XXX

4.6K 138 27
                                    

Jhoana's POV

It's been a week since natapos yung battle. I can't imagine na tapos na nga yung pinakahihintay namin na battle. Binigyan ng school ang lahat ng students ng one week break para na rin sa mga gangsters na sumabak noon sa laban.

Nandito kami ngayon sa dining area at sabay-sabay na kumakain dahil may pasok na mamaya.

Hindi naman kami nagulat sa naging result kasi expected na yun eh and planado at the same time. Unexpected lang talaga ay yung nasa Highest 25 pa rin si Fhen.

At ang bad news nga lang, si Deanna hindi pa nagigising hanggang ngayon. Ito kasi ang nangyari pagkatapos naming magkasiyahan.

----- Flashback -----

Nang kumalas na kami sa pagkakayakap ay bigla na lang napahawak si Deanna sa parte ng katawan niya na nasaksak.

"You okay?" Worried na tanong ni Jema sa kanya habang inaalalayan itong makaupo ulit.

"I-I c-can't b-breath." Hirap nitong sabi at humawak naman sa kanyang dibdib kaya naalerto sina Alyssa.

"Deanna!" They approached her.

"Cy! Anong nangyayari?!" Tanong ulit ni Jema.

Nakatingin lang si Cy sa kanila na parang walang alam sa nangyayari.

"M-Margarett..." Pabulong na sabi ni Deanna.

Lahat kami ay sabay-sabay na napatayo nang magpassed out na talaga siya ng todo.

"What the fuck is happening?!" Bea shouted.

"I don't know! Cy?! Ano na?!" Sabi naman ni Tots.

"Wait lang okay?!" Pati na rin si Cy ay naguguluhan na.

Si Deanna ay wala na talagang malay at nakahiga ngayon sa lap ni Jema. Lumuhod naman si Jaycel para mapantayan si Deanna.

"Buddy." Jaycel called her but the woman laying on the couch is not answering.

"Ate Deans. Please answer me naman oh." Tawag ulit nito pero wala pa rin.

"Oh fuck Ate wake up!!" Napasigaw na siya sabay alog kay Deanna kaya inilayo siya nito sa kanya.

"Jaycel!"

"Can you guys calm down?!" I shouted that made them stopped. "Hindi kayo makakapag-isip ng maayos kung magpapanic kayong lahat at magkakagulo na lang dyan."

Inayos naman ni Cy ang kanyang sarili at huminga ng malalim.

"Okay ganito. We will take her to the clinic to check her condition then the rest of you guys will stay here." Kalmado niyang sabi.

"Sasama ako." Singit ni Jema.

"No. Just stay here. Kami na ang bahala sa kanya." Sagot ni Cy. Wala namang nagawa si Jema kundi pumayag dahil para naman ito sa taong mahal niya.

Sumang-ayon din naman kami sa sinabi niya kaya tinignan niya sina Bea at humingi ng tulong para dalhin si Deanna sa clinic. Nagstay lang kami dito at pinakalma ang iba sa amin especially si Jema.

I think they took a couple of hours bago sila lumabas ulit. Akala namin ay okay na si Deanna pero mali kami. Hindi pa rin siya nagigising. Ito ay dahil daw sa sinaksak sa kanya ni Fhen.

Fhen put some poison dun sa knife. Hindi naman masyadong ipinaliwanag sa amin ni Cy kung anong klaseng lason ba yun dahil sobrang rare lang daw nito. Kayang pahinain ng lason ang katawan ng isang tao and can cause it to death.

Gangsters of Ateneoحيث تعيش القصص. اكتشف الآن