Chapter 24

455 32 10
                                    

Luke's POV

Lahat kami ay natulala dahil sa sinabi ni Andrei. Halos mabitawan ko ang basong hawak ko. He is fearless! It's a bit awkward nga lang dahil kaonti lang kami dito sa unit ni Castro, but these people are special to him. I've known this guy because of the issues na naririnig ko sa mga seniors namin noon, that he is a jerk, a casanova, who hurt and broke a lot of hearts? That's Andrei Lim. But I never thought that I would be able to see his sincerity, o meron nga ba?

Siniko ako ng marahan ni Edward kaya napatingin ako sakanya, "Ano?" Tanong ko. Pasimple niyang tinuro ang direksyon ng pintuan at doon ko nakita si Jake na nakatayo habang nakatangin kay Andrei.

"Wow, that's awkward." I whispered.

"Jake! Nandito ka pa pala." Sabi ni Edward.

"Ah yeah, Alice forgot her jacket. I just went back to get it." Tinuro niya ang jacket na nakasampa sa sofa. Mabilis niya itong kinuha at lumabas agad siya sa unit ni Kyle.

"Ibang klase din 'tong timing ng lalaking ito eh." Bulong ni Edward.

"Shut up, baka marinig ka."

"Pare, ibang klase yung tama mo kay Castro ah!" Biglang sigaw ni Karl.

"Jerk." Narinig kong sabi ni Chloe saka siya tumayo at lumapit kay Andrei.

"I haven't really introduced myself to you, Dr. Lim. I'm Chloe, Kyle's bestfriend." Inabot niya ang kamay kay Andrei at masaya naman itong tinanggap ng doktor.

"It's a pleasure to meet you, Chloe."

Alam niyo naman ang trip nitong si Chloe. Mahusay siyang kumilatis ng mga tao sa buhay ni Castro pero with Andrei, wala akong narinig mula sakanya. Maybe she likes Andrei for her friend.

"Anong iniiisip mo diyan?" Tanong ni Edward.

"Wala lang. Don't you think he is a bit fast?" I asked.

"Why? Don't you think Ferrer's pacing was also fast?" Edward asked.

"Don't compare them. Magkaiba silang dawala, Edward." Medyo naiirita lang ako kay Edward dahil parang botong-boto siya kay Andrei. I don't even know this man and maybe I was elated at first knowing na Kyle will finally have someone to be with pero right now I feel that something is bothering me. Hindi ko lang talaga mapagtanto kung ano.

"Bakla, magsalita ka!" Bumalik ang diwa ko nang sigawan ni Chloe si Kyle.

"Eh? Ano naman ang gusto mong sabihin ko?" Tanong ni Kyle. Alam kong nagulat din siya sa mga nangyari at sa mga tinuran ng doktor na ito.

"Sabihin mo, thank you? Ikaw na bahala." Sabi ni Chloe.

Tumayo naman si Kyle at lumapit kay Andrei. Kinabahan ako dahil akala ko na hahalikan niya ito ngunit huminto siya sa harapan ni Andrei atsaka nagsalita, "Thank you for loving me." He said atsaka siya yumakap rito.

"Wow, may pa ganon?" Chloe commented.

Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang biglang tumunog ang malakas na music. Lahat kami ay napatingin kay Karl na hawak-hawak ang ipad. Pinatugtog lang naman niya yung 'I feel good' ni James Brown. Grabe yung saltik sa utak, lasing na nga si Balsin.

"Tangina, iuwi niyo na 'yan!" Sabi ni Chloe kung kaya't nagtawanan kaming lahat.

"Kung kailan tumanda, saka pa bumaba yung alcohol tolerance." Sabi ni Edward.

"Ikaw din naman ah." Pangaasar ko. Totoo naman, I don't know what happened to this man. Simula kasi nung pinag-awayan namin ang pagiging lasenggero niya na umabot pa sa muntikang paghihiwalayan, tumigil na siya, hindi na umuuwi ng lasing at umiinom lang 'pag ako ang kasama.

Dream Guy 3 (Boyxboy)Where stories live. Discover now