Chapter 21

361 35 6
                                    

Kyle's POV


"ILANG araw mo na siyang hindi pinapansin ah, sure ka bang okay kayo?" Rene asked me.

"Okay lang kami." I simply reply at him and went straight to the table. Today is the last day of the conference and the program will just last for an hour or two. I sighed in relief, I can't wait to go back to Manila and tell everything to Luke.

"Uuwi rin pala 'yung bruha." Napapikit ako nang maalala ko ang sinabi ni Luke tungkol kay Chloe. Paano kung malaman niya ang nangyari sa amin ni Jake? I need to end everything here bago kami makabalik sa Manila.

"May nagpapabigay sayo." Tumingala ako at nakita ko si Rene na may inabot sa akin. Isang pamilyar na inumin na hindi ko inaasahan na makikita ko rito. "Tanggapin mo na. I heard that it's your favorite." Tinanggap ko ang pink milk mula sakanya.

"May pink milk pala rito?"

"Aba syempre! Ano bang akala mo sa lugar namin, bundok? Walang malls at shops?"

"Chill ka lang, Nagtatanong lang naman ako. Malay ko ba?" Binuksan ko ito at ininom. Hindi ako makapaniwala na matapos ang ilang taon, nagustuhan ko 'yung lasa ng iniinom ko. "Teka, sino raw nagpapabigay?"

"Si Ferrer. Hindi mo raw kasi siya papansinin kaya ipinabigay niya nalang daw sa akin." Sabi niya.

"Tell him I said thanks."

"Bakit niyo ba ako ginagawang messenger? You can just tell him, ano ba naman yung pumunta ka sa table nila at sabihin ang mga katagang 'yan? Isn't it more appropriate and sincere kung ikaw mismo ang magsabi sakanya? Para kayong mga bata." Nagulat nalang ako sa mga katagang lumabas sa bibig niya.

"Teka lang naman 'tay, awat muna sa pagsisermon mo diyan."

"So ano, tuloy ba yung plano natin mamaya?" He asked. Parehos kaming guilty sa pinagagawa namin sa buong conference kaya nagbubulungan lang kami. Napakahirap kasing mag focus sa dami ng iniisip ko. Hindi ko na ata maalala yung huling beses na nag overthink ako.

"Of course. Hindi ako makakapayag na matapos ang trip na'to nang hindi nakakapunta sa garden na 'yon."

"Ikaw bahala. Teka, isasama mo rin ba 'yung isa?"

"Ewan. Pwede naman akong sumabay sayo. Hayaan mo na siya kung pupunta o hindi, matanda na 'yan eh."

"Yes bossing."

Pagkatapos ng closing ceremony, agad akong bumalik sa room at nagimpake. Iniligpit ko lahat ng gamit ko at sinigurado kong nakaayos na lahat para hindi ako mahuli sa flight. Tinext ko si Rene na magkikita kami sa labas ng lobby at doon niya ako dapat sunduin. Naglakad ako papunta sa lobby, nadaanan ko ang room ni Jake.

"Should I invite him?" I asked myself. Napahinto ako sa tapat ng pinto. Nagdadalawang isip pa ako kung kakatok ba ako sa pinto o hindi, baka kasi bigla siyang lumabas. "Bahala na." Pagkasabi ko non ay agad naman akong kumatok sa pintuan niya. I knocked trice pero walang respond. I even called his name, but he didn't respond.

"Maybe he isn't in his room now?" I sighed and walked away. Naglakad ako papunta sa labas kung saan ako susunduin ni Rene para pumunta sa sunflower garden na ipinagmamalaki niya. Maganda naman talaga ito sa pictures, and I am also certain that it's beautiful in person.

"Napakainit! Nasaan na kaya ang mokong na 'yon?" Bulaslas ko habang nagti-type ng message para kay Rene. Nakatingin ako sa cellphone ko habang binubuo ang mga katagang sasabihin ko sakanya nang may napansin akong sasakyan na huminto sa harapan ko.

Dream Guy 3 (Boyxboy)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن