Boyxboy)Where stories live. Discover now