Chapter 26

327 16 8
                                    

Note: I'm posting some unfinished draft.


Luke's POV

"KUMUSTA naman yung pagbabalik mo dito? Nakapag adjust ka naman ba?" To ease the awkwardness inside the car, I started talking and asking him about life and different stuffs.

"Of course, pinoy din naman ako Luke mukha lang Chinese kasi half yung papa ko."

"Singkit ka rin naman atsaka maputi yung balat mo, of course everyone will think that you're a Chinese. 'Wag ka lang magsalita." Natatawang sabi ko.

"By the way, let's talk about what happened last night." He sounded so serious.

"Like what?"

"Like who hurt you, man? Parang wasak na wasak ka kagabi ah. Sino bang nanakit sa'yo? Boyfriend mo ba?"

"Ah..eh oo! May misunderstanding lang." Matagal pa bago ako nakasagot. Ayaw ko kasing isipin nya na masama si Edward, minsan nakakainis pero hindi naman siya mapanakit o kaya'y masamang tao. Minsan lang talaga iba kutob ko eh, parang may talangka yung utak ko at naiinis ako 'pag kaharap ko siya.

"Misunderstanding ba 'yon? Mukha kasing seryoso yung pinag awayan niyo."

"Hindi naman. Ganon lang talaga ako mag react, minsan." Nakakadisappoint naman ng conversation na ito.

"Why are you still holding on to that kind of relationship? I mean, if he doesn't make you happy anymore why won't you leave him?" Napatingin ako sakanya. Hindi siya nakatingin sa'kin dahil nakatuon ang atensyon nya sa daan. He sounded so serious that my heart starts pounding and I feel that anytime from now my tears will rush down from my eyes. I am trying hard to hold back the tears.

"Ah kasi—"

"Kidding! Alam mo napaka seryoso mo. Hindi ako sanay hahaha!" Nilamon ng tawa nya ang buong sasakyan. Hindi ako makapagsalita ngunit nagawa kong ibulong ang "Putangina" na napakalutong dahil sa trip niya.

"Ikaw Deon, 'wag mo nga akong pinaggaganyan!" Saway ko sakanya.

"Bakit? Dahil baka ma fall ka ulit sa'kin? I wish!" Pagbibiro niya. Hindi ko malaman kung saang banda doon siya seryoso at anong part dun yung pagloloko dahil sa tono ng pananalita niya.

"Ewan ko sa'yo." Sabi ko.

"Eto naman, hindi mabiro. I'm already engaged." The last words caught my attention and so I waited for him to continue talking.

"Long-term relationship. Nasa Australia siya ngayon processing some requirements for our wedding since it's not legal here in the Philippines, yet. I love him so much and I can't wait for our wedding." I bit my lower lip. I saw the love in his eyes as he tells me this. I envy them! I really do. As much as I wanted to marry Edward, I still respect his decisions. Kung gusto niya pa ng time, or maybe freedom, I can give him that. It's funny how he always change the topic everytime I bring up something like union or wedding. Kaya minsan I feel very disappointed of myself na para bang sa tingin ko ay pinapipilitan ko ang sarili ko sakanya.

"I'm so happy for the both of you, Gideon. I hope we can meet each other soon." Sabi ko lang.
"Yes. I'm actually planning to introduce you, the one that got away, to the love of my life." He smiled at me. "Pero kung gusto mong pumunta sa wedding namin at sumigaw ng madramang 'itigil ang kasal', I won't stop you." 

"Ayan ka na naman bwesit ka!" Sigaw ko sakanya.

"Pero seryoso, I'm so happy for you. Hindi ko inexpect na malalaman at maririnig ko ito from you." It felt great hearing those words from my ex-boyfriend. 'Yon bang masasabi mo na kahit papaano ay may part ka sa character development niya regardless of whatever happened during your relationship.

Dream Guy 3 (Boyxboy)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz